Maagang nagising ang mag-asawa habang ang bata naman ay tulog na tulog pa.
" Fe, pagkatapos ko sa palayan sasamahan kita papunta sa kabisera para sa batang iyan" hinahawakan ang kanyang itak at nagmadaling lumabas ng bahay.
" Love, ingat " pasigaw na sabi ni Fe sa asawa. Kahit edad 50+ na sila parang mga teenager pa rin kung magturingan ng kanilang pagmamahal.
" Love u din mahal, handa ka mamaya siguradong mapapagod ka na naman" ngising ngising sabi ni Fernando sa asawa.
" Bastos " namumulang mukha ni Fe.
Nandito ngayon si Fe sa kusina, naghahanap ng lulutuin.
" Hay, ano kaya yun lulutuin ko, uhmmm pwedi na sigurong pritong itlog at dilis. Magugustuhan kaya niya ito?, yun kutis kasi ng batang iyon parang galing sa mayaman " nabubuntong hininga nasi Fe habang nagluluto pa rin.
Sa kabilang banda, nagising ang ating bida, pero kumonot ang kanyang noo dahil iba ang kanyang kwarto. Pero biglang sumakit ang ulo niya at na alala ang nangyari.
Kaya walang asing gulat siyang binuksan niya ang pinto. Pagkasabay nito ang pagkahulog ni Fe sa upuan niya.
" Aray naman " daing ni Fe habang hawak ang kanyang pwet.
Tinahak ng kanyang mata kung saan galing ang pagbukas ng pinto. Nakita niya dito ang batang anghel na medyo iiyak na.
" Gising kana pala, munting anghel, tara dali kain tayo dito" masayang sabi niya sa bata
Pero ang bata parang nagdadalawang isip pa kung susundin siya.Inikot niya muna ang mata niya sa loob ng bahay at napagdesisyunang lumapit sa hapag kainan.
Nataranta bigla si Fe, at ng nakaupo na ang bata sa hapag ay masaya niya itong binigyan ng almusal.
Nagulat si Fe sa nakita dahil ang takaw takaw ng bata, kaya naubos nito ang sinaing niya at ang naluto niyang ulam na pritong itlog. Masaya si Fe sa nakita sa bata.
Ng matapos ang pagkain ng bata, kinausap niya ito ng timtim at may halong pag-alala. Tinanong niya kung bakit siya napadpad doon sa tabi ng ilog, pero umiling lang ito na hindi niya alam. Tinanong din niya kung sino ang kanyang mga magulang, pero uli umiling lang ito.
Walang makuhang impormasyon si Fe sa bata dahil siguro sa sinapit niya. Meron pa siyang tinanong sa bata, tinatanong niya ito kung sino ang pangalan niya.
TAMARYN GREEN! diin ng bata sa kanya ,siya naman ay lumiwanag ang mukha dahil sa nakitang pagbabago sa bata.
" Ako pala si Manang mo Fe at asawa ko naman si Manong mo Fernando " aniya ni Fe sa bata na nakatingin sa isang picture frame.
" Sorry huh, nandito ka ngayon sa aming munting bahay, pero huwag kang mag-alala mamaya pagkadating ng Manong Fernando mo luluwas tayo sa kabisera para mahanap natin yung totoong mga magulang mo" umiling ulit ang bata nakita ito ni Fe.
Na isip niya siguro na may hinanakit ang bata sa kanyang magulang.
Pagkaraan ng isang oras, dumating si Fernando na pawis na pawis. Nakita ito ni Fe at nagmamadaling pinunasan ang katawan. May gagawin pa sila sana na kissing scene pero na pahinto ito ng nakita nila ang bata na si Baby Tamaryn na nakanood lang sa kanila. Nahiya ang mag-asawa kaya, nagkunwari silang walang magaganap.
" Manang Fe, kala ko po may pupuntahan po tayo " aniya ni Tamaryn na inosente
" Ahhh ehhh, magbibihis lang kami ng asawa ko , tara na nga sa loob ng bahay "
hinila ni Fe ang asawa at ang bata. Pagkadating nila sa loob ng bahay, si Manong Fernando ay pumunta sa hapag at kumain, si Manang Fe naman ay pupunta sa CR para maligo.
Pinasuot ni Fe si Baby Tamaryn ng blouse na kulay yellow. Kitang-kita sa bata ang angking kagandahan.
Lumakad na sila, at si Tamaryn ay pasulyap sulyap sa kanilang dinadaan. Halos tatlong oras silang naglakad at sa wakas na rating nila ang kabisera ng Calapan, Mindoro.
Napakapit ng mahigpit si Tamaryn kay Fe, na agad naman sinabihang ni Fe na " Ayos lang yan, Baby Tamaryn ,dahil sa taglay mong kagandahan ayan nahuhumaling sila sa iyo, huwag kang matakot nandito lang ako para protektahan ka" .
Naramdaman ni Fe na lumuwag ang pagkakapit ng bata, kaya siguradong na intindihan niya ang pinapahiwatig ni Fe.
Nakaupo na sila sa harapan ng pulis.
" Sir, may kailangan po kami sa inyo ngayon, pwede niyo po bang pakihanap ng mga magulang ng batang ito" aniya ni Fe sa Pulis na nakatuon ngayon ang atensyon sa dala niyang bata.
" Ahhh ... bakit nawawala po ba siya? "
aniya ng pulis" Oho, Sir kahapon ng hapon ko siya nakita sa may tabi ng ilog, umiiyak nga eh tapos may mga sugat pang napala. Kaya dinala ko siya sa aming bahay at inalagaan, at ngayon nandito kami para isauli siya"
"Magandang gawain po yan maam/ sir, sige hahanapin ko muna dito if may nahahahanap ng nawawalang bata. Pero maam/sir pwede po namin picturan siya para may ebidensya na nandito siya if pumunta ang mga magulang niya dito. " Tumango si Fe, hudyat na pinapayagan niya ito.
Tapos makuhaan ng litrato, hiningi din ng pulis ang pangalan ng bata at edad saka yung address ng mag-asawa. Tatawagan ng pulis ang mag-asawa kung may naghahanap na.
Pagkatapos nilang pumunta sa presento ng pulis, pumunta naman sila sa palengke para mamili ng damit at pagkain. Binili din ni Fe ng ice cream ang bata, kalaunan nagtataka pa ito pero kinain niya din.
