#Kim 38

740 82 15
                                    

Super iksi lang nito vote kayo please and comment na rin para mabilis ang update. Hihi. Love you all.

Special mention sa next chappy ang lahat ng magcocomment dito. Mwa!


***


~Kim~



"Bunso, gising ka na may naghahanap sayo sa baba." Boses iyon ni Papa. Ang aga aga naman jusko, sobrang antok na antok pa ako. "Bangon na. Papasok na ako sa trabaho. Isara mo yung gate paglabas ko."

"Sino daw yung naghahanap pa? Ang aga aga naman jusko." Pupungas pungas kong sabi sa kinapa kapa ang cellphone ko. Tangina naman alas nueve pa lang ng umaga.

"Hindi ko alam. Delivery ata. Kim Cordova daw."

"Pa naman, hindi mo pa nirecieve. Natutulog pa yung tao eh. Saka anong delivery? Wala naman akong order. Saka wala akong pambayad dun Pa!"

"May pipirmahan nga daw! Ako ba ikaw? Bangon na."

"Haaaaays." sagot ko saka naglakad na palabas ng kwarto. Diretso sa lababo sa baba para basain ang mga mata. Okay na to, pang tanggal muta.

"Hello po. Ano po iyon?" Tanong ko sa lalaking nakaupo sa motor niya. May hawak na kahon.

"Delivery po Maam. Kayo po ba si Miss Kim Cordova?"

"Yes po. Ano po ba yan? Nagtataka lang ako kasi wala naman akong order online eh. Saka bayad na ba yan? I just wanna make sure kasi wala akong pambayad jan kuya, bakasyon ngayon."

"Yes po wala na po kayong babayaran."

"Saan ba galing yan?"

"Wala hong nakalagay eh."

"Baka mamaya bomba yan ha?"

"Hindi po, magaan po."

"Okay sige receive ko na." sabi ko saka inabot na yung pipirmahan. Ano kaya ito? Parang wala namang laman dahil ang gaan nga.

"Dito ka muna kuya, mamaya ka na umalis after ko buksan." sabi ko saka kinalas na ang ribbon na nakapulupot sa kahon.

"Hala." Bulalas ko nang makita ang laman ng kahon.

"Nice. Mukhang may manliligaw kayo madam ah."

"Ay nako kuya. Marami po. Hahahaha. Charing."

"Hahaha. Okay na po ha. Salamat po."

"Thanks din po." sagot ko saka inusisa pa ang laman ng kahon. Wala namang nakalagay na kahit ano. Itong bulaklak lang na may maliit na card na may nakalagay na "Take care always." Malay ko ba kung kanino galing ito. Printed naman kaya di ko malalaman kung kaninong sulat kamay.

"Mag-impake ka kung doon mo gusto magbakasyon kila Lola mo. Mga kuya mo nandon na." sabi ni Papa habang inaayos yung belt niyang bigat bigat.

"Kelan pa sila nandun?"

"Nung Friday pa ng gabi." Sabi niya saka humarap naman sa salamin at nagsuklay. Gwapo talaga ng papa ko. "Pogi ka na Pa."

Kim Cordova - TRANS x STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon