𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 14

37 16 3
                                    

Angelica pov.

Sobrang sakit ng ulo ko dahil nag inuman kaming dalawa ni rey kahapon sa birthday ni agaser.

Hindi kona maalala ang mga naganap kahapon maliban lang sa isa.

"Mahal na mahal kita, pero isa lang satin ang kailangang mabuhay" ang sabi ni rey.

Hindi ko alam kung totoo ba yun o panaginip lamang, kahapon din kahit nasa huwisyo ako ay parang may hindi tama sa paligid. Parang may nagmamasid samin.

Pero hindi ko na lamang iyong inintindi dahil ayokong sirain ang birthday ng kapatid ko.

Tatlong araw nalang ang natitira kong oras para mag desisyon pa.

Hindi kona hihintayin pa ang huling araw, dahil bukas na bukas ay sisimulan kona ang plano ko.

"Mahal na mahal kita rey" bulong ko sa sarili ko habang tulala na umiiyak na parang bata na animoy hindi binigyan ng kalayaan upang makapag laro.

Gumising na ako at bumangon upang maghilamos na, pagbaba ko ay may nakahain na ng pagkain sa lamesa.

"Wow mukhang masarap ah, si rey ba ang gumawa nito" tanong ko kay agaser

"Grabe ka naman ate, pag may luto si rey agad e marunong din naman ako" Ang sagot nya habang natatawa.

Nasan kaya yung lalaking yun, kagabi nung pag uwi nya ay hindi kona sya nakita at kahit isang message saakin ay wala pa.

'Baka tulog lang' ang sa isip ko.

Pag tapos ko kumain ay agad akong pumanik sa kwarto ko para mag bihis at mag ayos dahil pupunta ako sa bahay nila rey para kamustahin sya ng personal.

Bigla nalang akong nag crave sa icecream at sakto naman ay may dumaang naglalako ng icecream. Grabe sakto ang timing ah.

'Ang init sobra, ang hirap mag commute nito' ang sabi ko sa isip ko.

Malalayo pa naman ay sakayan dito.

"Maam sidecar po?" Biglang sabi sakin ng lalaking nag siside car sa harapan ko

'Lord favorite nyo talaga ako ah' ang sabi ko sa isip ko habang nakangiti

Agad na akong sumakay sa sidecar hanggang makapunta na sa bahay ni rey.

"Tao po!" Sabi ko habang kinakatok ko ang gate nila rey.

"Oh ikaw pala angelica, anong sadya mo?" Bungad sakin ni tita amelia, ang nanay ni rey.

"Nandyan po ba si rey?" Ang tanong ko

"Naku ija, kanina pa umalis nagpaalam sakin may pupuntahan lang daw" sagot nito

"Wala po ba syang nabanggit kung saan?"

"Wala ija e, pasensya na. Babalitaan nalang kita pag nakauwi na sya dito" ang tugon nito kaya naman nagpaalam nako at umalis.

Chinat kona rin si rey pero hindi nya pa ito binabasa.

Parang may mali, ewan ko pero parang may nakamasid talaga sakin.

Kanina pa simula sa bahay hanggang dito kila rey, pero ni isang taong kahina hinala ay wala akong makita.

The Nerve (𝑶𝒏-𝑮𝒐𝒊𝒏𝒈)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon