CHAPTER 2

20 3 18
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon dito sa student's lounge ng aming unibersidad habang hinihintay si Adam. Madalas, sabay kaming naglu-lunch lalo na tuwing Monday. Ito kasi ang araw na magkaklase kami sa isang minor subject at ang schedule nito ay after ng lunch break. Kaya naman sabay nalang kaming manananghalian para sabay na rin kaming makakapunta sa klase namin.

"Anastasiaaaa!"

Nagulantang ako sa biglang pagsigaw ni Adam sa second name ko. Tumatakbo siya habang papalapit sakin, pawis na pawis siya at tila ba parang hinihingal na aso.

Ngunit kahit ganun ang ayos niya, I still can't help myself from admiring his handsome face. Kahit may suot siyang hair clip na pink at may light make-up na nakalagay sa kanyang mukha, gwapo parin siya sa paningin ko.

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Adam at nakatulala na ako sa mukha niya. He suddenly snapped his finger in front of my face na naging dahilan upang mapatigil ako sa pag-iisip at maibalik ang atensyon ko sa pagtawag niya sa akin.

"Oh, bakit anong nangyari?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

Ganito kasi si Adam sa tuwing kinakabahan, natatakot, o may nagawa siyang bagay na alam niyang di ko magugustuhan. Tinatawag niya ako sa second name ko.

"Bff sorry. Sorry talaga. Patawad." mangiyak-ngiyak at natataranta nyang sabi sa akin.

"Teka lang, kumalma ka nga. Umupo ka muna." pagpapakalma ko sa kanya sabay tap ng upuan sa tabi ko.

Umupo naman siya dito ngunit parang hindi parin mapakali ang kanyang lagay at bakas din sa mukha niya ang pag-aalala.

"Giiirl." patuloy parin sa pag-iinarte nya si bakla.

Tuluyan na akong nainis kaya pinanlisikan ko na siya ng mata.
"Adam Paulo, spill it out!" ma awtoridad kong sabi kanya.

"Y-ung project." nauutal na pagsasalita ni Adam.

"Anong project? Anong nangyari? Wait. Diretsuhin mo nga ako!" naiinis kong sambit sa kanya.

"Y-ung project na ginawa natin last Saturday, n-aiwan ko." pabulong na pagsaad ni Adam habang hindi makatingin ng diretso sa akin.

Bigla akong napatayo sa sinabi nya at buong lakas siyang sinigawan.
"What? Adam ano baaa! Alam mo naman siguro na ngayon yun ipapasa diba? Buong araw natin yung ginawa tas iiwan mo lang? Anong gagawin natin ngayon?"

"Bff, yung bp mo. Kumalma ka. Sa minor subject lang naman yun eh." bulalas ni Adam sakin habang pilit na hinihila ang kamay ko para maupo ulit.

Agad kong iniwaksi ang kamay niya. "Kalma? Do you even know what you're saying? Paano kung bumagsak tayo? Oo nga sa minor subject lang yun but bagsak is still bagsak." hininaan ko na ang boses ko dahil pinagtitinginan na kami.

"Kaya nga ako nagso-sorry diba?" nakayukong sabi ni Adam.

I can sense the sincerity in his voice. But his sorry cannot change the fact na iniwan nya yung project namin at may posibilidad na bumagsak kami.

Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Agad siyang napatingin sa gawi ko at tinitigan ang aking mga mata. Habang nakatingin sa isa't-isa, di ko maiwasang maawa sa nakikiusap nyang mukha kanya kaya imbis na mag walk out, nginitian ko nalang siya at hinila patayo.

"Halika na nga, baka ma late pa tayo. Mas lalo tayong babagsak niyan." saad ko sa kanya.

Pupunta pa sana kami ng canteen para mag lunch break ngunit pagtingin ko sa wrist watch ko, we only have 30 minutes left before our class will start kaya dumiretso na lang kami. Medyo napatagal yata ang pagtatalo namin ni Adam kanina.

UNCERTAINTIESWhere stories live. Discover now