CHAPTER 1

28 6 6
                                    

"Hoy Eba tirik na tirik na ang araw natutulog ka parin? Ano ba naman yan, natapos ko na ang gawaing bahay at lahat tapos maabutan lang kita dito sa kwarto mo na humihilik at may laway pa. Yan kasi, ang tagal matulog dahil sa pagcecellphone, eh kung tinulog mo sana yan ng maaga edi hindi sana ako nag abalang gisingin ka pa. Akala ko ba may project kayong gagawin ni Adam, anong oras na— blah blah blah."

Sabado ngayon at ang aga-aga palang, naririnig ko naman ang bunganga ng nanay ko. Hays, ewan ko ba alas 8 palang naman ng umaga pero kung makapagsalita siya feeling nya alas 3 ng hapon na ako nagising. Well, bakit pa nga ba ako magugulat kung araw-araw naman bibig nya na ang ginagamit nyang pang gising sakin. Ayan tuloy, useless yung alarm clock ko.

Bumangon na ako at kinusot-kusot ang aking mga mata. Pagmulat ko, mukha agad ni mama ang bumungad sakin.

"Good morning, Ma." bati ko sabay yakap sa kanya.

"Magandang umaga rin sayo mahal na prinsesa, huwag mo kong daanin dyan sa pa yakap-yakap mo. Bumaba ka na at maligo kung ayaw mong kurutin kita sa singit." sabi nya sabay abot ng singit ko.

Kaya bago pa nya ito makurot, dali-dali na akong tumakbo at kinuha ang tuwalya. I got out of my room and went to the comfort room to do my morning rituals. Sumunod naman si mama sa paglabas ko, bumaba na siya samantalang ako naman, pumasok sa banyo namin dito sa taas.

Our house is not that big though, dalawang palapag lang ito. May sala, dining area, kusina at cr sa baba, habang may tatlong kwarto at isang cr naman sa taas so that we will not go down stairs anymore kung maihi o ma jebs man kami sa gabi.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako at bumaba upang kumain ng agahan.

As I was heading to the dining area, I can already see the food and smell the aroma of the coffee which my mama prepared for us. Alam niya kasi na favorite naming inumin ni papa ang kape sa umaga.

Kahit mabunganga si mama, alam kong mahal na mahal niya ako. Actually, silang dalawa ni papa. Hindi nila ako pinapabayaan at ginagawa nila ang lahat para lang matustusan ang mga pangangailangan ko. Hindi man kami mayaman sa pera, ngunit mayaman kami sa pagmamahal.

Pagdating ko sa hapag, nakita ko si papa na nagbabasa ng news paper. My father works as a supervisor in a company nearby, at tuwing Saturday alas 10 ang pasok nya kaya chill lang siya ngayon dahil alam nyang di pa siya malalate.

"Good morning pa!" bati ko sa kanya at naupo na.

Tumigil muna sa pagbabasa si papa at sinulyapan ako. "Good morning Eve."

"Pa, Can I go to Adam's house later? may gagawin kasi kaming project." pagpapaalam ko kay papa.

Si Adam ang kaibigan kong bakla. Bestfriends na kami simula elementary palang. Noon, okay lang kay papa na pumunta ako sa bahay nila kahit everyday pa, pero nung nagdalaga na ako at lumipat na sa kaniyang sariling condo si Adam, pinagbabawalan na niya akong bumisita sa kaniya. Pwera nalang kung may importante talaga kaming gagawin kagaya ngayon.

"Sige, sumabay ka nalang sakin. Total, on the way lang din naman ang condo niya." sagot ni papa.

"Okay po." I said in a joyous tone.

Buti nalang talaga pumayag siya, minsan kasi ayaw niya dahil napapadalas na daw ang pagpunta ko sa condo ng bestfriend ko. Papa already knew that Adam is gay, pero di ko ma gets kung anong point nya. Sabi nya kasi, masama daw tingnan na magkasama ang isang babae at lalaki sa iisang kwarto na silang dalawa lang. Eh hindi naman lalaki si Adam haysss ewan.

After kong kumain, I hurriedly go upstairs to get my bag and other stuffs na kakailanganin namin sa paggawa ng project.

Pagbaba ko, tapos naring kumain si papa kaya nagpaalam na kaming dalawa kay mama.

UNCERTAINTIESWhere stories live. Discover now