#Kim 36

1.2K 80 17
                                    

"Anong meron?!!! Ha?!" Tanong ni Dave sa aming dalawa. Hindi ako nakasagot. Walang nakasagot. Alam mo yung napakadaling tanong pero hindi mo masagot. Di mo alam kong bobo ka na o takot ka lang sagutan.

"Binabastos ka ba nito?" Sabi niya saka hinablot ang damit ni Foster at kinwelyuhan. "TANG INA MO AH!" Sabi niya matapos iharap sa mukha niya sa Foster. "ANO? ANONG GUSTO MONG MANGYARI?!" Tanong niya. Ramdam ko talaga ang gigil sa mukha ni Dave. Hindi naman sumagot si Foster.

"Dave kalma. Tama na please." Sabi ko habang pilit na kinakalas ang pagkakahawak niya sa kwelyo ni Foster. "Bitawan mo na. Wag kang mag-eskandalo dito." Mahinang sabi ko.

"No. Tell me, ginagago ka ba nito? Uupakan ko." Sabi niya saka lalo pang humigpit ang kapit. Tangina imbis na bitawan lalo pang humigpit.

"HOY ANO YAN? TANGINA NIYO KUMAKANTA AKO SA LOOB TAS NAGSILABASAN KAYO MGA DEPUNGAL KAYO. HAHAHAHA." Malakas na boses ni Justine kasunod ang jowa niya, kasama si Buknoy at Janus. Nagkatinginan kaming tatlo at nanatili sa kanya kanyang posisyon.

"Tigilan niyo yan kung ano man yan. Di tayo pumunta dito para mag-umbagan ha. Baka pag untugin ko kayong lahat jan." Sabi pa niya nang makalapit. Gewang gewang na si bakla halatang may tama na.

"Dave bitawan mo na please." Pakiusap ko na sinunod naman ni Dave.

"Let's go home. I know you guys are tired and exhausted so I guess, let's call it a night. Let's go home." Sabi ni John Paul saka inilabas ang susi ng kotse niya.

Sa byahe pauwi ay walang nagsasalita sa aming lahat. Well, lalo na si Justine na natulog na agad. Ramdam ko pa rin ang pagka-badtrip ni Dave.

"I'm home na. Ingat kayo sa byahe." Chat ni Janus. Mabuti naman. Di na ako nakapagpaalam sa isang iyon. Pagkareply ko ay tumunog ulit ang phone ko pero ibang chat head naman ang lumabas.

"I'm sorry." Si Foster ang nagchat.

"Akin na nga yan pota." Sabi ni Dave saka hinablot ang cellphone ko. Nagulat ako. Silip silip ka sa phone ko tapos magagalit ka. Letse.

***

"Bahala na kayo jan, hilong hilo talaga ako." Sabi ni Buknoy paglabas ng banyo saka dumiretso na paakyat sa kwarto.

Si Dave naman ang sumunod na pumasok. Sa kusina pa rin ako. Umiinom ng sangkatutak na tubig para mawala ang tama. Tangina naka-tatlong baso agad ako.

"Akin na yung phone ko." Sabi ko pagkalabas niya ng banyo saka inilahad ang kamay. Nakanguso lang ako at nakatingin sa kanya na parang wala man lang narinig.

"Ano? Bingi-bingihan?" Sabi ko pero dedma pa rin siya. Diretso sa lababo malapit sa kinatatayuan ko saka kinuha ang mouthwash na naroon at nagsimulang magmumog.

"Ano na Kalbo, akin na yung phone ko!" Naiinis na talaga ako.

"Kunin mo sa bulsa ko." Sabi niya nang humarap siya sa akin kaya nagsimula na akong kapain ang bulsa niya. Wala sa unahang bulsa ng pantalon niya kaya in-slide ko ang dalawang kamay ko papunta sa bulsa sa likod. Nakayuko ako ng bahagya at parang nakayakap na sa bandang balakang niya.

Nang makapa ko ang phone ko ay agad ko iyong dinukot at tumayo ng diretso. "Thank y..." Di na natapos yung sasabihin ko dahil hinalikan na ako sa labi. Sa lakad ng pwersa niya ay napasandal ang balakang ko sa mesa.

Tangina, kahit gustuhin kong pumalag di ko na magawa, unang una lasing ako at hilong hilo. Pangalawa ay ang lakas talaga ng pagkakahawak niya sa magkabilang pisngi ko.

"Uhmmmm." Mahinang sabi ko nang maramdaman kong pilit niyang pinapasok ang dila niya sa bibig ko. "Uhmmmm." Sabi ko pa. Napahawak ako sa magkabilang braso niya pero kulang talaga yung lakas ko para itulak siya. Laplap na laplap si Dave. Grabe.

Kim Cordova - TRANS x STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon