[5] Sharines's Sweet Surrender

5.8K 171 5
                                    

CHAPTER FIVE

"SASABIHIN mo na ba sa 'kin kung ano 'yang pabangong gamit mo?" tanong niya nang makababa na silang pareho ng sasakyan.

Sa paradahan ng mga traysikel na lang siya nagpahatid dito.

"Hindi pa rin."

Napaingos siya. "Naman, e. So okay lang sa'yo na amoy-amuyin kita?"

Kumunot ang noo nito. "Bakit ba pabango ko ang pinagdidiskitahan mo?"

"Ang bango, e. Tsaka first time ko kasing naamoy sa buong buhay ko ang amoy mo. Para kasing may something, alam mo 'yon. So, sasabihin mo na ba sa 'kin?"

"Hindi mo makikita sa mga bilihan 'to kaya 'wag ka nang magsayang ng panahon."

"Pwede ba naman 'yon?" takang tanong niya.

"Oo."

Napakamot siya ng kanyang baba. Mukhang hindi nga niya mapipilit si Dominic.

"Sige, Dominic, pwede ka nang umalis. Maraming salamat ulit sa paghatid at sa libreng lunch."

"Hindi ka na magpapahatid hanggang sa bahay niyo?"

"Eh? Bakit naman ako magpapahatid sa 'yo? Mag-boyfriend lang kaya ang gumagawa n'on." Inilapit niya ang mukha sa bandang leeg nito at inamoy na naman ito. Hindi niya alam kung normal pa ba ang ginagawa niyang iyon. Ang alam lang niya, it's hard to resist it. "Bye!" Kumaway siya rito bago ito tinalikuran.

"I WISH I had your guts. E di sana hindi ko pinagdadaanan ngayon 'to," malungkot na wika ng Ate Dianara ni Dominic.

Dinalaw niya ito at ang dalawang pamangkin sa bahay na tinutuluyan ng mga ito simula nang lumayas ito sa poder ng napangasawa nito. Hindi pa man kasal ang mga ito ay marami na ang hindi napagkakasunduan ng mga ito. Nang maikasal naman ang dalawa ay hindi na naging tahimik ang pagsasama ng mga ito. Gusto ng brother-in-law niya na maging full-time housewife ang kanyang kapatid kung saan mariing tinutulan ng huli. Knowing his sister who is strong-willed, hindi ito basta-basta pumayag.

Nang matuklasan ng ate niya ang pagtataksil ng asawa nito at ang sekretarya nito ay lalo itong naging desidido. Ngayon ay mahigit isang taon na itong anulled. Hindi iyon matanggap ng mga magulang nila kaya itinakwil ng mga ito ang Ate Dian niya at ang mga pamangkin niya. Mas pinapahalagahan pa kasi ng mga magulang nila ang sasabihin ng ibang tao kaysa ang kapakanan ng ate niya. Pero umaasa naman silang pareho na maaayos din ang conflict sa pamilya nila.

"Siguro selfish lang talaga ako, hindi kagaya mo," sabi naman niya at ginagap ang kamay nito.

Ginantihan naman iyon ng pisil ng kapatid niya.

"Kahit ano'ng mangyari, 'wag mong hahayaang sila ang magdikta ng magiging kaligayahan mo, ha? Magalit man sila, at least alam mong ikaw ang may hawak ng mga desisyon mo."

"Wala na ba tayong ibang pwedeng pag-usapan? Hindi ako nagpunta rito para makarinig ng kadramahan in the first place," he said to lighten up the atmosphere.

Nakuha na ring ngumiti nito.

"'Yan ang gusto ko sa'yo, Dominic, e. Hindi mo talaga ako pinapabayaan."

"Siyempre naman, Ate. Alam mo namang tayo na lang ang magkakampi."

That's why he's been doing everything he can para lang maging malaya ang kanyang kapatid sa nagpapahirap dito. Kung hindi lang napilitang magpakasal ang ate niya, hindi sana ay isa na itong successful na chemical engineer at nakapagpatayo na ng sarili nitong perfume business.

Sharine's Sweet Surrender (Love Like This #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon