Sampung taong gulang pa lamang ako nang mahilig ako sa computer at palaging nakatambay sa computer shop.
Nandoon ako mula umaga hanggang gabi. May panahon nga na pinagbawalan na ako ng may-ari ng com shop dahil sa utos ng nanay ko. Dahil masyado na akong naaadik sa kalalaro ng computer games.
"Ano 'to?" Takang tanong ko at pinindot ang isang laro. Hinintay kong matapos ang pagloading nito.
Do you want to know who is your soulmate?
Nakasulat sa i-screen. Kakaiba ang larong ito pero ayos na 'to malapit na rin naman mag-time ang pc ko. Sinulat ko ang pangalan ko.
Name: Nicole Tolentino
Pinindot ko ang button, nagloading pa ito at maya maya pa may lumabas na letra sa i-screen.
"G ?"
Bleep, bleep!
"Time na, number 12!" Agad kong sinara ang facebook ko at sinave na ang document. Nagtungo ako sa counter para kunin ang mga pinaprint ko. Palabas na ako ng shop nang may humarang sa akin.
"Ah, ano kasi..." Napakamot siya sa batok niya at hindi makatingin sa akin. "Anong pangalan mo? Add kita sa fb." Nginitian ko siya. "Anong pangalan mo?" tanong ko.
Halatang nagulat siya. "Ryan, ikaw?" Napatango ako. "Ahh, Ryan. Sige, bye!" Naglakad na ako palabas nang sumigaw siya. "Sandali! Anong pangalan mo?" Humarap ako sa kaniya.
"Hindi mo na kailangang malaman. Kausapin mo na lang ako kapag nagsisimula na sa letter 'G' ang pangalan mo. Bye!"
Ako si Nicole Tolentino, 17. Sabihin niyo nang mababaw ang pag-iisip ko ngunit dahil sa larong 'yun, lalaking may pangalang nagsisimula sa 'G' na ang gusto ko.
Maraming tao ang namumuhi naiinis sa criteria ko. Pake ko. Lahat ng manliligaw ko, kapag hindi "G" ang pangalan, laglag agad.
Kapag may bagay akong pinaniniwalaan hindi ako bibitaw doon hangga't walang dahilan para masabing mali ang paniniwala ko.
"Nicole! Bilisan mo, nandiyan 'yung crush mo!" Kapapasok ko pa lang ng classroom nang hatakin ako palabas ni Ynna. "Sino?" tanong ko. "Si Giovanni." Agad akong dumungaw mula sa second floor ng building at tumingin sa quadrangle. Nakatitig lang ako sa nakatalikod niyang bulto habang naglalaro ng volleyball.
"GIOVANNI!"
Nagulat ako sa ginawa ni Ynna. Napalingon naman si Giovanni sa direksyon namin, ngumiti siya at kumaway. Ngumiti siya?! Takte! Napangiti din ako at kumaway. Nakita niya kaya ako?
"Ikaw na talaga, Nics!"
Tinusok tusok ni Ynna ang tagiliran ko dahilan para matawa ako. Pakiramdam ko siya talaga ang may gusto kay Giovanni sa ginawa niya.
"Nabalitaan mo na ba? Muntik na daw magpakamatay si Andrei kagabi. Hindi ba manliligaw mo 'yun?" Saad ng kaklase kong babae. Bumilis ang kabog ng puso ko sa narinig ko.
Buong maghapon akong nakatulala at malalim ang iniisip. Hindi ko maiwasang isipin na may muntik mamatay nang dahil sa akin.
"Nics, kanina ka pa tulala. Uwian na." Napalingon ako kay Ynna. Sinuri ko ang silid, unti-unti na silang naglalabasan. "Pasensya na, tara na." Aya ko at kinuha ang bag ko pero pansin kong napatigil si Ynna. "O, bakit?"
"Nicole, nasa labas kasi si Andrei hinahanap ka." Napatingin ako sa direksyon ng pinto. Nandoon siya sa hallway nakasandal sa pader. "Anong gagawin mo? Don't tell me kakausapin mo siya? Hoy, sandali!"
BINABASA MO ANG
G
Novela JuvenilIsang simpleng laro ang nagdikta na nagsisimula sa letrang 'G' ang pangalan ng taong mamahalin ni Nicole na kaniya namang sinunod. Ngunit sa pagdating ng makulit na si Paulo tila mababago ang prinsipyo ni Nicole tungkol sa taong iibigin. Kaniyang ma...