2⃣

1 1 0
                                        

Ang kinabubuhay ng mag-asawa ay ang pagtatanim ng palay at root crops . Na ibenibenta nila sa palengke ng Calapan.

Tumatawid si Manang Fe sa tulay na gawa sa lubid at may dalawang hawakan sa magkabila. Tinatawid niya ngayon ang sapa. Pagkarating niya sa dulo may, naririnig siyang iyak ng bata.

Pero akala niya, wala lang ito or bunga ng puyat niya. Lalakad ulit si Manang Fe, na may narinig na malakas na ingay ng bata.

Dahil sa kuryosidad  niya, sinundan niya ang ingay mula sa bata.

Maraming na iisip si Manang Fe, baka multo lang ito or di kaya nagbabalat-kayong bata lamang.

Lalakad at umaatras si Manang Fe, dahil sa takot. Pero naramdaman niya lang na nakarating na siya sa kinalalagyan ng bata.

Nagulat at naawa si Manang Fe sa kanyang nakita. Isang tatlong taong gulang na bata ang umiiyak at napansin din niya ang mga sugat nito sa balat.

" O lord,  sinong bata kaya ito,  bakit nandito ito, at may mga sugat pa " aniya ni Manang Fe

Kumuha siya ng maliit na kahoy, at tatangkang tatapikin ito ng kahoy sa kanyang paa, para makasigurado na hindi ito panaginip o anumang nilalang.

Pagkalabit niya sa bata, ay humarap ito sa kanya, at may bahid ng sino -ka-look. Naistatwa si Manang Fe pagkaharap ng bata, namangha siya sa kulay ng mata ng bata ang kulay berdeng niyang mata.

Bumalik sa ulirat si Manang Fe ng may tumalong palaka na nanggaling sa itaas ng puno ang pumunta sa kanyang balikat.

" Ayyyyy,  kabayo ni San Juan " gulat na gulat aniya ni Manang Fe. Hinawakan niya ang kanyang dibdib dahil para siyang nawawalan ng hininga.

Binalik niya ang kanyang mata sa bata na ngayon ay puro hikbi na lang. Nilapitab niya ito.

" Uhmmm,  bata, na saan na yung kasama mo dito? Iniwan ka ba niya dito?  O ikaw ay naliligaw lamang dito?  nag-aalalang tanong ni Fe sa bata.

Tumingin ang bata sa kanya at yumakap ito sa kanya. Si Fe naman ay Naistatwa sa ginawa ng bata. At nagsabi ng;

" Wala na akong mga magulang, dahil pinatay na sila ng mga estrangherong sundalo "

Kumonot ang noo ni Fe sa sinabi ng bata. Hinagod niya ang likod ng bata at sasabing;

" Huh,  bat paano ka nandito? " hayy tulog na pala, napagod siguro sa kaiiyak at kawawa naman dahil marami pang sugat sa katawan niya,  panginoon tutulungan ko lang tong bata na ito, tapos ibabalik ko naman sa kanyang mga magulang" aniya ni Mang Fe sa kalangitan.

Binuhat ni Fe ang bata at iuuwi sa bahay.

Kumatok si Fe sa pintuan ng bahay nila. Sinalubong siya ng galit na asawa na si Fernando pero bago pa man siya sermunan ng asawa,

" Bago pa man yan,  tulungan mo muna ako sa batang ito, kunin mo yung first aid kit natin jan "  ni Fe

" Sige, pasok muna kayo" aniya ni Fernando at kinuha ang first aid kit na tinuran ng asawa

" Fe, saan mo naman napulot ang bata na yan? " sabi ni Fernando sa asawa na ngayon ay ginagamot ang mukhang anghel na bata

"Maniwala ka man o hindi nakita ko ito sa isang masukal na gubat malapit sa ilog"

" Annooo? sino naman yun walang hiyang magtatapon sa kanya " medyo na iinis

"Malay ko Fernando, di ko alam kung sino"

" Baka naman engkanto yan, Fe alam mo naman ang lugar natin maraming di ka aya-ayang nilalang, at paano yan napunta malapit sa ilog dahil liblib iyon at malayo tayo sa siyudad ng mindoro"

" Hay,  grabe ka naman sa bata, pero inakala ko nga kanina na eengkanto ako eh pero alam mo Fernando nong niyakap ako ng batang ito, natunaw ang pangamba at takot ko"

" Ahh, basta pagkabukas dapat nating dahil yan sa mga pulis para malaman ng mga magulang niya na ligtas at buhay ang kanilang anak. "

" Yan din ang naiisip ko Fernan, pero parang nanghihinayang ako"

"Hay,  yan ka naman Fe "

Ginamot ni Fe ang bata na himbing na himbing sa pagkakatulog nito. Naisip niya na ampunin na lang ito, pag walang naghanap sa kanya.

Tamaryn GreenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon