Chapter 3: Debut Party

31 5 0
                                    

Chapter 3: Debut Party

Sa huli ay napapayag niya din si Jared na sumama sa birthday party ng pinsan niyang si Stefany.

Sa isang restaurant ang venue ng party. Akala ko simpleng handaan lang ang magaganap yun pala ang big event ito dahil ang mga bisita ay pawang mga prinsesa't prinsipe ang mga soot at nakamaskara pa. Nailang tuloy ako sa aking suot na white V-neck shirt at jeans. Dahil sa sobrang mangha ko sa mga guest hindi ko namalayan na nasa likod ko na si Maylo.

"Bro! Gulat ka no? Madaming chicks diyan. Heto oh isuot mo." sabay abot ng isang black coat at maskara na tinatakpan ang aking mga mata.

"Salamat. Gago ka!" kinutusan niya pa ito. Mabuti nalang ay mabilis na umilag ito.

"Gwapong gago!" hinawakan niya pa ang baba nito at pinupungay ang mga mata.
Noon niya lang napagmasdan ang soot nito na pormal na pormal. Mukhang pinaghandaan ng gago.

Pagkapasok nila sa loob napatingin ang mga bisita sa kanila. Ngunit diretso parin ang paglakad nila. Ngumiti nalang siya dahil siguradong wala naman makakakilala sa kanya dahil nakamaskara sila.

Umupo kami malapit sa buffet table.
"Bro, kita mo yun? Yung naka-yellow cocktail dress." turo niya rito na isang table lang pagitan sa amin.

"Oh, napano?" walang gaanong expresyon sa mukha. Uminom ako ng tubig.

"Siya yung anak ni Congressman. Balita ko may business na siya at a very young age."

"ahh.. Good." tipid na sagot niya.

"Ano? Yun--" hindi na niya natuloy ang sabihin niya ng biglang nagsimulang kumanta ang babaeng nasa stage.

Nagsimula ng tumunog ang piano at violin.

"Mmmmm..

Ever since I was a baby girl I had a dream
Cinderella theme
Crazy as it seems
Always knew that deep inside that there would come that day
But I would have to wait..."

Pinagmamasdan ko lang ang babaeng kumakanta ngayon sa stage. Minememorya bawat bigkas niya ng kanta. Parangpinaghehele sa sobrang lambing ng pagkanta.

"But I would have to wait
Make so many mistakes
I couldn't comprehend
As I watched it unfold
This classic story told I left it in the cold
Walking through an open door that led me back to you
Each one unlocking more of the truth

I finally stopped tripping on my youth
I finally got lost inside of you
I finally know that I needed to grow
And finally my mate has met my soul.."

Hindi ko alam bakit nadadala ako sa boses nito. Siguro talagang magaling ang nakuha nilang singer. Hindi ko namalayang papasok na pala sa loob ang debutant tanging mga palakpak ng mga tao ang nagpabalik sa akin sa realidad.

"Finally
Now my destiny can begin
Though we will have our differences
Something strange and new is happening
Finally
Now my life doesn't seem so bad
It's the best that I've ever had
Give my love to him finally...."

Katulad ng mga guest ang babaeng may boses na parang anghel ay nakamaskara din ito. Bakit parang nanghihinayang ako na hindi ko maaring makita ang mukha ng may-ari ng boses.

(Finally-by Fergie) See on the Link. Hope you like it.

Crazy For you! LOVE SYNDROMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon