START

25 3 5
                                    

Mahinahon na tumutugtog ang musika habang sinasabayan ng katawan ko ang bawat nota. Palihim ko'ng inikot ang aking mata upang hanapin ang aking ina ngunit katulad ng nakasanayan, wala siya sa pagtatanghal ko sa entablado na matagal ko rin na pinaghandaan. Isang huling ikot at sa wakas ay natapos na ang piyesa na itatanghal ko para sa gabing ito.

Matapos ang pagtatanghal, agad ako'ng sinalubong ni Tirana. Ang pinakamatalik ko na kaibigan at pinsan.

"Girl! Congrats! Ang taray ng ikot-ikot effect natin doon sis!" Sabi nito at pinalo ako sa braso ng pabiro. Sunod dito ay ang humahalakhak na si Tokyo.

"Wala naman papi sa mga nagtanghal naistress ako." Irap nito sa hangin. Kasunod nito ay si Kuya Berlin, kapatid ni Tokyo.

"Lalaki na naman, Tokyo." Irap din nito. Humalakhak ang isa pang kadarating lamang na si Ate Havana.

"Palibhasa Kuya Ber wala kang jowa!" Biro nito. Tumawa ako kasama sila,

"Salamat sa pagpunta." Napangiti na lamang ako ng mapait habang tumitingin sa mga tao, wala padin. Hindi sila dumating.

"Manila." Tawag sa akin ng isang boses mula sa malayo.

"K-kuya." Gulat akong napalingon sa kaniya. Nakasoot padin ng puti niyang gown na pang ospital, dala ang isang nakaayos na set ng bulaklak. Niyakap ako nito at hinalikan sa noo.

"Pasensya ka na, hindi ako umabot. Biglaan nagka emergency sa ospital." Paliwanag nito. "Salamat sa pagpunta, kuya." Naluluha kong bulong dito.

Mula simula, hindi suportado ng magulang ko ang pangarap ko sa ballet lalo na sa pagpipinta, para sa kanila wala akong mararating sa pinipili kong landas. Gusto nila akong maging katulad nila, katulad ni kuya. Hinawakan ako nito sa balikat at sinuri.

"Bakit ka umiiyak? Pasensya ka na kila mama." Mahinahon nitong sabi.

"Sanay na ko kuya, pero umaasa padin ako eh. Na baka mapanood manlang nila ako kahit isang beses." Ngiti ko dito. Ngumiti ito sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"Maiintindihan din nila, Manila." Bulong nito. "Sana Kuya Reb. Sana." Bulong ko.

"What is up, Zagreb? Abalang abala sa ospital ah?" Akbay ni Kuya Berlin kay Kuya Reb. "Oo eh." Natatawang sagot ni Kuya Reb.

"Hindi ba tayo kakain? Nagugutom na ako." Reklamo ni Cairo.

"Palibhasa timawa ka." Pangbabara ni Kuya Bei. "Kuya tangina dapat kakampi kita!" Reklamo muli ni Cairo. Tumawa na lamang kami.

"Magpapalit lang ako, kakain na tayo." Sabi ko dito at dumeretso na sa dressing room. Ibinalik ko ang tutu costume ko sa bag at nagbihis ng puting bestida na umaabot sa aking tuhod at lumabas na. Isang hindi pamilyar na pares ng mata ang tumama sa akin paglabas ko ng dressing room.

Hindi ako makabitaw sa titig, malamig ang kaniyang mata at walang ipinapahiwatig na emosyon. Iniwas niya sa akin ang paningin at nagpatuloy sa paglakad. Hindi ko ito pinansin at muli ay nagpatuloy ako sa pagpunta sa mga pinsan ko.

"Isa pa yan! 'Yang si Manila ilang taon na, wala pading jowa!" Agad na sabi ni Tokyo sa aking pagdating. "I'm just 24, Kyo. I have a lot of time left. And isa pa, none of my priorities." I answered and chuckled. But what came next left me dazed and confused. Yung lalaki kanina sa dressing room, he came.

"Oh, Captain Vasquez!" Bati ni Kuya Reb sa bagong dating na estranghero. Putangina! Magkakilala sila. "Dr. Alva de Ruiz. Nanood lang ng pagtatanghal." Sagot nito at kinamayan si Kuya habang ang mata ay nananatili sa akin.

"This is my sister, Manila." Pakilala sa akin ni Kuya. Tinanggap ko ang kamay na inilalahad ng estranghero.

"Captain Atlas Zyair Vasquez." Pakilala nito sa akin. "N-nice to meet you. Manila. Manila Alva de Ruiz." I smiled.

DelicateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon