Chapter One

7 0 0
                                        

"Ang lapit lang kaya no'n," pagpupumilit ni Honey.

Nakahilata ako sa kama nang abutan niya upang yayayaing manuod ng motocross racing sa kabilang baranggay. Hindi tulad noon na ako pa ang nauunang yumayaya sa kanila sa galaan dahil sumasakit ang puson ko.

"Tinatamad nga ako."

I flipped my body as I put the pillow between my stomach and bed. I pressed my body down to lessen the abdominal pain that I am feeling.

"Minsan lang kaya 'to. Nandun na sina Lysa at Nicole sa labas. Wag mo nang hintayin na sila pa ang tatawag sayo," babala niya.

Kakasabi niya lang ay may nagbukas na kaagad ng pinto.

"Ba't ang tagal niyo?" tanong ni Nicole.

Nakatingin ito kay Honey at bumaling sa akin. Kumunot ang noo niya nang makitang nakahiga pa ako sa kama.

Lumapit kaagad si Lysa sa kama at umupo sa sulok nito sa bandang paa ko.

Bigla niyang hinila ang paa ko papunta sa kanya.

"Aray!" Sabay waksi ko ng paa at natamaan ito sa mukha.

"Walanghiya kang bruha ka."

Hinampas ni Lysa ang pwet ko kaya napaupo ako.

"Sabing ang sakit eh," angal ko rito.

Bigla nalang nagsiliparan ang damit ko sa aking harapan. Natakpan pa ng jeans ang mukha ni Lysa. Nang bumaling ako sa aking kabinet ay naisara na ito ni Nicole.

Mga walanghiyang kaibigan talaga.

"Manonood nga tayo ng racing. Nandun na kaya halos lahat ng classmate natin."

Pake ko ba sa kanila? Hindi naman sila ang gamot sa sakit ng puson.

Parang nasa ibang dimensyon ng mundo si Honey dahil sa ka-chat niya. Nakaupo na ito sa upuan ng study table ko. Table lang pala, di naman ako nag-aaral. Tawag sakin, isang malaking hakdog display.

"Share mo lang?" Nakangising tanong ko.

Bigla na lang naging blangko ang mukha niya at sabay takbo papunta sa akin.

"Aray!"

Tumalon si Nicole sa kama at masakit na nag-landing sa likod ko.

"Lumabas na nga kayo. Magbibihis na'ko," wika ko.

"Sabi nang sasama ka eh. Papilit ka pa," saad ni Nicole 'tsaka lumabas. Sumunod naman ang dalawa sa kanya.

Malakas ang dalundong ng speakers na aabot hanggang kabilang baranggay. Maputik ang daan na tatahakin ng mga riders dahil umulan kaninang umaga.

"Nandito na sila!" sigaw ni Daisy habang papalapit sa amin.

She hugged us tightly.

Parang ilang taon naman kaming hindi nagkita.

Lumapit kami sa aming mga kaklase at halos lahat nakapwesto na nang nag-anunsyo na magsisimula na.

Lumabas ang anim na riders. Pansin ko na parang kaedad lang namin ang mga riders ngayon. Noon kasi ang tatanda na, around 30's na siguro.

"Nasaan si Reyven d'yan?" tanong ni Daisy.

I bet she has a huge crush on Reyven. Di lang siya umaamin. Lagi niya kasing mukhang bibig ang pangalan nang lalaking 'yon.

Reyven was our former class president when we were in high school. He is currently the Vice President of our club.

But I never talked to him that much. Iba rin kasi ang mundo ng mga boys sa amin. They would also often escape para lang makapaglaro ng online games and Reyven was not an exception.

Keeping The ThornsWhere stories live. Discover now