Senaryo - Part 3

50 20 2
                                    

Bigla akong nagising sa pagkatok sa bintana ng kotse ko. "Bawal pong mag-park nang matagal dito, baka po mabigyan kayo ng ticket n'yan."

"Sorry po, nakatulog po pala ko." Bakit naman ako matutulog sa ganitong oras at sa gilid pa ng highway. Umalis na si kuya stranger, nilibot ko ang paningin ko.

Nakita ko si Calliope na nakikipag-usap sa ibang lalaki. Naalala ko ang panaginip ko. Calliope take her own life in my dreams dahil wala ako sa tabi niya. Nakita kong papalapit si Calliope sa direksyon ko, napansin niya siguro ang kotse ko. Bumaba ako ng kotse para harapin siya.

"Why are you here?" Di ko maaring ulitin ang pagkakamaling nagawa ko.

"Papunta sana ko kila Joshua and I saw you here, you said na kasama mo sila Tita?" Nakangiti kong sabi.

"Di kami natuloy nila Mom, mauna ka na muna Lucas. I'm busy." Nawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Nakakaabala ba 'ko?" Lumingon ako sa kasama niya. "I think I should go, call me if you need anything."

"Okay, Ingat ka." Nauna na 'kong umalis, Kinawayan ko muna siya bago ko sumakay sa kotse. Nagmamadaling bumalik 'to sa kasama niya.

I'm okay

Yes, you're okay Lucas

Pumunta na 'ko kila Joshua, naabutan ko 'tong naglalaro sa phone niya.

"Oyyy Pre, bat natagalan ka ata?" Seryoso pa rin 'tong nakatutok sa phone niya.

"Nadaanan ko pa kasi si Calliope." Binaba nito ang phone niya.

DEFEAT

"Akala ko ba may pupuntahan siya kasama parents niya?" Pabato nitong nilapag ang phone.

"Akala ko rin e."

He glared at me. "Hindi kaya?" Mapanlokong ngiti ang binitawan nito. "Mangangabit 'yon? May ka meet-up na ibang lalaki?" That joke caused pain in my heart.

"I saw him with another man." It hurts me seeing Calliope with another man. I want to ask her about that pero ayokong mangyaring muli ang panaginip ko.

"Ano naman ginawa mo?"

"Nothing," tugon ko rito.

"What!? Di mo man lang tinanong kung sino 'yung kasama niya? Kung ano ginagawa niya r'on? As in wala? Legit?" Inalala ko 'yung mga sinabi ko kanina.

"Nakakaabala ba 'ko?" Pag-uulit ko sa huling tanong ko kay Calliope. "I think I should go." Dugtong ko. "Yun lang sinabi ko."

"Pre, nahihibang kaba?" I shrugged. "Kailan ka naging abala kay Calliope?" Napaisip ako sa tanong niya. "Alam mo pre, Natatakot ka lang ee." Kunot noo ko 'tong hinarap.

"Ako? Matatakot? Saan?"

"Natatakot kang malaman ang katotohanan." Di ko siya maintindihan. "Lagi mong pinipigilan ang sarili mong magtanong dahil sa natatakot ka sa maaring makuha mong sagot."

"Di kita maintindihan, more explanation pa." Ayokong maging seryoso, masasaktan lang ako.

"Ilang beses mo ng nakita si Calliope na may kasamang iba?"

"I don't know." It pains me.

"Sa tuwing tinatanong kita kung ano ginawa mo, sinasabi mo lagi sa akin na wala. You always doing nothing. Deserve mong makuha lahat ng kasagutan sa bawat tanong mo."

SenaryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon