"Dad, may nag-text po..." Wika ko sa aking dakilang tatay, "Ang weird nga ehh..."
"Bakit anak, sino ba 'yan?" Nagreply ang tatay ko via Skype, kasi tamad siyang pumunta dito.
"Ms. Yolanda po... Tinatanong po niya kung saan ang Imus, Cavite."
"Anak, may sasabihin ako sa iyo..."
"Ano po iyon?"
"No vuelvas a contestar."
"Ano pong ibig sabihin niyan?"
"Sabi ko wag mong replayan!"
"Ahh, 'tay naman ehh. Inespanyol mo pa ako yun lang pala sasabihin niyo!"Ito kami ng tatay ko, pagsamantalang nasa trabaho ang aking inay, at ako ay gumuguhit ng mga larawan sa kanilang dakilang laptop na binigay na nila saakin dahil sa kalumaan, pero gayunman ay gumagana parin. At least, may internet kahit papaano.
"Tao po! Tao po! Namamasko po~!" Biglang kanta ng kaibigan kong si Kurt (Anne Kurt-is ang peg!!!)
"Putek naman Kurt tapos na ang pasko namamasko ka parin!" Sigaw ko right through my lungs.
"Nangangaroling ako para sa New Year ehh! Pakielam mo ba?"
"Whatever! Pumasok ka na nga dito!"Kami ay naglaro ng aking lumang Sega Dreamcast hanggang...
BOOM...
Biglang kumidlat at umulan ng malakas...
"MAAAMMMIII!!" Sigaw ng ekstra sa aking kwento. CHOSS!
Tumawa lang kami ng walang dahilan at tumuloy sa aming pinaglalaruan. Seriously, wala kaming paki. Biglang nag- doorbell si Julia.
"Oy Julia!" Sabi ni Kurt, "Umuulan! Bakit tumuloy ka pa?"
"I invoke my right, kaya di ko po alam," Wika ni Napoles.
"SHATAP HINDI KITA KAUSAP! Juls, bakit ka pa tumuloy?"
"Ayokong maging lonely katulad ng ipis sa bakuran namin." Wika ni Julia to the Edgar Allan Poe style.
"Hay, kailan ka pa naging malalim?" Tanong ko sa kanya sa sobrang tuwa, choss, natuwa pa ako sa kanyang kalagayan. Masama talaga ako.
"Noong nilubog ko ang pagmumukha ni Gab sa kailaliman ng dagat kung saan nakatira si Little Mermaid"
"Hay naku, Ariel nalang sana sinabi mo..."
"ARIEL? DIBA YUN YUNG PANGLABA?" Biglang binatbat ni Kurt na kumuha ng Ariel na sabong panlaba galing sa kawalan.
"SHATAP! Si Ariel na malansa ang tinutukoy ko!" Sigaw ko sa kanya, "Okay, maglaro nalang tayo."Natalo nanaman ako sa multi-player na larong ito. Peste talaga. Malapit na ang New Year pero wala talaga akong resolution. Kung meron man, yun ay ang TV screen resolution ng Samsung namin. Teka nga, bakit napunta rito ang usapan? HAAAYY!
"Anak, may naghahanap sayong lalaki. Medyo blonde ang buhok, may asul na mata, may malaking espada na hindi ko alam kung mabubuhat ko pa sa gantong kapayat na katawan ko, tapos may kasama siyang isa pang lalaki---" Nag pause ang tatay ko, "Kilala mo ba sila?"
"Itay?" Sabi ko with my creepy smile.
"Bakit?"Bigla kong tinignan in a creepy way ang dalawa kong kaklase.
"Paki sabi sa kanila na hintayin nila ako at gagawa muna ako ng grand entrance..." Sabi ko pagka-kasa ko lang ng shot gun para sa wild animals. Choss, wild talaga.
Panira talaga ng moment ehh!
![](https://img.wattpad.com/cover/29510104-288-k891309.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Aking Talambuhay
Novela JuvenilSamahan ako at ang iba pang tao na hindi ko nilista!