#Kim 34

1.5K 93 20
                                    

~Kim~

"Kiss mo ko." Sabi ko habang natatawa. "Hehehehe. Isa lang."

"Lasing ka lang Kim hahaha." Natatawang sagot ni Foster

"Kahit lasing ako alam ko ginagawa ko." Sagot ko naman.

"So alam mong nagpapahalik ka sakin ngayon?" Tanong niya.

"Yeah. Hehehehe. Dali naaa." Sabi ko.

"Tangina mo. Matulog ka na." Sabi niya habang pinipilit kalasin ang pagkakayakap ko sa kanya. Ewan ko ba, gusto kong pigilan pero parang ang sarap niya talagang halikan. Shet.

"Kiss mo na ako. Isa lang." Sabi ko ulit.

"Kiss naaaa!" Pahabol ko pa.

"Hahahaha. Tumigil ka ngaaaa." Pagpigil niya sakin. "Lasing ka lang kaya tamang libog ka hahaha."

"Sus kiss lang , wala namang malisya." Sabi ko saka bumwelo. "Ganto lang ohhh." Sabi ko saka hinalikan siya. Sarap sis. Sinipsip klo talaga.

"Tangina mo Kim! Hahaha."

"Oh diba, kiss lang naman arte mo pa. Sige na uwi na."

"Buknay gumising ka na putangina mo tanghali naaaa!!!" Sigaw ni Buknoy na talagang nagpabalikwas sakin. Punyeta. Akala ko totoo. Panaginip lang pala. Jusko.

"Ano buhay ka pa?" Tanong niya. "Bat nakakunot yang noo mo?"

Tinapik tapik ko talaga ang pisngi ko. Jusko, buti talaga panaginip lang, kundi, hindi ko alam kung paano ako haharap kay Foster. Nakakahiya. Ang pangit ng panaginip ko jusko. Napakalandi. Goshhhh!

"Ano bang nangyayari sayo taba?" Tanong ulit ni Buknoy.

"Ahhh ano, ang chaka kasi ng panaginip ko. Buti na lang ginising mo ako. Hehehe." Poker face kong sagot. Punyemas. Napapanginig ang balikat ko kapag naaalala ko yung panaginip ko. Jusko talaga.

Hanggang sa panaginip ang pokpok ko.

"Bilisan mo na. Kung inaantok ka pa. Sa byahe ka na matulog." Alas otso pa lang naman ng umaga. So ilang oras lang talaga ang tulog ko??? Haysss. "Kilos na at kelangan kong maabutan ang lunch sa bahay.

"Oo ito na." Sagot ko saka bumangon na at diretsong naligo. Hanggang sa paliligo, naiisip ko pa rin yung panaginip ko. Jusko talaga. Cringe. Parang di ko ata kayang isipin na hinaras ko si Forster.b Okray.

***

"Sus kiss lang , wala namang malisya. Ganto lang ohhh."

"Sus kiss lang , wala namang malisya. Ganto lang ohhh."

"Sus kiss lang , wala namang malisya. Ganto lang ohhh."

"Oh my goshhhhh!!!!" Sabi ko saka napabalikwas.

"Anong problema mo? Matulo ka lang jan, malayo pa tayo." Gulat na sabi ni Dave habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakatulog na naman ako, nasa byahe kami pauwi.

"Ahhh nanaginip lang ako." Sagot ko.

"Okay. Gisingin na lang kita pag malapit na bumaba."

Kim Cordova - TRANS x STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon