Magulo.Magulo..Magulo...
Takbo ng isip ko ay magulo talaga. Hindi ko alam ano ang magiging simula ko. Basta naisip ko lang magsulat.Isulat lahat ng tumatakbo sa isip ko.Sabi nga nila ang buhay ay merong taas at baba,meron din gitna di ba?
Ewan ko kung saan ako diyan,basta alam ko buhay ako ngayon sa dami ng pinagdaanan ko.Sasabihin ng iba wala pa ang karanasan ko s naranasan nila pero syempre magkaiba ang ako at sila.Sisimulan ko na ang kumbaga simula
... The endHahahaha biro lng.. Kasunod neto..
Naglayas ako sa bahay. Determinado ako umalis dahil para sa akin wala ako mapapala kung sa amin lang ako.Ayaw na ako pag aralin ng magulang ko dahil ang huling pinangtuition sa akin na padala pa ng tiyahin ko galing sa malayong lugar ay ginastos ko sa pagbabarkada ko.
Nangutang ako sa isang barkada ko pamasahe para makaluwas ng maynila sa pangalawang pagkakataon ko pa lang.Ang nanay ko pa nga nagbayad nun. Haha
Nakasakay ako ng barko. Lakas ng loob ko. Alam ko matutunton ko ang bahay ng tiyahin ko na tinuro ni mama kung paano gagawin ko noong unang beses na punta ko doon.
Nagtagumpay ako, kahit nagkandaligaw-ligaw ako nagbayad sa padyak na mahal ang singil na kalaunan nalaman ko na inikot lng ako.Basta nakarating ako ng ligtas sa bahay ng tiyahin ko na gulat na gulat.
Ilang araw pa bago nalaman ng tatay ko na nasa manila na ako. Astig
Syempre wala ako trabaho, palamunin ng tiyahin ko na binubuhay lang din ng kinakasama nya ksama mga pinsan ko. Tipikal na karanasan, ako ang taga kilos ng mga gawain.Kasa-kasama ng pinsan ko sa pagtambay kasama barkada.
Natuto uminom at manigarilyo. Kalaunan napapagalitan na ng tiyahin kasi pabigat nga naman ako.Dagdag p sa budget na pinagkakasya.Hanggang sa naisipan na naman ng tiyahin ko na nasa malayong lugar pag-aralin ulit ako.
Lipat kami ng pinsan ko ng lugar para sa ikabubuti daw nmin.
Kumpleto kami sa gamit, may allowance buwan-buwan. Nakatapos ako ng caregiver.
Pero dahil naglandi ako bumalik ako sa lugar ng tiyahin ko dahil kapitbahay nila naging boyfriend ko.
