01

2 0 0
                                    


"Nics, anong nangyari kahapon?" tanong ni Ynna. "Wala ako sa mood para magkwento, pero siguradong titigil na siya sa kakakulit sa akin." Kinagatan ko ang turon na hawak ko.

"Eto po 'yung bayad. Paano mo naman nasasabi 'yan?" Nakihigop ako sa juice na hawak ni Ynna. "Basta, makikita mo, tigil na 'yun." Palabas na kami ng canteen ng may biglang sumigaw.

"Oh, Nicole! My friend." Napalingon ako sa likod at nakita kong kasama niya si Giovanni.

"Brad, siya nga pala 'yung kinukwento ko sa'yo." Nanlaki mata ko sa sinabi niya. Gusto kong makilala ako ni Giovanni pero anong klase kaya akong tao sa kwento ng bakulaw na 'to.

"Hi, Nicole. Ako nga pala si Giovanni. Saktong-sakto ka sa mga kwento nitong si Paulo. Talagang napakaganda mo nga harap-harapan. Iba ka talaga 'tol kung mamili ng chix." Nakangiti siya at binatukan si Peter or Paulo? 

Ano ba talagang pangalan nito?? Narinig ko kahapon Peter ang pangalan, tapos ngayon Paulo. O siya Paulo na nga lang para hindi na nakakalito.

Pero totoo ba 'to? Si Giovanni mismo nagsabi ng mga bagay na 'yun? Hindi ko akalain! Napalingon ako sa direksyon ni Paulo at nakita kong nataas baba ang kilay niya habang nakahawak sa baba. Ano namang ibig sabihin n'on?

"Ay haha.. talaga? salamat." Binigyan ako ni Peter ng nakakalokong ngiti. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ikaw din. Nice meeting you..?" binaling ni Giovanni ang atensyon niya sa kasama ko.

"Ynna. Ynna-asam asam ng kalalakihan." Or pwede rin YNNA-mo. choz.

Napailing na lang ako sa kalokohan nitong kaibigan ko. Nagawa pang magbiro. Natawa naman si Giovanni sa inasal ni Ynna.  "Hahaha. Nice one. Paano una na kami. Bye, Nicole at Ynna. See you around." Pamamaalam ni Gio at kumaway pa sa amin.

Kumaway din ako pabalik. Nang dumaan si Paulo ay sumenyas siya ng kudos gamit ang dalawang daliri habang nakangiti. Ngunit di ako nakaligtas sa mga tanong ni Ynna.

--

"Hoy Nicole! Haliparot ka! Kanina mo pa 'di sinasagot ang tanong ko." Himutok ni Ynna. Hinila niya ang braso ko kaya natigil ako sa paglakad.

"Ano ba talagang nangyari? Bakit biglang kinausap ka nung dalawang lalaking 'yun? Lalo na, si Gio?!"

Sa sobrang kakulitan nitong kasama ko wala na akong nagawa kundi ikuwento ang nangyari. As in lahat, lahat ng detalye. Hagalpak ang tawa niya dahil sa mga nangyari sa kwento ko.

Mag-isa akong bumili ng makakain sa canteen. Uwian na kasi, nauna na ring umuwi si Ynna at hanggang sa pag-alis ay inuulit-ulit ang mga katangahang sinabi ko sa kaniya. Paglabas ko ng canteen, dala dala ang siomai na nasa cup ay may biglang umakbay sa akin dahilan para matapon ang toyo sa uniform ko.

"Ay, putragis! Ano bang problema mo?!" Galit kong sigaw sa umakbay sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ito.

"S-sorry, 'di ko naman sinasadya na matapunan ka." Paumanhin niya at may dinukot sa bulsa. "Oh, ito, panyo. Gamitin mong pamunas. Sorry talaga." Tiningnan ko siya ng masama at saka binaling ang tingin sa panyo sa kamay niya. Hindi ko ito kinuha at kinuha na lang ang panyo ko.

Pasalamat ka't uwian na kung hindi—ay naku! Babalatan kita ng buhay.

--

"Hoy. Sorry na talaga." Tiningnan ko siya ng masama. "Oy, 'di ko naman sinasadya, e."

"Bakit kasi nang-aakbay ka ng walang pasabe? Close tayo?" Mataray kong tanong.

"E kasi may sasabihin ako sayo, 'diba tropa na tayo?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Paulo.

GTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon