Prologue

79 7 1
                                    

CRAZY FOR YOU- Love Syndrome

Starring:
-Mikaella Jane Esguerra
-Jared Montemayor
-Natasha Marie Fuentez
-Dominikko Depamaylo

PROLOGUE.
"Tatlong oras na akong nagpapa-cute sayo di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko.. Pansinin mo naman ako aking sinta'y walang humpay na ligaaayaaa.. Aa--aww!".
Bulls Eye! Susuguran na niya sana ang lapastangang nanira sa mood at pagpapa-pansin sa crush niya ng biglang lumapit ang isang lalaki.

"Gago yun ah! Humanda siya sinira niya ang beauty ko! Grr.." sabi niya  kasabay ng pagkuyom ng kanyang mga kamay. Nanggagalaiti talaga siya sa sobrang inis, kulang nalang ay lumabas ang usok sa kanyang tenga. Nakatalikod siya ngayon habang kinakausap ang bestfriend niyang si Tasha.

"Bessy? Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

"ako?! Ayos lang? Tignan mo nga bessy mukha ba akong ayos?! Nakuuu.. Masasapak ko yang hinayupak na walanghiyang impa-k.." Natigilan siya at napakunoot ng noo ng mapansin niyang may iningunguso ang kaibigan niya. Tinuturo nito ang nasa likod niya.

"Ano?" iritadong tanong niya rito habang patuloy na inindi ang mensaheng nais iparating nito.

"Ah.. Miss? O-okay kalang ba? Sorry." sabi ng baritong boses na nagagaling sa likod niya.

"OKAY?! MUKHA BA KONG OKAY! SORR--" awtomatikong humarap siya rito at..

"Sor-sorry.. Ano.. Uhh. O-okay lang ako.Hindi naman masakit." sabi niya habang todo ngiti ito sa lalaking nasa harap nito. Nagniningning pa mga mata nito habang titig na titig sa kanya.

"Uhh.. Okay ka lang ba talaga? Tara dalhin na kita sa clinic?" aya ng lalaki sa kanya halatang naguguluhan sa inaakto ng babaeng nasa harapan nito.

"Tara.. Kahit sa langit pa.."malabing na sabi nito na parang wala sa sarili.
Natawa naman ang bestfriend nito sa pinaggagawa ng kaibigan.

"is there something wrong?" nakangiting tanong niya sa dalawa. Agad namang nagsalita si Tasha na noon ay nangisi.

"Nothing. By the way I'm Tasha." sabay lahad ng kamay niya. Bago pa mahawakan ng lalaki ang kamay ni Tasha. Agad naman sumingit ang babaeng kanina pa tulala sa lalaking nasa harapan niya.

"Nice meeting you. I'm Mika. Mikaella Jane Esguerra."sabad niya rito. Halos matunaw ang kaharap nito sa mga titig niya.
Napangiti naman ito sa dalawang magkaibigan.

"Jared! Halika kana dito!" sigaw ng isang kasamahan nila. Napilitan tuloy siyang bitawan ang kamay nito at nilingon ang tumawag.

"Sige ah.. Tawag na nila ako. Sorry ulit Mika." apologenic na sabi nito at patakbong umalis. Hindi pa naman gaanong nakakalayo ito ng lumingon ulit ito.

"uy.. Bessy lumingon siya.." patiling bulong niya kay Tasha.

"Jared nga pala!" sabay turo sa sarili at tuluyan ng pinuntahan ang mga kasama niya. Wala siyang magawa kundi panooring makaalis ito.:) That was a year ago.

Crazy For you! LOVE SYNDROMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon