ILY 06

13 2 6
                                    

ILY 06


It was just an ordinary day. I woke up. I ate. I studied. I ate again then studied again. Kauuwi ko lang galing sa university tapos dumiretso na ako pauwi. Kumain muna ako sa isang fast food chain bago dumiretso sa condo. I was busy doing my plate when my phone rang.

I saw Annette's name on the screen. Sinagot ko ang tawag then ni-loudspeaker ko na lang. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nakapagsalita na agad si Annette.

(Tara inom.)

Napakunot ang noo ko at napatigil. Ibinaba ko ang brush na hawak ko at kinuha ang cellphone.

"Sira ka ba? Kung makapag-aya ka akala mo kung sino kang malakas uminom ah. Tapos ka na ba sa plate mo?"

(Hindi pa. Pero malapit na. Ata.)

Napabuntong hininga ako. Bakit kaya bigla biglang nag-aya 'to? Um-oo na lamang ako sa kanya at niligpit na muna ang kalat ko. Dito kasi ako sa sala gumagawa.  I went inside my room to pick whatever I am going to wear.

Pinili ko na lang magsuot ng black spaghetti strap top at denim ripped jeans. Nagsuot na din ako ng gray na cardigan dahil medyo malamig kasi gabi na. Ini-ponytail ko na lamang ang buhok ko.

I only have my phone and wallet with me. Naglakad na lang din ako kasi malapit lang naman yung pupuntahan ko. Hindi gaya ng iba, malimit lamang kaming uminom sa mga kilalang bar ni Annette. We do love parties, beers and stuff pero bilang lamang sa kamay ang mga beses ng pagpunta namin ni Annette sa bar.

Mas prefer naming uminom at magwalwal dun sa sisigan na malapit sa condo naming dalawa. We were just strolling that night when we discovered Ate Kelay's Sisigan. Sinubukan lang namin ni Annette kung okay ba yung place, then we just found ourselves coming there every once in a while. We were second year that time.

It wasn't the typical sisigan. Their place is actually nice. It has a great interior, very cozy and minimalist. May live band din dito minsan. Other than sisig, they also serve different kinds of foods and beverages. But they are known for their famous sisig and beer. Ang lakas lang makapinoy. Para ka lang nag-iinom sa kanto pero maganda yung place. Meron talaga silang menu na puro mga pulutan.

Nakita ko si Annette na kumakaway sa tapat ng entrance. Nakashorts at halter top ang ate mo. Wala man lang jacket. Hindi ba 'to nilalamig?

Binilisan ko ang lakad ko papunta sa kanya. I slapped her arm the moment I got close to her. She groaned. "What's wrong with you? Ngayon ka talaga nagyaya ha, ngayong may plate tayong dapat tapusin." She just shrugged then linked her arms on mine.

We went inside the sisigan. We can smell the smell of sisig and beer all over the place. Medyo marami na ring tao. Tiba-tiba na naman si Ate Kelay. We sat in the vacant seat in the middle. Nag-usap muna kami ni Annette habang nag-iintay ng waiter.

Napaigik ako sa sakit nang biglang may humampas sa braso ko. “Nandito na naman kayo. Wala ba kayong pasok bukas, ha? Kakapunta niyo lang dito noong isang linggo tapos nandito na naman kayo.” Panay hampas ang natatanggap namin mula kay Ate Kelay. Wala talagang konsensya ang babaeng ito. Panay hampas ang alam.

Pero pag siya ang hinampas nagagalit. Maling mali Ate Kelay.

“Ahhh! Araay! Puro ka hampas, masakit na!” Kapag talaga nakikita kami ni ate Kelay, bugbog ang abot namin sa kanya. Ang tigas ng kamay, parang kahoy.

I Like You When I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon