Chapter 7

7 2 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

(INSIDE THE CLASSROOM)

---

HAWAK-HAWAK ni Nilo and kaniyang cellphone. He opened it and checked the time. It's now 4 o'clock in the morning. He just woke up from a long nap. He can't call it  sleep since he sometimes wake up in the middle whenever na makakarinig siya ng mga kaluskos at yapak.

Until now, wala pa rin ang mga kaklase niyang kinuha kanina ng mga armadong lalaki.

He got up from his seat and take a walk papuntang pinto, sinilip niya kung may mga tao ba sa labas. When he saw no one was outside, lumayo siya sa pinto at nagtungo sa pinakamalayong parte ng kanilang silid. 

He dialled a number, maybe to call for a help. He kept on calling the police department of their city but no one was picking up. halata sa kaniyang mukha na naiinis na siya pero para sa ikabubuti ng lahat, inulit niya ang pagdadial ng landline ng city police department at nang sa pangalawang ring pa lang, meron nang sumagot dito. nang akmang magsasalita na siya, narinig niya ang pagbukas ng pinto.

"Hello? This is PO2---" the other line said.

Pumasok sa pinto ang mga armadong lalaki akay-akay ang kaniyang mga kamag-aral. tiningnan niya ang kaniyang cellphone. hanggang ngayon ay on-going pa rin ang call. 

Instead of talking to the police officer, nagsalita siya sa mga armadong lalaki.

"Hanggang kailan niyo ba kami ng mga kaklase ko ikukulong dito? Gusto na naming umuwi sa mga magulang namin." wika niya. Napansin niyang natuon ang tingin nito sa kaniya. Ang isa sa mga tauhan na walang akay-akay na estudyante ay nagkasa ng baril at pinaputok sa kisame ng silid.

Dahil sa nagawang ingay na iyon, nagising ang ilan niyang natutulog na kamag-aral. Bakas sa mukha nito ang gulat at takot.

Si Sally, bigla na lang napairit kung kaya't ibinaling ni Nilo ang kaniyang tingin dito. Nang sundan niya ang tinitingnan nito, nakita niya si Arya na halos hindi makamulat habang akay-akay ng dalawang lalaki. Sa likod naman nito ay si Brix na mukhang hindi makalakad. Lupaypay ito. Tanging ang pag-akay na lang ng dalawa sa mga tauhan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito nakalupasay sa sahig.

"Anong ginawa niyo sa kanila? Sino ba kayo?" Nahihintakutang tanong ni John. Mukhang nahimasmasan na ito mula sa pagkakatulog. 

Hindi sinagot ng mga ito si John.

Pasimpleng tiningnan ni Nilo ang kaniyang cellphone. He cussed under his breath nang makitang putol na ang tawag at patay na ang kaniyang cellphone. He just wish na narinig ng nasa kabilang linya ang nangyari kanina.

Itinago niya ang kaniyang cellphone sa basurahan na nasa tabi niya. Sigurado siya, kukunin ng mga ito ang anumang bagay na makasasama sa kung ano mang pinaplano ng mga ito.

"Pwede bang pag-usapan natin ito?" Panimula ni Nilo. naglakad siya nang marahan patungo sa mga ito. 

Nang lingunin siya ng mga armadong lalaki, ilan sa mga ito ang nagtaas ng kanilang baril at itinutok sa kaniya. Itinaas naman niya ang kaniyang mga kamay. 

"Mayaman ang ilan sa amin. Kailangan nyo ba ng ransom? tawagan nyo ang mga magulang namin. Pero, please, huwag nyong sasaktan ang mga kaklase ko." Wika ni Nilo. Sinegundahan ito ni Ynes.

DēceptusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon