Naging busy ako sa for 2 weeks dahil sa mga pinapagawa ng mga teachers at mga hinahabol na deadline. Halos mahimatay pa ako nang matapos ang 4 hours straight Basic Calculus na hindi naman basic. "Girl, tara?" tanong ni Ynna na nakatayo sa harap ko habang ako halos mahiga na sa upuan.
"Saan?"
"Sa langit. Duh. Sa mall, karaoke tayo!" masigla niyang pag-aya.
Hindi ko siya pinansin at tumitig pa rin sa white board habang nagsisi-uwi na ang mga kaklase namin. "Huy, tara na!" Bahala siya diyan hindi ako sasama, tutulog na lang ako. Kailangan kong ipahinga ang lugaw kong utak.
"Doon tayo oh!"
Napairap ako ng kaladkarin ako ni Ynna sa karaoke room na may kulay pulang pinto at glass sa gitna. Pumasok kami sa loob. Ang laki ng loob, red ang wall, may videoke machine at one long black couch. Tuwang-tuwa siya nang makapasok sa loob, sumigaw pa ang loka.
"Dito ka lang baka maagawan pa tayo ng pwesto. Bibili lang ako ng token at hihingiin 'yung song book." Tumango lang ako at ibinaba ang bag ko sa couch. Hindi ko feel kumanta ngayon pero napilit ako ni Ynna.
"Eto pre, mukhang wala pang ta---oh Nicole!"
Nagulat ako nang makita ko si Paulo kasama si Giovanni na pumasok sa karaoke room. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Paulo habang nasa pintuan.
"Kakanta?" sarkastikong sagot ko.
"O kita mo pre, kakanta pala si Nicole. Edi dito na tayo." Aya pa ni Paulo at umupo sa gilid ko. Nanlumo ako bigla, mapapasabak pa ata ako.
Napapagitnaan nila akong dalawa. Si Paulo sa kaliwa at sa kanan si Giovanni. Umiwas ako ng tingin nang mapansin kong lumingon siya sa akin.
"Parang pamilyar 'yang jacket na suot mo." sabi Giovanni. Napasinghap ako nang maalala na suot ko ang jacket ni Paulo. Napalingon din si Paulo sa akin at napangiti, nang-aasar pa akong tiningnan. Bakit ba kasi ito ang naisuot ko! Sa sobrang busy ko 'di ko na namalayan kung ano ang sinuot ko.
"Bakit nga pala na sa'yo 'yang jacket ni Paulo? Hindi kaya---" tanong ni Giovanni.
"Ano kasi---"
"Ayoko kasing nilalamig itong si Nicole, my dear kaya pinahiram ko sa kaniya 'yung jacket ko." sabi ni Paulo na may malawak pang ngiti.
"Hoy! Anong sinasabi mo? Gawa-gawa ka diyan ng kwento. Tsaka anong 'my dear'? Ano ka arabo??" singhal ko pero hindi natitinag itong si Paulo.
"Ikaw ha, kaya pala hindi mo pa binabalik kasi inangkin mo na." pang-aasar niya. "Anong inangkin! Naging busy lang ako kaya nakalimutan ko!" depensa ko pero tumatango-tango lang siya iniisip na nagdadahilan ako.
"Mukhang inarbor mo na pero ayos lang naman."
Agad kong hinubad ang jacket niya. "O eto sayo na. Nilabahan ko pa 'yan kasi ang baho noong binigay mo sa akin." Marahas kong inihagis sa kaniya ang jacket.
Binigyan niya ako ng mapang-asar na mukha. "Okay lang, Nicole, my dear. Sayo muna hanggang kailan mo gusto. Alam kong miss mo na ako."
"You're welcome!" natatawang sabi niya. Tumayo ako at naupo sa dulo ng couch bandang kanan. Ngayon medyo malayo na ako sa kanan ni Giovanni. Agad pumasok si Ynna at bahagyang nagulat na may kasama na kaming dalawang lalaki.
"Hi! Ikaw si Ynna, 'diba?" bati ni Giovanni. Tumango naman si Ynna at dahan-dahang lumapit sa akin at ibinigay ang song book.
"Sorry ha kung makikisama kami sa inyo dito, eto kasing si Paulo nagpumilit." Paumanhin ni Giovanni habang nakatingin pa rin kay Ynna na naghahanap sa songbook at nakaupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
G
Teen FictionIsang simpleng laro ang nagdikta na nagsisimula sa letrang 'G' ang pangalan ng taong mamahalin ni Nicole na kaniya namang sinunod. Ngunit sa pagdating ng makulit na si Paulo tila mababago ang prinsipyo ni Nicole tungkol sa taong iibigin. Kaniyang ma...