I was busy scrolling through my feed when a message suddenly popped up my screen. I rolled my eyes upon seeing my bestfriend's name, Theo.
Theodore Sev Arevalo sent you a message.
Binuksan ko ang message niya, he's asking if pwede ko raw ba siyang samahan mag-grocery.
I left him on read, ignored his message at tinapon ang phone ko sa kama sabay higa. Ayoko umalis ng apartment, nakakatamad.
I fell asleep ng biglang nag-vibrate 'yung phone ko. 16 missed calls from Theo, that bastard! Tinatamad nga ako, e'!
Theokmol calling...
Gosh! Ayaw paawat! Ngayon na ngalang ako makakapagpahinga.
I rolled my eyes after answering his call.
"Oh, ano ba?" iritang sagot ko.
"Sabi ko, samahan mo nga ako sa mall! Ang tagal mo.." aniya, feeling ko tuloy nakabusangot ang gagong 'to sa kabilang linya.
"Ha? Hindi naman ako um-oo, ah?" tanong ko sa kanya.
"Ah, bahala ka. No choice, nasa labas na ako ng apartment niyo," sagot niya kaya pinatay ko kaagad ang tawag at sumilip sa bintana. Gago, nandun nga siya!
"Hoy, gago! Bakit ka nandito? Uwi!" pagtataboy ko. Wala ako sa mood umalis, tangina naman.
"Nandito na ako, e. Bilisan mo na, dali!" pag-pupumilit pa niya.
Hays, no choice ako kung hindi mag-ayos. Umulan, bumagyo, 'di aalis ang mukong na 'yun kapag 'di ako sasama.
Good thing nakaligo na ako, I wore a simple white-printed shirt and maong shorts, paired with brown sandals. I fixed my hair into a bun and sprayed some perfume before leaving the apartment.
"Ang tagal mo," sabi ni Theo habang nakasimangot.
"Sabi ko naman sa'yo, ayoko sumama, ngayon na ngalang ako nakakapagpahinga kasi day-off ko sa trabaho tas mang-eepal ka pa!" pagsisi ko sa kanya. Totoo naman kasi, e, alam niya namang working student ako.
"Sorry na, bili ka na din ng food stocks mo, ako na magbabayad.." sabi niya. Tinaas pa ang kanang kamay na parang nagpapanatang makabayan. Parang tanga talaga ang isang 'to.
Nag-agree nalang din ako since malaking tulong 'yung panlilibre niya sa'kin. Lulubos-lubusin ko na..
—
"Ano ba maganda? Heto or ito?" tanong nita habang inaangat ang dalawang klase ng tinapay.
"Ako, maganda.." pang-aasar ko.
"Ulol! Ikaw, maganda? Kamukha mo nga unggoy, e," pambabara niya. Napaka-ano talata neto! Buti nalang talaga kaibigan ko 'to! If not, I'll surely be offended.
"Nagbibiro lang, e. Sobrang supportive mo, grabe, sarap mo itapon." sarkastikong sagot ko.
Inis akong tumalikod sa kanya at kumuha ng sarili kong basket.
Dumiretso muna ako sa frozen food at kumuha ng dalawang pack ng hotdog, tapos isang pack ng bacon. Pagkatapos, kumuha rin ako ng isang tray ng itlog, cup noodles, pancit canton at chips.
Marunong naman ako mag-luto, pero lagi akong kinukulang sa time since may work pa ako. Atsaka, binubuhay ko na ang sarilii ko, since I was 15. Si mama kasi, may bagong pamilya na at si papa, wala na. But, It isn't a big deal though, at least now, I'm independent and can stand on my own.
After I took everything I need, hinanap ko agad si Theo but I bumped into a guy.
"Ouch!" I reacted because of the impact. Ang sakit sa pwet, gago.
BINABASA MO ANG
RPW SERIES 1: Implied Feelings
Teen FictionAyoni Ellaine Viera, a typical normie who became hopeless and a complete mess after a tragic incident. While wandering about her present self, she found herself entering a new world. A world full of strangers with hidden identities. In a sea full o...