Chapter 13: My Saviour.

27 5 2
                                    

Chapter 13: My Saviour.

Pumasok na ako sa huling klase ko. Medyo okay na din ang pakiramdam ko kaya nakakangiti na ako ng konti sa mga kakilala kong nakakasalubong.

"Hi Mika." bati ni Joan sa akin.

"hi."

"Uy Mika! Kmusta kana?" pambungad ni Mia sa akin nang malapit na akong makapasok sa classroom.


"Okay lang naman." walang ganang sagot ko.


"Masakit pa ba?"

"ang alin?" taas kilay kong tanong.

"Eto oh." sabay turo sa bandage sa kanang bahaging noo ko. Pinindot niya pa iyon kaya napa-aray ako.

"ay sorry masakit nga." nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang desk ko.


"Alam mo natakot ako para sayo..." blahblahblah.

Andami niya pang sinabi na hindi ko na maintindihan pero nang binanggit niya si Jared doon ako nagulat at hinarap siya.


"Ano nga yun?" tanong ko.

"alin yung nahulog?"

"hindi. Yung isa pa.."

"Yung tumulong sayo?"

"Sino?"

"ah.. Si Jared. Yung classmate natin sa history. Di mo na siya natatandaan?"


as if makakalimutan ko siya. My future boyfriend remember?
"Oh napano siya? Kwento mo pa." pag-uudyok ko sa kanya na hindi ko gaanong pinapahalatang interesado ako.


"Ah yun. Pagbagsak kasi ng mga libro agad na pumunta si Jared sayo para tulungan ka. Tapos yun nagulat na lang kami ng bigla kang mawalan ng malay kaya binuhat ka niya at dinala sa clinic."

"talaga?!" nanlaki talaga ang aking mga mata sa mga narinig.

"Oo. Ang bait nga niya e." nagniningning pa mga mata niya.

"tapos? Dali ano pa?"

"tapos yun. Yun na yun. Basta ang sweet niya."


"hm.. dapat pala akong personal na magpasalamat sa kanya." nakangiting turan ko. Nag-iisip na ako ng the moves ko na naman.

"Hmm. Probably yes. Sige ah.. Nandyan na si Ma'am." tinalikuran na niya ako at pumunta sa sariling upuan.


"Oh i see. Thank you my saviour." sabi ko sa sarili at ngumiti.


Gumaan na lalo ang aking pakiramdam pagkarinig ko sa balita ni Mia. Kinikilig ako at tumataba ang puso ko.

Simula palang alam ko nang mabait si Jared. Sa tinagal-tagal ko ba naman siyang ini-stalk malamang pati kilos at galaw niya alam ko. Ang nakakalungkot nga lang nun di kami close. :( huhuhu. Pero okay lang hintay-hintay din pag may time.

Sa ngayon masaya ako dahil siya pala ang aking saviour. Naiisip ko palang na binuhat niya ako nangingisay na ako sa kilig. Hihihi.

Unti-unti ko din nakalimutan ang lungkot na nadarama ko.:)

Author's Note:

Thank you for reading! :) Labyu.

Hope you like it.

Share.Comment.Vote.♥

I know all of or some of you medyo nakakarelate basta tungkol kay crush mamawala lahat ng lungkot na nadarama. :D Haha! Dami mong alam author! :P

Enjoy listening to the music.

OPM tayoooo! Akap by Imago. :)

Crazy For you! LOVE SYNDROMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon