Chapter 2. Panty: word of the day.

21 1 2
                                    

(CHAPTER 2)

Nagising ako, lamig na lamig ako, kinakapa ko yung comforter ko, di ko mahanap. Inaantok pako z___z Minulat ko na yung mata ko, nasa sahig pala yung comforter. Ang lamig kasi ng aircon. Makatulog ulit, ZZzzZz

*Dreamworld*

May dalawang lalaking tumatawag sakin, hinahanap ko di ko makita.

"Elisse!" Pagkatingin ko sa may bandang taas, nalipad yung dalawang lalaki, kinusot ko yung mata ko, luminaw na yung itsura nila.

Nairita ako, nananadya ba ang tadhana? Bakit tong dalawang ex crush ko ang nakikita ko, nalipad pa, may dalang chooks to go yung isa at yung isa naman may dalang milo shake at proven. Grabe nakakagutom ha. Infairness.

"Elisse" sabay na salita nung dalawa.

"AY! Po?" Nagulat ako sa tawag nila. Masyado kasi akong natulala sa mga pagkain na dala nila.

"Bakit hindi mo subukang magkacrush ulit o mainlove? Malay mo, siya na pala." Sabi nilan

Habang nagiisip ako, nawala yung dalawang ex crush ko,

"Ay sayang, hihingi pa naman sana ako ng chooks to go at proven"

*Reality*

Nagising akong kinakabahan ako. Bakit ganun panaginip ako, yung 2 ex crush ko pa. Si Jake at si Alex.

Napaisip naman ako sa sinabi nila sa panaginip ko.

Di ko kailangan ng lovelife. Masaya nako ngayon. Walang problema. Yung masaya lang. Di naman kailangan magmadali e. Darating din ako jan! Jongina. Ang kire ng ex crush ko.

Saturday nga pala ngayon, kaya rest day ko. Yes!

Bumaba nako.

Kumain nako. Habang nanoood ng news.

"Balitang-balita, Isang dalagang babae, nahuling nagnanakaw ng panty sa kapitbahay.

May ari ng panty- huling-huli kita, ninanakaw mo yung panty ng anak kong si Kuring. Di mo ba alam na sa divisoria ko pa binili yung mga panty na yon?

Dalagang magnanakaw- pagpasensiyahan nyo na po ako, tatatlo lang po kasi yung panty ko sa bahay, e butas papo yung isa.

Kasalukuyan na pong dinadala sa prisinto ang babaeng magnanakaw ng panty. Magingat kayo mga kababayan.nagbabalita, Bebang " nanlaki mata ko. Grabe pati panty ninanakaw. Tsk tsk.

MAY NAALALA AKO!

"Manang, kanino nga pala pong panty yung nasa sahig ng kwarto ko?" Tanong ko kay manang.

"Ay bunso, baka kay Sita. Sabi niya may nahulog daw sa kwarto mo galing sa bag niya, e ibalik ko nalang daw. At day off siya ngayon."

Grabe >________< word of the day "Panty" tss.

"Eh? Ay. Sige po. Si kuya nga pala po, bakit di pa kumakain?" Sabay kasi kaming kumain kagi ni kuya pero wala siya ngayon.

"Ay nasa bahay daw ng tropa nya, gagawa daw ng requirements"

Nako for sure. Gagala lang yang si kuya, -_________-

Makagala nga din. XD ittreat ko sarili ko. Rest day ko naman e.

"Aalis din po ako"

Pumasok ako sa body spa. Tapos pinili ko yung offer nila na whole massage. Package e.

Tapos sumalampak nako dun sa may higaan na may butas para sa mukha. Grabe nakakakiliti sa una, pero ang sarap ng massage nila. Heaven e. Halos makatulog nako.

Nung natapos na, parang ayoko pang umalis, gusto ko forever ng minamassage yung likod ko.

Pagkatapos sa massage nagoodmood ako. Ngiting-ngiti ako habang naglalakad. Dumeretcho muna ako sa starbucks. Umorder ako ng capuccino. Tapos umupo na. Relax na relax ako habang umiinom.

Napasilip ako sa labas. Medyo madilim na pala. Makapunta muna sa salon.

"Bagay po sa inyo yung red hair nyo." Nginitian ko nalang ung babae tapos umalis na. Napangiti ako bagay nga sakin.

Bumili din ako ng mga damit.

Nakakatamad na. Makauwi na nga lang.

Tapos pupunta na ako ng car parking. Di nako nagpahatid kay kuya D.

*TUUUUGSSSSH* pota, naghulugan ung mga dala ko. E andami nito. Leche.

"Shet. Excuse me lang kuya ha? Pwedeng pakitulungan ako sa hinulog mo?" Tapos inirapan lang ako. Kalalaking tao. Tss bastos e.

"I dont care. Di naman akin yan" tapos nilagpasan lang ako. Tsssssss.

Kabadtrip e. Umuwi akong nakabusangot tsss. Makapagonline na nga lang. Log on sa fb, twitter and ask.fm

Makapagtweet nga. "Aa nakakabadtrip talaga ung kanina e. Tsss" Tweet sent!

Tapos tinweet ko yung crush ko! At nireplyan ako. Shet! Jonginaaaa! Nakakakilig. Hahaha.

Sa sobrang kakiligan ko, Kinuha ko ung pigurin na kabayo dun sa tabi ng divider ko tapos sumayaw ako ng gimme-gimme. *KRAKATAK* (Tunog ng nabasag, wag na kayong magjinarts HAHAHA) Pagtingin ko, ulo nalang nung kabayo yung hawak ko. -____- nabasag ung katawan.

Paktay ako kay kuya neto. Regalo nya un sa first ex girlfriend nya. Parang tanga. Walang kasweet-sweet sa katawan ang binigay ba naman kabayo na pigurin para daw pangdisplay sa kwarto nya, tapos ayun isang tumataginting at malutong na sampal lang naman ang natanggap ng loko. Kaya ayun Binreak.

Ang sabi pa nung babae, "unicorn ang gusto ko, hindi natural na kabayo! Mukha bakong kabayo?" Kaya ayun. Nga nga si kuya.

Kung panty nalang niregalo nya. Ayun solve pa. Colorful pa with Minion design. Baka matuwa pa. Tss tapos may nakalagay sa likod ng panty na "Despicable e 2" HAHAHAHA .sagwa.

PANTY NANAMAN. -_____- punyetang panty yan. Naalala ko.

Flashback:

8 years old nako yeheeeeey!

ayun may party ako. nandun si jollibee at si Hetty. si Hetty tangina. kita yung panty. Ayun pinipiksuran nung mga anak nung kapitbahay nila mang sid (driver namin) natapos ung party, at eto na, umalis na sila magbubukas nako ng regalo.

"Hoy Elisse, buksan ko na tong regalo mo ha? bwahahaha" sabi ni kuya. sabay higit ng isang regalo ko rectangle yung regalo. Ano kaya yon, barbie? Jumping rope? NAEEXCITE nako. Inaagaw ko kay kuya yung regalo ayaw ibigay kaya ayon pinaghahampas ko ng tsinelas ni daddy.

"Ibigay mo na kase! akin yan kuya e! Bakla ka! Bakla!" tapos pinagsasabunutan ko si kuya. -_____-

"Aray! Pota Mich ang sakit! Aray! Woah!" tapos biglang napunit ung balot ng regalo. Kaya ayun umiyak ako. Gusto ko kasi ako magbubukas ng regalo ko.

"UWAAAAAA! Parang tanga naman kasi tong si kuya! Mommy! Daddy! Waaaa!"

*end of flashback*

Napakahayop talaga ni kuya kahit kailan. Hahaha.

Ge at ako'y magssleeping beauty na.

To wait or to forget?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon