PROLOGO
“Hindi mo kailangan magtago, ginoo. Huwag kang matakot sakin 'pagkat dapat na minamahal ang binibini na katulad ko. Hindi ba't ibig mo rin akong tikman?” Aniya habang nakangisi ang dalaga at pinaglalaruan ang kutsilyong hawak nito at sadyang kinikiskis ang kutsilyo sa pader marahil upang magwala ang sistema ng binatang magiging isa sa mga biktima nito. Masukal at madilim ang pasilyong tinatahak ng dalaga, tanging puting telang manipis na bestida na may bahid ng dugo ang suot ng dalaga, kung kaya't lapitin siya ng mga kalalakihan. Sino bang hindi mahuhumaling sa hubog ng katawan niya? Markang-marka ang panloob niyang saplot at mala-bote ng Coca-Cola ang hugis ng katawan at makinis at maputi.
“Ginoo! Magpakita ka na. 'Wag kang makipaglaro sakin 'pagkat madumi at madaya akong kalaro! Halikana't lumabas na sa iyong pinagtataguan, ipapatikim ko sayo ang langit na iyong inaasam-asam.”
Mula sa malapit na silid sa pasilyo ay mayroong binatang nagtatago sa pinaglumaang kabinet. Nanginginig, hindi dahil sa lamig kun'di dahil sa takot, habol-habol ang hininga, pawisan at mariing napapapikit, dinaramdam ang natamong sugat nito sa t'yan mula sa dalaga.
“Alam mo ba, ginoo, na hindi dapat tinatanggihan ang alok ng mga binibining tulad ko?” Usal nito at patuloy pa rin sa paglakad sa pasilyo.
At mula sa silid na pinagtataguan ng binata ay palakas ng palakas ang kay gandang boses na narinig kasabay ang kaluskos ng kutsilyo. Nangangamba na ang binata, gustuhin man na lubas sa pinagtataguan at tumakbo na lang uli palayo sa dalaga subalit huli na siya. Nakapasok na ang demonyong dalaga sa silid.
“Sumagot ka naman, ginoo. Alam kong narito ka at nakamasid sa susunod kong gagawin. Upang hindi ka mahirapang hulaan ang sunod na magaganap ay isasalaysay ko na lang ito ng paunti-unti...”
“Una ay mahahanap kita, marahil alam mo naman kung ano ako. Kaya madali lang kita mahahanap,” at sumilay sa mala-rosas niyang kulay na labi ang demonyong ngiti, bagaman nanatiling maamo ang mukha at mala-anghel ang kaniyang mga mata.
“Pangalawa ay itatarak ko sa dibdib mo ang kutsilyong hawak ko, kukunin ang puso't laman mo, tatanggalin ko rin ang mga mata mo 'pagkat ang among pagmasdan, magiging isa ang mga mata mo sa mga koleksyon ko. Umaayon ka ba, ginoo? Kung hindi ay wala ka ng magagawa. A, mayroon akong nakalimutan tatanggalin ko rin pala ang maselan mong bahagi upang ipakain sa aking alagang pusa!”
Lalo pang nanginig ang binata sa pinagtataguan niya. Batid nito na tutungo na sa pinagtaguan niya ang dalaga. Babae nga'ng matuturing ang dalagang gusto siyang patayin subalit demonyo at brutal kung bumigkas nang salita't nangingitil ng buhay. Batid ng binatang wala na siyang laban pa, gayon man bumuntong hingina ito't napalingon sa kahoy na nasa gilid lamang niya sa loob ng kabinet, kinuha niya ito. Kasing laki lang ng kalahati ng kaniyang braso ang kahoy.
“Lalaban ako, kahit alam kong talo na ako.” Bulong nito at naramdaman niya muli ang kirot ng sugat nito kaya napadaing ito, malalim-lalim din ang sugat niya.
Lalapit na sana ang dalaga sa kabinet subalit natigilan siya sa pagbukas nito't niluwal ang binatang may bahid ng dugo ang t'yan kung saan sinaksak ng dalaga at may hawak na itong kahoy. Pilit ng binatang makatayo nang matuwid subalit gumigewang-gewang ito dahil nga sa natamo niya at napapadaing kaya't nasandal na lamang siya sa kabinet na kanina'y pinagtaguan niya.
“Lalaban ka, ginoo? Sigurado ka ba? Haha!” Mapanlait nitong usal sa binata.
“Sa pag-aalam ko ay wala akong kasalanan sayo o kahit na sa ibang tao! Hindi man lang kita kilala, at wala akong balak na kilalanin ka mamamatay tao!” naturan nito pagkatapos ay nag-uubo na siya ng dugo.
“Walang kasalanan?” Kumuyom ang kaliwa niyang kamay habang ang kanan ay pahigpit ng pahigpit ang hawak sa kutsilyo. Tumawa siya nang pagkalakas-lakas. “Hangal! Ikaw, walang kasalanan?” Muli siyang natawa subalit may halong kemikal, kumbaga sarkastiko. “Walang taong walang kasalanan!” Umalingaw-ngaw ang sigaw nito sa loob ng silid at patakbong lumapit sa binata at sinunggaban ng kutsilyo, sa dibdib mismo. Nawindang naman ang sistema ng binata kaya nahulog niya ang hawak niyang kahoy panlaban sa dalaga kaya malayang naitarak ng dalaga ang kutsilyong hawak niya sa dibdib ng binata.
“ugh,” na-i-usal na lamang ng binata ng maramdaman ang kutsilyo sa kaniyang hininga. at unti-unti ng nawalan ng hininga
Dahil sa galit na nadarama ng dalaga ay walang humpay niyang pinagsasaksak ang dibdib ng wala ng buhay na binata hanggang sa magsawa siya. Panay din ang talsik nang dugo sa mukha at katawan ng dalaga. Sinunod naman niya ang ulo nito pero bago niya ito ginawa ay kinuha muna nito ang mga mata bilang pag-alaala sa gabing ito. Nasiyahan pa ang dalaga kaya pinutol niya ang maselang bahagi ng binata at kinain. Malinamnam, sa isip-isip niya. Tinanggal rin niya ang laman loob nito. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa kaawa-awang bangkay ng binata ay nilinis na niya ang krimeng nagawa niya.
BINABASA MO ANG
TRANSFEREE
Mystery / ThrillerKorona Kayamanan Kapangyarihan Kasamaan Kamatayan Para sa iba ang pag-upo sa trono't suot-suot ang Korona ang siyang pinakamalakas,na kahit anong antas sa lipunan ay kayang kaya nitong pabagsakin at wasakin. Kayamanan at Kasamaan ang taglay ng pagig...