Hello there and everywhere!
Maghapon akong bored sa bahay ngayon. saturday ngayon. Parang balak kong mag7-eleven muna.
Gusto ko ng slurpy! Tungunu. Ang tagal ko ng inaasam-asam yung slurpy na yon. Lalo na yung orange flavor. Ang sarap kaya try mo!
Nagbibike lang ako, dahil medyo malapit lang naman. At ang sarap ng hangin hapon na kasi.
Habang nagbibike ako, may nakita akong aso.
Tangina. Napasign of the cross nalang ako. Takot na takot ako sa aso. Dahil may history ako jan.
Nakatingin sakin yung aso. Crush yata ako.
Kinikilig ako. De joke!
Miya-miya, binilisan ko yung bike ko at hinabol ako nung aso.
"Tangina. Tangina. Tangina. Shooooo!" Tapos tinodo ko na yung bike ko. Ang lakas ng tibok ng pulso ko. Pulso talaga? Hahaha.
Buti at nakatakas ako sa aso. Leche. Kinakabahan parin ako.
Ng makadating ako sa 7/11,
Pagkadating ko, Naagaw agad ng atensyon ko yung lalaki, balot na balot sa jacket. Nakahood pa talaga. Yung totoo? Ginaw na ginaw? Siguro may pulmonya to. Pero Mapapamura ka nalang e! Hahaha. Tiis ganda si koya.
Anong pinaglalaban ko? Uki uki.
Bumili ako ng slurpy, hershies, toblerone, kisses, clover, cookies, hotdogs, Tortillas at ice cream! Nakakagutom kasi.
Tumabi ako kay kuyang tiis ganda. Lamig na lamig siguro to no?
Pagkapatong ko ng mga dala ko,
"Woah! Baboy na baboy ah!" Sabi ni kuyang tiis ganda.
"Woah ka rin! Close ba tayo ha? Tska umisod ka nga!" Sabay tulak ko kay kuya. Kasi siksik na siksik.
"Aba't! Teka! Pag-aari mo ba to ha? Wag ka ngang feeling. Palibhasa baboy ka." Sabi ni kuya. Pota nakakainis na ha! Nakakababae na! Pigilan niyo ako!
"Tungunu. Nakakababae kana ha! Suntukan nalang" hamon ko sa kanya.
"Ay babae ka pala?" Tapos pinaghahampas ko siya.
"Aray! Pota! Tigilan mo nga yan!" Tapos tinigilan ko na. Tinitigan ko siya ng masama.
"Eh ikaw nga e, kailangan nakajacket? Lamig na lamig? Yung totoo may kulto kaba?" Pang-asar ko sa kanya.
"Sobrang gwapo ko kasi kaya ako nagtatakip baka pagkaguluhan ako." Napakayabang niyang sabi.
"Jonginaaa! Mukha ka yatang palaka kaya ka nagtatakip e. Hahahaha. Funny funny funny very very very" at with matching panusot feslaks pako.
"Pag nakita mo ang kagwapuhan ko, mapapanga nga ka nalang. Tingnan ko lang!" Sabi nya.
Tapos pinipilit kong tanggalin yung hood niya. Para makita ko yung mukha ng mayabang na to!
Baka mamaya mukha tong aso e!
Namangha ako pagkatanggal ko. Tangina! Dapat pala nagpakabait ako kay koya! Ang gwapo. Leche. Dyoso.
"Mangha ka naman? Tss." Sabi niya. Natitigan ko , teka eto yung nasa elevator na ubod ng sungit ah!
"Hoy! Ikaw yung mayabang sa elevator!" Sabi ko sa kanya. Sabay hampas.
"Eto naman hampas ng hampas. Fc ka din. E. Feeling close at flat chested." Sabi niya.
"Hayop ka!" Singhal ko.
Tapos kumain na ako. Aba't nakikikain sa pagkain ko tong hangin na to ah!
"Hoy aba. Bumili ka ng iyo. Taghirap na ngayon." Sabi ko. Sabay agaw sa hersheys ko na kinakain niya.
"Aba wag kang epal. Kita ng nakain ang gwapo e." Sabi nya.
"Wow ha. Natatangay ako sa hanging dala mo."
Tapos ayun. napawow nalang ako. Halos siya na umubos ng pagkain ko. Napakatakaw! Pero hindi naman mataba. sexy nga e! Pwe.
pinagkakaguluhan siya dito. Ang daming nagpapapicture. Hinila niya ako patayo.
"Hoy teka! Wag ka ngang manghila! Yung pagkain koooo naiwan koooo!" Sabi ko.
Hinabol kami nung mga babae. Ay siya lang pala yung hinabol.
"Sabi sayo e, sobrang gwapo ko kaya kailangan ko laging magtakip ng mukha. Sa sobrang gwapo ko, pinagkakaguluhan ako. Napakaartistahin ko talaga." Putangina. Ang hangin!
"Dami mong alam. Unggoy ka kasi. Kaya ka nagtatakip. Hahahaha!" Sabi ko sa kanya.
"Eh ikaw baboy! Napakatakaw! Kababaeng tao! Fc pa! Flat chested na, feeling close pa!" Sabi ng hayop na to.
"Hayop ka talaga!" Tapos sinabunutan ko siya ng full effort. May sumama na buhok sa kamay ko.
"Aray! Leche ang sakit! Buong araw ko inaayos yang buhok ko! Tska nagalcohol kaba? Ang baho kasi ng kamay mo." Napakahayop. =____=
"Hayop ka! Ang arte mo, maarte kapa sakin, yung totoo lalaki kaba talaga?" Tapos inirapan ko siya.
"Aba. Oo. Sobrang gwapo ko kaya. Ayoko lang kasi sa germs. Lalo na at galing pa sayo." Sabi niya.
Pagkatapos ng maraming asaran. Nagyayaan na kaming umuwi. Nakabike din siya.
"Hoy bakla ka talaga no? Sikret lang natin. Hahaha. Bakit pink ang bike mo? Napakabakla mo talaga. Hahahahaha!" Pangasar ko sa kanya. Aba pangbabae ang bike niya. May basket pa na may glitters glitters na color pink.
Pota! Hahaha. Bakla e.
"Hoy! Wag kang mag-isip ng kung ano-ano, sa kapatid ko yan tss. Grounded kasi ako sa bike ko. At ikaw kaya! Tomboy ka no? Bakit blue ang bike mo? Panglalaki!" Sabi niya.
"Tss. Paki mo ba? Ang cute kaya. Tska hindi ako girly no! Pero hindi ako tomboy. Tska Pangbabae pa rin yung design kahit blue. Inggit ka lang bakla ka." Pang-asar ko sa kanya.
"Tssss. Makakasuntok ako ng di oras!" Sabi niya. Tinawanan ko lang.
"Ge na uuwi nako babyeeee!" Sigaw ko sa kanya. At sinimulan ng magbisikleta. Syet ang lalim! Bisikleta.
Napansin ko. Sumusunod ang hayop!
"Hoy, bakit ka sumusunod? May balak ka pang rape-in ako! Budol budol gang!" Sigaw ko sa kanya.
"Tanga! Wag kang feeling. Dito ang daan ng bahay ko." sabi niya.
Naka-3 liko na ako. Kanan. Kaliwa. Tapos kaliwa ulit. At nakita kong nakasunod pa rin siya.
"Hoy! Subukan mo lang gawan ako ng masama, at patayin ako, mumultuhin kita! Promise!" Sigaw ko sa kanya.
"Mukha ba akong criminal? Napakagwapo at napakabango ko para maging criminal. Tanga ka talaga. Dito ang way ng bahay ko e. " sabi niya. Napakayabang talaga tss.
Tapos pagtigil ko sa bahay ko. Nakasunod pa rin siya.
Tinitigan ko siya ng masama.
"Niloloko mo bako?" Sigaw ko sa kanya.
"Wait and see." Sabi niya.
Tumigil siya sa bahay sa tapat ng bahay namin.
"Ah ser, pasok na po kayo" narinig kong sabi nung maid nila? Teka
"Hoy jan ka nakatira?" Sigaw ko sa kanya.
Wag mo sabihing kapitbahay ko ang mayabang na yon? At tapat pa talaga ng bahay namin.
"Ay hindi. Jan ako sa inyo nakatira. Tanga talaga tss. Kita ng kinausap nako ng maid e." Sabi niya. Napakapilosopo. Ang yabang. Nakakainis.
"Yabang mo talaga!" Tapos inirapan ko lang siya at pumasok na sa bahay namin.
Nakakainis talaga yung mayabang na yon! Napakapilosopo. Gwapo nga, ang yabang naman. Wala din.
Pero nakakatuwa siya talaga. Nakakatawa.
hihiga muna ako. Ajujuju! Im so napagod.
BINABASA MO ANG
To wait or to forget?
Novela JuvenilTo wait for him and his promises? or to forget? because in reality, there's no really chance of going back to the past.