"Neeexxxt pooo." sabi ni ateng kumukuha ng order sa Jollibee.
Lumakad ako palapit sakanya para sabihin yung order ko."Dine in po B1, Iced tea yung drinks."
Alam na alam ko na yung sasabihin ko since dalawa lang naman kadalasang inoorder ko dito, C1 or B1, at nagtitipid ako ngayon para sa projects sa Basic Electronics."May coupon ka ma'am?" tanong ni ateng cashier na nagpangiwi sakin.
Nakalimutan ko kasi yung mga coupon ko sa bahay. Sayang.Umiling nalang ako at inasikaso na ni ate yung order ko.
Mag-isa lang ako ngayong kakain dahil di ko alam kung san kumain yung mga bago kong kaibigan sa first year ko sa college.
Umakyat ako sa second floor dahil wala ng available seat sa baba. May nakita naman ako na table for two persons and I think I'm lucky kasi may matatambayan na ako for the 3 hours vacant before pumasok ulit sa next subject.
I am enjoying eating my favorite beef steak when someone talked behind my back. Literally.
"Hi, excuse me po." A voice of a man said.
Lumingon ako at ang unang nakita ko ay cute na eyeglasses. We have the same lanyard so I assumed na parehas kami ng school."Pwede po bang makiupo?" Sabi nya na medyo nahihiya pa.
Lumingon-lingon ako sa paligid at may nakita akong available seats na for four."Ayoko po kasing umupo sa pang maramihan kung may mauupuan pa naman akong iba" he added na nakagummy smile pa as if alam nya na kahinaan ko yun.
I also think na tama na hayaan nya nalang yung available seats na yun para sa mga kakain na grupo.
I nodded as a response at nagthank you lang sya bago umupo sa upuan sa harap ko.
Throughout our lunch ay walang nagsasalita ni isa samin. But the ambiance between us is not that awkward for two individuals who don't know each other but eating together. Except lang pag nagtatama yung knees namin sa baba ng table at nagsosorry kami sa isa't-isa.Mas nauna nyang naubos ang B1 nya and after that inilabas nya cellphone nya. Nagulat ako kasi akala ko aalis na sya pagkatapos nya kumain. But I immediately deleted that thought when I remembered how appendicitis hurts.
Nang matapos akong kumain ay nagsimula na akong ligpitin ang kinainan ko para makapagsimula nang magreview.
"Ako na magliligpit." Tumayo sya at di ko na rin sya pinigilang ligpitin pati ang kinainan ko.
Inilabas ko nalang ang reviewer ko at nagreview dahil bawal ko ibagsak ang test pero walang pumapasok sa utak ko at parang inaantok ako.
Nagdecide ako na dumukmo muna para umidlip saglit.
Naramdaman ko nalang na bumalik ang lalaki mula sa kung saan man.
BINABASA MO ANG
🍛B1, Iced Tea Yung Drink🍹
Ficção GeralThis very short story is for people who misses eating in fast food chains and those who needs a little bit of a wake up call to accept reality. 😉 Author: Ju