Pitong taon na ngayon pero wala paring balita sa magulang ni Tamaryn.Dahil wala naman naghahanap sa kanya ang mga pekeng magulang niya ay naging masaya sa kanilang pamumuhay. Ng dumating sa buhay nila si Tamaryn, maraming swerte ang dumapo sa kanila. Masaganang ani sa palay at mga root crops.
Masiglahin, matulungin, mabait at masipag ang mga nakikita ng kanyang mga magulang kay Tamaryn. Pero natatakot sila na baka magtungtong ito sa hayskul at kolehiyo ay maging hadlang ito at baka makapahamak pa sa kanya.
Napag-isipan nilang mag-asawa na turuan siya ng self defense kahit kokonti lang pero makakatulong. At ito na ang naging past time ni Tamaryn at kanyang ama.
"Tamaryn, makinig ka ng mabuti sa akin"
" Tay, nakikinig na po ako sa inyo, ano po ba yun itituro niyo ngayon sa akin? Alam ko yung pinaggagawa niyo sa akin para niyo na akong hinahabilinan na maging independent na"
" Tama ka anak, malaki kana kaya dapat mo ng malaman ang kulay ng buhay. Dalawang linggo na ang nakalipas ng tinuruan ka ng nanay mo sa gawain bahay at ngayon naman tuturuan kita kung paano maliligtas ang buhay mo sa panganib, halimbawa kapag may lalaking gumahasa sa iyo"
" Tay, ano po yung ginahasa sino po yung gagawa sa akin non? "
Nakalimutan ni Fernando na palatanong at matalino ang kanyang alaga kaya ngayon hot seat siya. Pero madaling maintindihan naman ni Tamaryn ang lahat basta tama at magaling kang mag explain sa kanya.
" Nak, medyo maselan ito kaya dapat mong intindihin ng mabuti kung di mo pa maintindihan yung panahon na ang matuturo sa iyo. Ang ginahasa ay isang gawaing masama na ginagawa lang ng mga lalaking walang pakialam sa babae. Dito pinipilit ng lalaki ang isang babae na makipagtalik sa kanya kahit di siya mahal ng babae. At ang masama pa dito, pinapatay ng lalaki ang babae tapos kunin ang kinakailangan niya"
" Ahhh, yun po pala yun tay, may narinig ako sa radyo na ginahasa at pinatay ang anak ng mayor sa kabilang bayan"
Kahit taong bundok sila, may initiatives sila na malaman ang mga nangyayari sa kanilang paligid. Binigyan ng radyo ni Fernando si Tamaryn para maging libangan niya. Ang epekto ayan laging nakikinig sa radyo ang bata, at kung may naririnig na bagong mga salita ay agad niya itong tinatabong sa kanyang mga magulang.
" Ang talino talaga ng anak ko, pero tandaan mo Tamaryn kulang ang talino lang para mabuhay sa mundong ito kailangan mo din ng kaunting diskarte "
" Oho, tay alam ko po yan, tay may itatanong lang ako sa inyo? "
" Ano yun anak? "
" Nakikipagtalik din po ho kayo kay nanay? "
Napabuga ng malakas si Fernando dahil sa narinig sa anak. Dumating si Fe, at hinampas ng malakas si Fernando .
" Ikaw Fernando huh, ang bata-bata pa ng anak mo, kung ano ano yun tinuturo mo, abir sino yun magtatalik? " pasigaw na aniya ni Fe sa asawa.
" Nay, naman huwag naman masyadong maiinit yun ulo niyo, nagtatanong lang po ako kung ano yung pagtatalik ", medyo na hihiyang sabi ni Tamaryn sa kanyang nanay.
Bumuntong hininga si Fe at iniwan ng bigla ang magtatay. Kumonot naman ang noo ng mag-tatay sa itinuran ng nanay.
Tinuturuan ako ngayon ng aking tatay ng self defense para raw mapagtanggol ko ang aking sarili sa mga masasamang lalaki o kahit ano pa yan.
Ginawa ito ni Fernando at Fe ang pagtuturo ng gawaing bahay , self defense, paano maging madiskarte, sino yung taong pagkakatiwalaan, paano umibig at ang huli paano makahanap ng trabaho sa mabuting paraan. Ipinaintindi naman nila kay Tamaryn kung ano yung Tama o Mali.
Nais ng mag-asawa na kung lilisanin nila ang mundong ito, meron silang ipinamana sa kanyang anak. Di nila alam kung anong araw at oras sila kukunin ni Lord.
Ipinagtataka naman ito ni Tamaryn, dahil sa kanilang pinagagawa, alam niyang matatanda na ang kanyang magulang. Inisp niyang ipinamulat nila sa kanya ang mga dapat matutunan at malaman sa mundong ito. Kahit nga ang iba sa turo nila, matututunan mo lang sa experience mo sa buhay o di kaya sa isang pagkakamali.
Alam ng mag-asawa na kakaiba ang kanilang anak dahil mabilis itong matuto sa lahat ng gawain at palatanong talaga.
Bilang magulang, pina-aral din nila si Tamaryn sa Elementarya at laking gulat nilang mag-asawa na nagtapos ito bilang class valedictorian.
Nasa edad 70+ na ang mga magulang ni Tamaryn ng makatapos siya sa elementarya.
Laking hamon sa kanilang mag-asawa, kung paano pa nila maaalagaan ang kanilang anak, di na rin sila makakagawa ng ginagawa nila noon dahil oogod-ogod na sila.
Naawa si Tamaryn sa kalagayan ng kanyang magulang, mabuti na lang madalang lang ang pagkakasakit nilang mag-asawa. Siya na rin ang nagtratrabaho sa bukirin ngayon dahil bakasyon at nag-aalaga sa kanyang magulang.
