Chapter 2

164 2 0
                                    

Hello people. Kung nababasa nyo to, ibig sabihin ay napagtyagaan nyo ang kwento ko. A BIG THANK YOU FOR THAT! ♥  pagpasensyahan nyou na ang pacing ng kwento. medy madrama pa sa simula. But dadating din tayo sa mga kilig parts. ♥ 

************************************************************************************************************

There's a picture of Ram Montereal and Breeze Aldeguer on the side. Ang hot ni Tom Felton no? ;DDDD Anyway, here ut is and ENJOY!

**********************************************************************************************************

Chapter 2

            (10 years earlier)

 (Breeze's POV)

            “Look Breeze, I have something for you!” sigaw ng dalawampu’t isang taong gulang na kababata at bestfriend niya na si Ram.

            Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina mula pa nung college days ng mga ito. Through the years, naging magkaibigan na rin ang kanilang mga ama. Every week ay sinisiguro ng mga ito na nagkikita-kita pa rin sila kahit abala sa negosyo ang mga ito. Kaya naman bata pa lang sila ay magkalaro na sila. Compatible sila sa maraming bagay at kaya nilang sakyan ang ugali ng isa’t-isa.

            “Ram.. is that a... is that a dog?” tanong ng noon ay labingsiyam na taong gulang na si Breeze. Namimilog ang mga mata niya sa anticipation. Matagal na niyang inuungot sa kanyang daddy na ibili siya nito ng pet dog pero dahil busy sa kompanya, marahil ay nakalimutan na nito iyon.

            And as if on cue, the dog barked and wiggled under Ram’s grip. Pinakawalan naman nito iyon at hinayaang tumakbo palapit sa kanya. She excitedly scooped the dog up in her arms. She giggled when it licked her chin.

            Binalingan niya ang bestfriend niya. “Oh my God, thank you so much, Ram!” tumakbo siya palapit dito. Plano niyang halikan ito sa pisngi but he playfully tilted his head kaya imbes na sa pisngi ay swak sa bibig nito ang labi niya.

            Namula ng husto ang buong mukha niya at nanlalaki ang matang binalingan ito. He was grinning openly at her.

            “Ramoncito Montereal!” sigaw niya rito na ikinatawa nito ng malakas.

            “Kung alam ko lang na ito ang kapalit ng pagbibigay ko sayo ng aso, sana pala matagal ko nang ginawa.” He said in a seductive voice.

            Gustong manghina ng tuhod niya. She was a sucker for his sexy voice. Tinignan niya ito ng diretso at napasinghap siya sa nabasang emosyon sa magaganda nitong mga mata.

            Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa balikat. Hindi siya halos humihinga. Unti-unting bumababa ang labi nito sa kanyang mukha. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya at tanging ito na lang ang nakikita at nadarama niya.

            Nang lumapat ang labi nito ay napapikit siya. She didn’t know that a simple kiss could be this mind-blowing. Napakatamis ng labi nito at tila iyon nakalalasing na alak. Suddenly, she didn’t want just a simple kiss, she want more.

            Tila naman narinig nito ang hiling ng puso niya dahil naramdaman niya ang paggalaw ng labi nito. Hinayan niya ang sarili na sundin ang bawat galaw ng labi nito. Tinanggal na niya ang lahat ng hiya at sinagot niya ang halik nito ng buong puso, demonstrating her feelings for him in the process.

            Ang marahang paggalaw ng labi nito ay unti-unting nagbago ng ritmo. Mas madiin na ang halik nito, tila ayaw siyang pakawalan. Ninanamnam niya ang sandaling iyon. Wala siyang balak pigilan ito. This is her ultimate dream. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stuck With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon