Senaryo - Part 2

43 16 6
                                    


Mabagal lang 'yung pagpapatakbo ko, hindi ko feel ang masyadong mabilis. Nagulat ako sa nakita ko. Kaagad kong inihinto ang kotse ko sa tapat ng waiting shed. Nakikita ko ngayon si Calliope na may kasamang ibang lalaki. Smiling genuinely in front of him.

Her smile...

That smile...

She's even laughing. Ayokong magpalamon sa naiisip ko. Ayokong paniwalaan ang nakikita ko.

She lied..

I know there's a reason behind this. There's a reason why she lied. Bumaba ako sa kotse ko, nanginginig na tinungo ang direksyon ni Calliope.

I can't...

Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Di ko na magawang ihakbang muli ang paa ko. Nagtama ang paningin namin. Gusto kong tumakbo ngayon pero hindi ko magawa. Papunta na siya sa direksyon ko. Naatras ko ang aking paa ngunit 'di ko na muling nasundan pa.

"What are you doing here?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Diba dapat ako ang nagtatanong n'yan?" Di ko mabasa ang emosyong pinapakita niya ngayon. "What are you doing here?"

"You better leave." Nililingon nito ang kausap niya. "I'm busy."

"Why wouldn't you explain anything?" I'm scared that my tears might fall.

"There's nothing to explain, Lucas." Para akong kung sino na nakakaabala sa kanila.

"What!?" I raised my voice. Nagulat ako sa nagawa ko. "Can you please tell me....kung sino siya? Kahit 'yun lang Calliope."

"No," she didn't hesitate to refuse. "I can't, this isn't the right time para sabihin ko sa 'yo."

"Kailan mo balak sabihin?" Napailing siya sa sinabi ko. "Kung kailan naglaho na ang tiwala ko sa 'yo?"

"If you love me, trust me...Please." Parang tumigil ang paligid. Parang naiwan kaming natitira sa lugar.

"If you love me, then tell me." Nanggilid na ang mga luha sa mata ko.

"I love you, Lucas." She didn't mean it. Pilit niya lang pinagtatakpan ang sitwasyon.

"Choose one," madiin kong sabi pilit kong pinipigilan ang kahinaan. "Gusto mo pa ba akong magpatuloy na samahan ka o gusto mo ng itigil ang namamagitan sa 'tin?" I know na hindi ako nag-iisip.

"I can't choose." Siguradong-sigurado siya sa sagot niya. "I'm begging you, please leave." I need explanation before I leave pero wala siyang balak magsabi sa 'kin.

Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. I felt anger inside my heart. Ilang beses ko na siyang pilit na iniintindi. Ilang beses ko na siyang nakikitang may kasamang iba pero kahit isang beses hindi ako nakatanggap ng paliwanag. I love her so I chose to forget everything.

I always choosing you Calliope, I think this is the right time that I need to choose myself.

You taught me how to love...

You made me feel how to be loved...

"Let's take a break, Calliope." Napalingon 'to sakin. Nagsimulang tumulo ang luha sa aming mga mata. "Permanently" Nilisan ko ang lugar na 'yon, I never expected na mangyayari 'to. Parang kahapon lang  masaya kaming nagdiriwang ng anniversary namin.

Stop me from leaving.

Tell me that you love me.

Please...

SenaryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon