𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 8

50 18 3
                                    

Agaser pov.

Pagkagising ko ay nasa kwarto na ako, magkatabi si ate angelica at kuya rey sa sofa.

Ano kayang nangyari habang wala ako?

Sabog yung buhok, kalat yung lipstick.
At aba kailan pa pala natutong mag lipstick toh si ate.

Nagkunwaring tulog ako ng magising si kuya rey, nakaharap ako ngayon sakanila kaya naman kitang kita ko ang ginagawa ni kuya rey.

Hinalikan nya ang noo ni ate angelica

"I love you, and i always will" bulong nya kay ate angelica.

Marahan kong inalog ang kama ko upang makagawa ng konting ingay na sakto lang para marinig ni kuya rey, at agad naman syang pumunta saakin.

"Hii, gising kana pala agaser" nakangiti nyang bungad saakin.

"Obvious ba?" Pagtataray ko, nagalit ako kay kuya simula nung ipagpalit nya si ate angelica, because ate deserve to be loved.

"Galit kapa rin kay kuya?"malungkot na tanong nya

Hindi kona sya sinagot hanggang sa may kumatok sa pintuan, at syempre si kuya ang magbubukas dahil alangan namang ako diba e kakagaling ko lang sa operation.

"Hi im nurse kira, pinapabigay ni doc chavez itong reseta for agaser, nandyan na lahat ng kailangan" nakangit nitong sabi kay kuya

"Yah nabanggit nga ni doc, by the way thank you" ang sagot ni kuya tsaka lumabas ang nurse.

"Gabi na bakit hindi kapa umuuwi?"

"Ay put-" mahina kong bulong dahil biglang nagsalita si ate at nakatayo na sya sa likod ni kuya na hindi ko naman napansin.

"Uuwi narin ako maya maya, hinintay ko lang talagang ihatid si agaser dito sa kwarto" ang sagot nito. Hindi na sumagot si ate at dali daling lumapit saakin.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Emotional nyang tanong saakin.

"Okay na ako ate, kumikirot lang po konti yung tahi ko" ang sabi ko sabay turo sa tahi ko sa dibdib.

"Pag okay kana lets celebrate" masiglang sabi ni ate at tinugunan ko naman ng ngiti.

"Babe hello...yah pauwi nako...yes babi sorry...i understand...bye." rining kong sabi ni kuya rey sa kausap nya.

"Uuwi kana?" Tanong ni ate

"Yes, uwi nako agaser. Dadalawin kita bukas" nakangiti nyang sabi.

"Sus kahit wag na" bulong ko sabay umirap

"Hatid na kita, magpahinga ka muna dito agaser ha, tatawag ako ng nurse para mabantayan ka" saad ni ate at hindi na ako kumontra pa.

Angelica pov.

"Thank you" ang sabi ni rey ng maihatid ko sya sa parking lot.

"No, thank you. Kasi nandito ka for agaser" ang sabi ko

"Wala yun para kay agaser naman e" ang sabi nya

Sumakay na sya sa kotse at hinalikan ko sya, hindi naman na sya kumontra pa.
At tsaka derederestyong umalis.

"Nahuhulog na ata ako sa sarili kong bitag" bulong ko sa sarili ko.

The Nerve (𝑶𝒏-𝑮𝒐𝒊𝒏𝒈)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon