Dedicated to: Shruti23p06
SAVI'S POV
Lunes ngayon at di ako pumasok dahil ngayon yung lamay ni Nani.
Ang sakit parin isipin na may hayop na gagawa non
"Sav? Magbihis ka na" sabi ni kuya atsaka umalis
Nagsuot lang ako ng jeans at polo na white, tinalian ko ang buhok ko at nagsuot ng shades. Matapos nun bumaba na ako
"Ate Sav!" sigaw nina Wattie at Mobie saka ako niyakap
Sobra akong nagi guilty dahil nasa bahay namin si Nani at namatay.
"At Ca---" yayakapin ko sana si ate Callie pero iniwasan niya lang ako
"May problema ba?" tanong ko
"Wag mokong lapitan, wag ka din didikit samin, Wattie, Mobie tara na" sabi pa niya na.
May nagawa na naman ba ako?
Nakarating na kami sa Memorial Park kung saan ililibing si Nani
Wala ako masyadong maintindihan dahil bumabalik yung isip ko kung saan nakasama ko si Nani
Flashback
"Nani, is this chocolate?"
"Ay nako kang bata ka! Tae yan ni Smurf"
End Of Flashback
Eto na naman yung mga luha kong naguunahan sa pagtulo. Ang sakit naman, sobrang sakit talaga.
Flashback
"Nani, bumagsak po ako" umiiyak na sabi ko
"Ha? Eh nakatayo ka naman ah"
"Nani naman!"
"Hay, nag aral ka ba talaga nung pinag review ka ni Mam Yona?"
"Nag baba lang ako ng tingin
End Of Flashback
Ano ba yan, lagi nalang akong namamatayan ng mahal ko sa buhay. Bakit ganon?! Life is so unfair.
Matapos ang nakaka lungkot na libing ni Nani, tumambay ako sa kwarto ko at dun nagmukmok ng nagmukmok
"Mahal na mahal kita Nani, hindi ko na po alam ang gagawin ko ngayong wala ka na...." umiiyak na sabi ko sa picture niya "Wala na pong magtatanggol sakin... W-Wala n-ng maglu-luto ng ch-cheesecake k-ko..." at dun na nga bumuhos lahat ng lungkot ko at luha ko "Sorry Nani, sana pala di nalang ako sumama sa reunion namin.... I'm sorry Nani, makukulong po ang guma---" bigla akong natigilan sa sinabe ko kasabay nun ang pag punas ko ng mga luha ko
Sino nga bang pumatay sayo Nani??
Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba sa may salas
"Oh Sav, you ok na?" paghahagod sakin ni kuya
Kami kami lang dito magpipinsan, maids at Naiah
"May napapansin po ba kayong kakaiba nung time na yun?" interesadong tanong ko sa maids
"Ako po ay... Natutulog po pasensya na" nahihiyang sabi ni manang Kaye
"N-No it's ok po" sabi ko naman
"Ako naman e nag grocery lang, at yun ang iniutos ni Miss Deighly..." sabi naman ni manang Esther
"Ipinag drive ka po ba ni kuya Chris?" tanong ko naman. Siya kase ang driver ng maids namin e
YOU ARE READING
LOVE, HEAVEN SENT.
Random6-23-20 Ps: i don't own that cover;) PPS: Unedited Version. Msramibg rtyp0✌️✌️