Ang Pagtubo

15 0 0
                                    

Kleya's POV


Nag-umpisa na nang pagsikat ng araw. Bumangon ako at mabilis nag-ayos. Hanggang ngayon hindi ko alam kung okay ba kami nila Mom and Dad. Masyado silang busy sa trabaho kaya hindi kami nagkita kagabi.

Ngayon, nakasakay ulit kami sa kotse ni Croffer. As usual maingay na Lyeena at Rick ang maririnig habang kami ni Croffer ay kapwa nakatuon ang mata sa daan papuntang school. Mukhang masasanay akong hindi naka motor sa pagpasok dahil pinipilit nila akong sabay-sabay kami pumasok. Hayss.

Nang makarating kami sa school ay kinakabahan ako. Kung wala lang 'tong extra points para sa grades baka umabsent na ako ngayon at nagpakasaya sa loob ng kwarto na mag-isa. Kaya lang golly gosh! Gabayan nawa ako sa swimming lesson.

"You look nervous, Kleya." Croffer said while we are walking. Nauna na sila Lyeena at Rick dahil may ganap daw. Ewan ko sa ganap na 'yun.

"Hmmm? Nope, natural lang 'to." I lied

"Spill it out. What bothers you?" Pansin kong simula nang magkakilala kami, siya lang nakakakita ng tunay kong nararamdaman kahit hindi sabihin.

"Wala lang talaga. Sige dito na way ko! See you mamaya! Libre mo ko." Nagthumbs up ako habang nakangiti sa kanya, pagtapos ay binilisan ko ang paglalakad papuntang locker at hindi ininda ang mukha ni Croffer na parang nagtatanong. As usual, may nakita nanaman akong flower nang makarating ako sa locker room. Nilagay ko agad ito sa bag at isiniksik ko na ang bag sa locker. Babalikan ko nalang mamaya. Pumunta ng comfort room para makapag bihis ng pang swimming.

Sure na ba talaga ako? I deep sigh at lumabas na para pumunta sa swimming area.

Ngayon lang ako nakarating dito. I saw my mates and they are excited at mukhang handa na. Lumapit ako sa place nila at umupo sa isang tabi.

I feel like a shadow again.

-

"Tapos na ang grupo nila Dela Fuega. Kayo naman Billowin, grupo niyo naman. Pwesto na agad!" Pagtapos sabihin ng Pe teacher namin ay tumayo na ako.

Wow Kleya ah kala mo talaga kakayanin mo.

Si Billowin ang leader ng grupo, siya ang mag-aassist sa amin. Nag-sipwesto na ang mga kasama ko habang ako ay naiwang tulala sa pool. Sabi nila 6 feet daw 'to, kahit nga ata 3 feet hindi ko kakayanin. Sabihin ko kaya na may phobia ako? Oh! Come on Kleya baka hindi sila maniwala sayo.

"Kleya Misty Breiden." Nagising ako sa pagkakatulala nang may tumawag sa akin.

"Breiden pwesto na."

"Ahm.."



"Tumatakbo ang oras."

Alangan namang naglalakad, ito talaga si Billowin!

"Sige ito na." Pumwesto ako nang nakapikit.

Pagsabi palang na lumolob na para makapagsimula. Minulat ko ang mga mata ko at agad akong nakaramdam ng paninigas sa aking pwesto. Makita palang ng malapit ang malalim na 'to ay hindi ko na alam ang gagawin, natutuliro ako. Naninikip ang dibdib ko na parang hindi makahinga. Dama kong may tumulo nang luha sa mata ko.

Bigla nalang may nagpakita nang sandaling ipikit ko ulit ang aking mga maya.

May naalala ako, isang batang nanghihingi ng tulong. Sino siya..

Underneath, Flower ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon