Ang Paghahanda

53 0 0
                                    

Kleya's POV

"Yow! Galing na naman ba 'yan sa feeling manliligaw mo?" Napalingon ako sa nagtanong na nasa bandang pintuan. Si Lyeena pala, ang kabigan kong hypebeast. Umiling ako saka ibinalik ang tingin sa rosas na napakaganda.

"Ano ba 'yan?" Tinabig niya ako sabay ng pagtabi niya sa kinauupuan ko. Pareho na kaming nakaupo sa magandang silya na nandito sa likod ng bahay kung saan madaming halaman sa paligid.

"Roses siguro 'to." Said I in sarcasm tone.

Binatukan niya ako. "Nagagawa mo na ako barahin Kleya Misty ah!"

"Mukha ka kasing inidoro." Pagbibiro ko, hindi siya natawa bagkus ay tinirayan lang ako nito.

"Sino ba nagbigay niyan?" Tanong niya ulit at akmang hahawakan ang roses ngunit tinabig ko ito para mapalayo. Mabilis kasi siyang makasira ng isang bagay kaya mas mabuting mag-ingat.

"My nephew, he gave me this before they go home." Ngiti kong sabi at hinaplos ang tatlong pulang rosas na hawak ko. Tatlong taon palang si Nathe pero alam niya na ang paborito ng tita niya. Napaka sweet.

"Akala ko may panibago ka na namang suitor e, masasapak ko na sila." Umakto siyang nag babali buto. Joke! Nagpapatunog siya ng buto sa daliri. Mannerism niya na talaga 'yan. Ngumiti akong tinitignan siya. Napaka protective talaga ng bestfriend ko. Kahit mukhang manunugod siya at naghahanap nang away.

"Hindi naman ako nagpapaligaw." Pagdadahilan ko.

"Hindi nga pero dahil pasaway ang mga lalaki, ayun! Binibigyan ka ng mga bulaklak. Magkaka sariling garden ka na uy!"

"Napag tsismisan ata ako e, nalaman nilang mahilig ako sa rosas." Nguso kong sabi.

Nakakagaan kasi ng loob kapag may rosas. Kahit may mga tinik ay napapawi ang sandaling lungkot na nadama ko kapag nakakakita nito. Kaso, hindi ko alam saan nila nalaman 'yun o baka halata naman dahil halos lahat ng gamit ko ay may disenyong rosas. Maliit man o malaking disenyo.

"Ay siswang! Kalat talaga chismis ngayon! Kaya nga ako nandito para may sabihin din! Bagong chika." Arte ng salita. Hypebeast with a class ba siya?

"Maliban sa damit mong pang hypebeast ano pang ichichika mo?" Paano ba naman kasi 'yung suot niya naka pantalon na siya, naka medyas pa.

"Gaga! Por que wala dito si Rick ganyan ka na sa akin ah! Ayun nga mas malala pa sa akin, jeje mode." Pagtanggol niya sa sarili. Isa pa 'yung si Brodderrick, hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga sila dahil sa kajejehan nila sa buhay.

"Speaking of Rick, nasaan siya? Miss ko na ang jeje." Tatlo kaming magbebest friend since then. Buti nga at natiis ko pagiging abnormal nila.

Umirap siya "Seriously Kleya? Siya hinahanap mo, e, ako ang nasa harap mo."

"Masama ba?" Kunot noo kong tanong

"Ays! Papunta na rin 'yun, lapit lang kaya ng bahay nating tatlo, miss mo na agad ang ugok. Saka kahapon lang galing tayong univ. Ah." Nagkibit balikat siya

Underneath, Flower ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon