Chapter 1

7 2 0
                                    

ARYA'S POV

---

A LOUD bell rang in the four corners of our room, even outside indicating that the last exam for today are done.

Masaya namang nag-iritan ang mga classmate ko. Sino ba namang hindi sasaya kung ang last subject niyo ay business finance? Mas grabe pa sa lugaw ang utak namin.

Ang amin namang guro sa subject na ito ay lumabas kasabay ang aming classroom president habang bitbit ang mga test paper namin. Bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto, bumaling siya sa amin.

"Guys, huwag muna kayong aalis ha? Yung cleaners, maglinis na kayo pero hintayin nyo ako. I have an announcement to make galing sa ating adviser." Ron said. Nag-okay sign ang iba habang umangal naman ang iba gaya ng katabi ko.

"Arya, ayaw ko na! Gusto ko nang umuwi! Hay na'ko! Ano na naman ba ang iaannounce niya?" Tanong ni Brix na may kasamang palatak.

"Ewan ko. About diyan sa announcement, ang sabi pala ni coach, hindi daw muna tuloy ang practice this week." Imporma ko sa kaniya. I heard him mutter some curses bago huminga ng malalim.

"Kainis naman oh! Dapat may practice! Exam lang naman eh." Angal niya. Ewan ko ba dito, mas mahal pa niya ang pagpapractice for taekwondo kesa sa academics niya. Black belter na siya gaya ko. I am also the team captain.

Binalewala ko na lang ang pagrereklamo niya sa tabi ko.

To busy myself, inayos ko na lang yung mga gamit ko na nakalatag sa lamesa ko. We are in a private school and I am thankful for that. I love the facilities and my table and chair. Para kaming nasa isang korean drama.

Since I'm not assigned today as a cleaner, hinintay ko na lang si Ron na makabalik galing faculty room. I was browsing on my social media account nang sumigaw si Brienne, ang maarteng muse ng section namin.

"Guys! No classes daw tomorrow!" Sigaw niya. Natuwa naman ang ibang nakarinig noon.

"Talaga? Saan mo nabalitaan iyan?" Tanong ni John, ang siga naming kaklase.

Umirap muna si Brienne bago sumagot. "From my friend na taga-STEM. Inannounce daw ng adviser nila."

"About that, guys..." Singit naman ni Ron na hindi namin napansin na nakabalik na pala. "We still need to go here tomorrow." He started followed by the unending complaints of my classmate lalong lalo na si Brienne, John, James, and Daris. Ang pinaka tamad naming classmates pagdating sa pagpasok pero lagi namang napasok. Magulo ba?

"Bakit daw?" Asked Theo. Nabaling ang atensyon ko sa kaniya nang magtanong siya. Nakaupo siya sa pinakalikod na row na katabi ng bintana. Isa siya sa matalino kong classmate.

"Remember the event na gaganapin next week?" Ron asked earning another batch of complaints. Di naman niya pinansin ang mga nagreklamo. "Inassign tayo personally ng school stuff na magbenta ng kahit anong food for the school visitors."

"So, anong ibebenta natin?" Tanong ni Ynes na ngayon ay nakaupo ng maayos at excited na excited sa sinasabi ni Ron. By the way, Ynes is the peace and order freak.

"We will talk about it tomorrow so make sure na pupunta kayo. Those who will not attend will have a deduction sa homeroom. That's all, guys." Sagot ni Ron kay Ynes sabay baling sa aming lahat.

Tumayo naman si Ynes sa kaniyang inuupuan bitbit ang kaniyang school bag. "Before you go, guys, make sure that the chairs and tables are perfectly aligned. So, see you tomorrow? Bye!" She said then waved us goodbye.

DēceptusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon