NAALIMPUNGATAN ako dahil sa pagtapik-tapik nito sa aking mukha. Inimulat ko ang aking mata’t pinagmasdan ang kung sino mang tumatapik sa aking mukha, bumungad sa aking ang babae may kaikliang buhok na hanggang leeg lang nito bukod doon ay may kulay rin itong asul at ube, mangitim-itim na labi dahil sa itim na koloreteng para sa labi, at mangitim-itim na talukap ng mata marahil dahil sa nilagay nitong kolorete, bukod doon matangos ang kaniyang ilong at may pagka-makapal ang kilay.
“Hoy! Ikaw babae, gumising ka na kanina pa kita kinigising. Inutusan ako ng Ariston na gisingin ka’t sabihin sayong magpunta ka sa opisina ni Dean. Idala mo ‘yong mga papeles na kailangan mo upang makapag-aral dito. Bilisan mo! Alas-otso na ng umaga, marahil kanina pa naghihintay si Dean sayo, kay hirap mo kasing gisingin.” Haloos hindi ko na naintindihan ang sinabi niya dahil sa bilis nito na parang huli na sa pupuntahan, subalit tumango na lamang ako’t bumangon. Napansin kong nasa iba akong posisyon ng pagtulog at iba rin ang kinahihigaan ko, batid ko rin na nasa double deck ako’t nasa taas nito. Ang natatandaan ko lamang kagabi ay...
Natulog ako sa sofa, narinig ng anuman at ang huli’y ang pagtakip ng hindi ko kilalang tao sa’king ilong at bunganga at naka-amoy ng mabangong pabangong nakakahilo, hindi ko lubos inaasahan na kalip nito ang tuluyang pagdilim ng paligid.
“Hoy! Ano, tutunganga ka na lamang dyan, sana’y ‘yan muna ang ginawa mo kahapon bago matulog. Bumangon ka na’t kumain,” at umikot nga ng mariin ang itim na itim nitong mga mata. Bumaba na ako’t muling pinagmasdan ang paligid. At ako ay napapikit ng bigla na lamang siya sumigaw ng kay lakas at ang sinambit...
“Hoy! Ano ba? Puwede bang iuntog kita’t magising ka na, stress na ang ganda ko sayo!” Huminga siya ng malalim. Tumingin ng sersyoso at matalim, at sa pagkakataong iyon ay napa-atras ako. “Huwag kang tatanga-tanga rito kung gusto mong mabuhay ng tahimik at walang gumugulo sayo. Huwag na huwag mo ring ipapakita rito na isang kang duwag at lalampa-lampa, maaring maging isa ka sa mga biktima nila.” At marahang pinihit ang hawakan ng pinto.
Gulong-gulo ako sa sinambit niya. Gusto kong magtanong subalit baka hindi niya rin masasagot.
Gulong-gulo man ay binagtas ko ang malamig na sahig at nagtungo sa CR. Kumuha na rin ako ng tuwalya’t mga damit para roon na magpalit.
Ilang sandali pa lamang ay muli kong na rinig ang paglangit-ngit ng pintuan at ilang mga mahihinang yapak ng isang tao papalapit sa lugar kung saan ako na liligo. Napag-isip ko na baka ang babaeng maitim ang labi iyon kaya muli kong pinagpatuloy ang aking ginagawa subalit napatigil akong muli ng bigla na lamang naging dalawa ang tao, batid kong dalawa dahil sa apat na yapak, kanina lang ay dalawa. Ngunit ang pinagtaka ko’y mga boses lalaki ang mga ito. Nag-uusap na parang wala talaga ako’t hindi na rinig ang pagtulo ng tubig. Dinikit ko ang tainga sa pinto upang marinig ng maayos ang pag-uusapan nila.
“Sa palagay mo aanib sa atin ang mga ‘yon? Hindi sa pinaghihinalaan ko sila ngutin batid ko ring wala tayong mapapala sa kanila kung ‘di panlalait at pangkukutya lamang bukod do’n maari niya o nila tayong paslangin at itapon na lang na parang basura. Alam kong mataas ang ranko niya rito dahil siya ang pumapangalawa sa lahat, siya ang sinusunod, siya ang makapangyarihan. Alam mo rin bang kahit si Dean ay walang-wala sa kaniya, siya pa rin ang nasusunod. Gusto ko man o nating umanib sa grupo nila’y wala pa rin tayong patutunguhan.”
“Naintindihan ko na. Sang-ayon ako sa iyong tinuran subalit labak man sa aking kaloobang malait ay makutya tayong lahat wala na tayong magagawa ito na lang ang alas natin upang mabuhay, alam mo naman ‘yon. No choice tayo, kailangan natin sila.”
Tumakbo sa utak ko ang lahat ng tinuran nila pareho. Batid kong takot na takot sila at hindi ko alam ang mararamdaman, magkahalong takot para sa kanila’t ganoon na rin sa aking sarili, pagtataka dahil sino ang mga taong nasa likod ng pinto at sino ang sinasabi nilang grupo, ranko at iba pa?
BINABASA MO ANG
TRANSFEREE
Mystery / ThrillerKorona Kayamanan Kapangyarihan Kasamaan Kamatayan Para sa iba ang pag-upo sa trono't suot-suot ang Korona ang siyang pinakamalakas,na kahit anong antas sa lipunan ay kayang kaya nitong pabagsakin at wasakin. Kayamanan at Kasamaan ang taglay ng pagig...