Most of the night ang ginagawa ko lang naman sa apartment ay ang magbasa o kaya mag aral pero di ko akalain na pumayag akong sumama dito sa kaibigan kong party girl.
Habang nakasakay sa taxi nag mumuni nalang ako at tumitingin sa mga nagtataasang mga gusali.
"By the way Ashi, Saang bar ba tayo pupunta?"
E baka dalhin ako nito sa abandonadong gusali at ibenta ako chos! Nasisiraan na ata ako ng utak.
"Happiness Bar" seryosong tugon niya.
Hmm ngayon ko lang iyan narinig ah, shempre di naman kasi ako party girl duuuuuh!
Huminto ang sinsakyan naming taxi sa isang matayog na gusali at pansin ko lang sa mga taong pumapasok doon ay parang ay hindi talaga parang TALAGANG angat sila sa buhay?
Pumasok kami sa gusali at binungad kami ng malamig na aircon! Jusko di pa naman ako sanay sa aircon baka maging yelo ako ng tuluyan. Pumasok na kami sa Elevato- -
"Aray ko naman po!" Hawak ang paang nahulogan ng brief case huhuhu habang tumitingin ng masama sa salarin!
"Ba't kasi haharang harang sa daan, tsk" woooooow?! Kasalanan ko pa ngayoon?
"HOY ANTIPATIKONG LALAKI NA MAY SUNGAY! MABANGGA SANA YANG HATDOG MO!" Bwiseeeet na iyon!
"Gaga! Humarang ka naman talaga sa daan."
"Oh kasalanan ko talaga ha? Ako na nga tong nahulogan ng brief case sa paa tapos kinakampihan mo pa iyong kuto na yun"
"Tumahimik ka na kalimutan mo muna iyan mas mabuting magsaya muna tayo ngayon".
Pinindot ni Ashi ang 6th Floor at hindi ko inaasahan ang nasisilayan ko ngayon.
ANG INGAY! CROWDED! AT RAMDAM KO RIN ANG SAYA SA MGA MUKHA NG MGA TAO DITO.
Hinigit ako ni Ashi at baka daw mawala ako dito. Papunta sa isang table nasilayan ko ang mga college friends ni Ashi na nakilala ko at ang iba na man ay bago sa paningin ko.
Kumaway si Ashi sa mga kaibigan niya at pinakilala ako.
"Guuuys this is Yssa!" Kaya lang di kami magkarinigan duon dahil sa ingay.
Umupo ako katabi si Ashi kaya lang umalis ang bruha para mag order ng beer.
"Youre from LSU right?" Tanong nitong mukhang banyaga dahil sa kulay blue na mata niya.
"Oo" hilaw na hilaw naman na ngiti ang naibigay ko kasi naman naasiwa ako sa paraan ng pagtitig niya.
Bumalik na ang bruha dala-dala ang ibat ibang klase ng beer.
"Inom ka isang shot lang" sabay bigay ni Ashi ng isang shot ng tequila.
Nilagok ko iyon kasabay ng pag sipsip ng lemon kasunod ng asin.
"NANDIYAN NA SI BEST IN LAAATE!"
sabay tawa ng grupo sa paparating ng lalaking pamilyar sa akin."ZAAAACH!"
Tawag ng babaeng tumatakbo papunta sa pwesto ng lalaking kadarating lang sabay yakap sa leeg niya.
BINABASA MO ANG
Tell Me Your Dream Story
RomanceEverything happens for a reason at ang makita muli ang babaeng nagbigay ng kabuluhan sa buhay ni Zach na si Yssa ay gawa ba ito ng tadhana? O matatawag bang pinagtagpo muli pero hindi itinadhana. What happen between the two to lead into separation...