Ang Pagdidilig

26 0 0
                                    

Kleya's POV

"Manang alis na po ako." Mabilis akong naglakad palabas ng gate at tulak-tulak ang regalo sa akin ni dad na motor noong 16th birthday ko. Hindi ko na rin hinintay ang pagsasalita ni manang.

Currently, its 6:10am. I know, I'm too early. 7:15 pa ang first subject ko. Gusto ko lang magpahangin, feeling ko napaka dami ko pang hindi alam tungkol sa nakaraan. Napaka-ulyanin ko naman ata. Hayss.

"Pupuntahan ko ba sila Rick o mauuna na ako sa univ.? Tatawagan ko ba sila o itetext?" Tanong ko sa sarili.

Hindi ko alam sched nila, baka nga tulog pa ang mga jeje dahil may pagkabatugan sila. Hays makalakad na nga lang.

"Kleya!!" Dinig kong may sumigaw kaya nilingon ko ito. Si Croffer, nakasakay sa itim na kotse. Tinaas ko ang dalawang kilay ko dahil sa nakita ko, teka? Logo ng university na pinapasukan ko ang nakatatak sa uniform niya ah?

"Ang aga mo naman." Sambit niya nang makababa ng kotse at sinuklay ang buhok niya.

"Ikaw dapat sabihan ko, ang aga mo naman. Sa university ka na pala namin papasok?" Inayos ko na ang helmet sa ulo ko.

"Kapag bago ka dapat maaga ka. Oo, mas magkikita tayo." Masayang sabi niya.

Oo nga at kapag mas magkikita tayo e mas matatameme si Lyeena sa mukha mo. Hindi ko pa nga pala natatanong kay Lyeena kung may gusto siya dito.

"So, kapag bago lang dapat maaga?" Di makapaniwalang sabi ko.

"Hindi naman pero ano diba bago ko kaya kaialngan hindi ako malate." Pagpapaliwanag niya.

"Gets" I utter

"So ba't ka maaga?" He asked

"Kasi kahit hindi bago pwedeng maaga pumasok." Palusot ko.

"Is that your real reason?"

"Aha" Tumango ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ano mang dahilan ko dahil maski ako ay naguguluhan kung ano ba ang dapat kong malaman.

"Tara na, pasok na tayo." Pag-aya niya na sumakay sa kotse niya.

"May motor naman ako." I said

"Mas ligtas sa kotse."

"Okay nga lang, mas explore kapag motor." I assured him.

"Edi ako nalang makikisakay?"

"Huh, ano kasi.." Letse akala ko naman matatalo na siya sa usapang sasakyan pero mukhang malulugi pa ako. Natatakot akong mag-angkas.

"Tyong at Tyang!" Nice Rick savior! Lumapit siya sa amin. Si Lyeena nalang kulang ah. Nasa tapat lang naman siya ng bahay namin at ang bahay ni Rick ay katapat ang bahay ni Croffer na katabi ng bahay namin. Nakakahilo ko magpaliwanag hehe.

"Himala ang aga niya ngayon." Bulong ko sa sarili

"Saan ako pwede maki sakay?" Nag-inimini my nimo pa siya sa motor at kotse namin ni Croffer. Hindi kasi siya binigyan ng kotse dahil napaka careless niyang tao, kambal ata sila ni Lyeena dahil isa din 'to. Speaking of Lyeena patakbo siyang pumunta sa amin at inaayos ang necktie niya. Ganito ba ang future flight attendant? Hay naku. Napa irap ako sa ginawa niya. Tumabi siya sa akin.

Underneath, Flower ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon