CHAPTER 4: PAGTATAKA

1 0 0
                                    

"Dea? Bat nga pala palagi kang nandito sa bahay?"

"Ayaw mo ba akong makasama?"

"Ah eh oo naman gusto,pero hindi ka ba pinapagalitan ni Tita Isabelle?"

"Sinong Tita Isabelle?"

Parang may maling nangyayari kay Dea.

"Edi yung Mommy mo."

Nakita ko ang mukha ni Dea na parang hindi niya talaga kilala ang sinasabi kong Mommy niya.

"Ah eh ah oo,ummm hindi naman, nagpaalam din kasi ako sa kanya bago pumunta dito,pumayag naman siya"

"Ah okay"

Ngayon ay Martes na at bukas ay babalik na ako sa Paris. Sinubukan kong tawagan si Anne para sabihin sa kanya na aalis na ako bukas ngunit hindi ko na siya macontact,ilang araw ko na din siyang tinetext pero hindi naman nagrereply.

"Nagpalit ba ng number yon?" sabi ko sa sarili.

"Wtf?!" sigaw ko.
"HAHHHAHHA nagulat ba kita? I'm sorry"
"Ah hindi okay lang sorry din napasabi ako ng whatthefuck something hihi nagulat lang talaga ako"

Para namang isang bubbles to si Dea,minsan bigla din nawawala tas magugulat ka nalang tinitignan ka na pala niya o kaya katabi mo na siya.

7:30 na ng gabi at naghahanda na ako ng dadalhin ko para bukas. 10am pa naman ang lipad ko papuntang Paris.

Naglalagay na ako ng mga damit ko sa dadalhin kong bag. Tinutulungan din ako ni Dea.

Pagkatapos ng 2 oras na pagiimpake sa wakas natapos na din kami.

At si Dea? Si Dea ay nakatulog na sa upuan,pagod siguro. Nagpunta muna ako sa cr para mahugas ng katawan matutulog na din ako.
Pagod na rin kasi ako.

Pero bago ako pumunta sa higaan ko ay pumunta ako kung nasasaan si Dea.

Pinagmasdan ko ang mukha niyang mahimbing na mahimbing sa pagkakatulog. Ang ganda ng mukha ni Dea.

Hinawakan ko ito pero nang mahawakan ko ito ay ba't malamig?

Hinawakan ko din ang kamay niya pero ganon pa din ang nararamdaman ko malamig.

Sinubukan kong gisingin si Dea para doon nalang matulog sa kama ko. At sa sahig nalang ako matutulog ngunit hindi ko naman siya magising kaya nagpasya na akong matulog.

"Goodnight Dea,Goodnight World"

Natulog na ako.




DEA POV:

"Goodmorning!" sabi ko sa sarili.

"Nasaan kaya si Vinjel hmmm?"

So kakagising ko lang at pagkagising ko wala na si Vinjel. Ngayon ang alis ni Vinjel papuntang Paris. Nakakalungkot naman. 6 pa lang ng umaga. Sinadya ko talagang gumising ng maaga,kahit alam ko na isa na akong multo nagawa ko pa ding matulog,ewan ko ba pero parang hindi naman ako nakatulog. Natulog ako para hindi magtaka si Vinjel sa akin. Yung totoo hindi naman talaga ako natulog binantayan ko lang si Vinjel.  Oh diba ang gulo haha pero multo na nga ako.

"Sino kaya ang sinasabi niyang Mommy ko daw? Tita Isabelle ba yun? Ah oo sino yun? Ba't hindi ko maalala?" sunod sunod na tanong ko sa sarili.

Habang nagmamasid masid ako sa loob ng kwarto ni Vinjel ay sa wakas nandito na siya.

"Hi Dea! Kamusta naman ang pagtulog mo? " si Vinjel

"Ah okay lang naman,nakatulog nga ako ng mahimbing eh ikaw?" pagsisinungaling ko.

"Okay lang din. Kain ka na."

"Ahh umm wag na busog pa ako eh"

"Hmmmm nakakapagtaka lang ha ba't palagi kang busog?"

"Hehehehe ano kasi minsan pag tulog ka kumakain ako sa kusina niyo"

"Ay HAHAHHA kaya pala unti nalang yung bacon namin eh"

"Uy grabe ka naman sakin hindi naman ako ganon katakaw" sabi ko.

"HAHAHHAHHA" tawang tawa si Vinjel.

3 oras na lang ang natitira at aalis na nga si Vinjel. Kaya naman naligo na siya at naghanda para sa pag alis niya. Hihi nasa kwarto niya kasi ako,pero sinabi niya yun sa akin ha,umalis na muna ako habang naghahanda siya.

Time Check: 9:15 am

"Vinjel ilang minuto na lang aalis ka na"

"Oo nga"

"Mamimiss ko tong bestprend ko"

Sabay himas sa ulo ko

"Tinatawagan ko si Anne hindi naman sumasagot"dagdag pa niya.

Anne?
Sino si Anne?

"Ahh baka busy lang" pagkukunyaring sabi ko.

"Baka nga" si Vinjel.

Bigla bigla nalang may kumatok sa pintuan ng kwarto ni Vinjel.

"Babe? Buksan mo yung pinto,nandito ako"

Babe? O-M-G sinong babe?

"Bukas yung pinto,pasok ka." sabi ni Vinjel.

Pagkapasok ni ummm sino ba to?

Nagulat ako ng bigla niyang hinalikan si Vinjel.

"Babe halika na baka mahuli ka sa flight mo"

"Ay teka"

Sana naman wag ako ipakilala ni Vinjel sa babaeng yun,baka sabihing baliw siya,si Vinjel lang kasi ang nakakakita sa akin. Siya lang wala nang iba.

"Claire si Dea pala,Dea si Claire" s-si Vinjel.

Lintek na sabi ko na nga ba eh.

Nakita ko sa mukha ng babae na nagtataka kung sino ang sinasabi ni Vinjel na Dea.

"Ha sinong Dea?"sabi ni Claire.

"Ito oh" sabay turo sa akin.

"Hays baka hindi ka pa nakakatulog babe,excited much para sa Paris,kaya kung anong iniisip isip mo" sabi pa ni Claire.

"Ayaw mong maniwala?,tsk halika na nga punta na tayo sa airport baka maiwan ka pa"

Talaga Vinjel eh sabi ko na eh.

At ayun sumama padin ako para ihatid si loves char hihi. Pero syempre nag travel lang ako ng ilang seconds tapos nasa airport na ako. Parang ano hays basta alam niyo na multo nga ako diba HAAHHHAHA

"Mamimiss kita babe,bye!" sabay kiss

"Mauuna na ako,hanggang dito na lang may pupuntahan pa kasi ako pinapatawag na ko ni Mom eh,bye babe" dagdag pa ni Claire.

"Sige bye then" sabay flying kiss

"Ingat ka" dagdag ni Vinjel.

"Ikaw din,babe" si Claire.

Habang naglalakad kami ni Vinjel siyempre sasamahan ko lang siya hanggang makasakay na siya oh diba! Ang astig maging multo,pero mas astig parin kung buhay ka ang lungkot naman.

"Oh hindi ka ba aalis Dea? Kaya ko naman yung sarili ko eh" nagulat ako sa sinabi ni Vinjel.

"Ummmm sige okay lang,aalis lang ako pag nakasakay ka na" sagot ko.

At....bigla akong yinakap ni Vinjel.

Hala patay magmumukha talaga siyang baliw dahil sa akin.

"Sino yung yinayakap ng lalaking yun oh,kinikilabutan naman ako"sabi nang babae.

"Hala anong ginagawa ni Kuya oh,anong yinayakap niya hangin?" sabi pa nung isa.

Kumawala ako bigla sa yakap ni Vinjel.

"Dea?"

"Oh?"








"Ba't ang lamig mo?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HER SECRETWhere stories live. Discover now