Chapter 9: Aksidente

47 5 5
                                    

Chapter 9: Aksidente

"Hey! Good Morniiiing manong guard!" yan ang bungad ko sa pagpasok ko eskwelahan. Siyempre dapat goodvives palagi.


"Good Morning classmates! Good Morning schoolmates, Good Morning FEU! Labyu."

Masayang naglalakad si Mika sa corridor nang bigla niyang mamataan ang taong pinapantasya niya.-JARED.


Lalong lumawak ang pagkakangiti niya. Inayos-ayos ang buhok at damit niya, tumikhim pa siya para ihanda ang sarili para sa matinding pagpapapansin.


"Hmm.. Hihihi. Chance na to'. Kaya mo ya Mackoy!"

Inhale.
Exhale.
Maglalakad na sana ito palapit rito nang bigla niyang makita ang kaklase niyang si Mia.

Tuluyang nawala ang matamis na ngiti niya nang kunin nito ang hawak na libro at magkaagapay na umalis.

"Hmm.. Smell something fishy." tumalim bigla ang mga mata nito na waring papatay ng tao.

"Arrgh! Mia.. Mia.. Mia.. Patay ka sa kin'. Don't you dare to steal my future boyfriend. At Mia-araw ka din sa kin'." bulong nito sa sarili.


Sinundan niya ang mga ito. Hanggang sa makarating sila sa library.

Anong ginagawa nila dito? Ah.. I see oo nga pala nerdy tong isang to. Malamang magbabasa sila. Hihihi. Ano ba yan para akong tanga dito.

Pumasok sila roon at umupo sa sulok ng mga shelves. Siya na man ay nagmistulang spy sa pagsunod sa dalawa.

Para hindi siya mapansin ng dalawa ay kumuha din siya ng makapal na libro at kukunwaring nagbabasa para matakpan ang mukha niya.

Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan ng dalawa.

"About dun sa kahapon nga pala." pag-uumpisa ni Jared.

"Ah ano nga ba kasi yun?" mahiya-hiyang tanong pa ni Mia.

"well, pwede ka bang imbitahan this weekend?"

what?! Is he asking him on a date?! Oh Nooooo-noss! T^T
teka-- lapit ulit di ko marinig sinasabi nila.

May sinabi pang iba si Mia pero bakit feeling ko ang ingay di ko gaanong naririnig talaga.

"Shh!" yan ang nasabi ko para tumahimik ang mga taong maingay.

Tumigil naman yung ingay. Pero bakit sumobra yata sa tahimik. Dahil pati pinakikingan ko tumigil sa pagsasalita.

Naisipan ko pang lumapit ng kaunti pero parang may natamaan ako na something strange?

Pagtingala ko.
Blag!


"Ahhhww.. Ooh--Ohh awtsss." huhuhu.
Napaupo ako sa sahig at ininda ang masakit na ulo ko na nabagsakan ng mga libro.


Hindi ko na alam talaga kung anong masakit sa akin. Mahilo-hilo na din ako at sumasakit ang ulo ko.

Nabulabog ang buong library sa gulong aking nilikha.
Hindi ko na alam kung sino-sino ang mga lumapit sa akin para tulungan ako.


"Miss okay ka lang ba?" tanong ng isang babae ngunit di ko sinagot.
Parang akong nagdidiliryo neto ahh.. Paano ba naman nakikita ko bigla ang aking pantasya sa harapan ko at hinahawakan ang magkabilang balikat ko.


Nginitian ko siya.
"Okaaaay lang ako lalo na ikaw ang aking kaharap.." para akong baliw na bigla nalang nagsasalita habang tulog. Yun lang at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Author's Note

Thanks for Reading!

Share Comment and vote but don't plagiarise bad yun. :) Enjoy!

Pampa-goodvives ang pics ni baby loves Jared.

N/P: LifeHouse- I'm Falling Even More In LOve With You.

Crazy For you! LOVE SYNDROMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon