CHAPTER SEVEN: HEARTACHE REUNION

14 4 2
                                    

Dedicated to: Dishami661

SAVI'S POV

Kinaumagahan kumain na kami, naligo, at nagbihis

Dito parin sa Masters Camp, may room dito ng mga comshop.

Sa unahan si Zach, Leynah, Ako ang maganda, si Naiah. Katapat namin sina Justin, Keera, at Lesha. Sa bandang likod andun yung nga lalaki

"Ano lalaruin mo Savi?" dinig kong tanong ni Jastler

"Uhm, maglalaro kami ng Counter Strike" sagot ko naman

"Tara, tara!" sabi ni James

"Ano ka Sav?" tanong ni Keera

"Tao malamang?" sagot ko

"Boba! Ibig sabihin ko ano yung team mo!" sigaw niya. OA talaga siya ih sisigaw lang eh katapat kang naman kami.

"Terrorist" sagot ko

"Sapi ako Savi!" sabi ni Jastler. Sasapi daw sya sakin? Oh no, wag! Charot!

"Ge" sagot naman ni Naiah

"Ikaw Zach sali ka?" tanong ni Leynah. Tumingin muna si Zach kay Leynah bago ako tignan "Pwede pa ba?" tanong niya at tumingin kay Leynah

"Sige lang bro!" sigaw naman ni Justin

Ang nangyare.... ako na dyosa, Naiah, Leynah, Jastler,  at Exequiel kampi namin, terrorist din sila. Maganda kase talaga mga baril nila!

Sila Keera, Lesha, Justin, Zach, Rain, at James naman, CT Forces. Kalaban sila siyempri!

So umere na ang laro namin nakailang patay sila sakin pero mas marami akong napatay, yun nga lang diko mapatay patay si Zach. Kaya naman lumabas ako sa base namin at sumugod kila Zach

Deads ako! Namatay ako!

"Wag kaseng sugod ng sugod." bigkang sabi ni Zach sabay pitik sa noo ko

"Ay bobo! Ang tanga ni Saviona!" napalingon ako kay Quiel ng sabihin niya yon

"Ano?" pinilit kong tumawa kase hindi talaga.

"Sugod ka ng sugod nagbi bida bida ka? Bobo, patalo naman" ibinalik ko nalang yung tingin sa pc dahil maiiyak na naman ako for sure

"Tatanga tanga si Savi" dagdag pa niya

"Hoy! Etong si Exequiel eh, ok na diba? Paulet ulet?" biglang sabat ni Naiah

"Eto naman si Quiel, laro lang! Don't take it serious" sabi naman ni Keera

Alam kong dinedepensahan nila ako, ayaw lang ipahalata...

Sa inis ko, agad na kumuyom yung palad ko, kaines!

Nang biglang hawakan ni Leynah yung kamay ko, nakakadiring pangyayare! Charot!

"Wag." sabe lang niya

"Gane na nga! Bobo kase e." sabi pa ni Exequiel kaya nagpatuloy kami sa paglaro, nanalo ule sila Zach, at ako ang sinisisi nila

"Hay, si James talaga tatanga tanga! HAHAHAA!" sabe ni Lesha

"Kaya nga sila natalo eh"

"Ang galing ni Zach ah! Minsan nga paturo kami, HAHAHAHAHA" sabi ni Justin

"Wala, noob si Jastler!" sigaw pa ni James

"Ah? Baka! Si Saviona nga yung bopols eh!" sabi naman ni James kaya nagtawanan ule kami

"Talaga, aanga-anga naman yang si Sav!" bigla ule kumuyom yung palad ko nang magsalita si Quiel

At mukang napansin nung mga katabi ko yun

LOVE, HEAVEN SENT. Where stories live. Discover now