Chapter 7

1.6K 108 146
                                    

“Kindly finalize your fashion show project, since tapos na ang foundation day. Focus on your ramp, and also there's a photoshoot of the clothing you've made. You can choose whoever your partner is, any course.”





Halos lahat kami na-stress kasi konti nalang ang remaining days namin para sa preparation tho malapit ko na matapos ang clothing na ginawa ko, my theme is “Living in an island” So it's sexy, I made a unique dress na color green, and also topless ang sa guy then medyo jungle style yung bottom na ginawa ko para sa partner ko. Backless naman ang sa akin, then medyo kita ang cleavage. In short, sexy ang theme.



“Okay naba yung sa inyo?” Tanong ni Zades na halata na ang stress sa mukha.

“Konti nalang, then hanap ng partner.” Hindi ko alam kung sinong yayayain ko.

“Hahanap kapa may Kael kana diba?” Sabi naman ni Naih na nag-udyok sa dalawa na asarin ako. Well, mas gusto ko yun pero alam kong hindi siya mahilig sa ganun kaya hindi ko siya yayayain.

“Baka maging uncomfortble si Kael, ayoko mangyari yun.” I told them.

“May naisip ako para mapa-payag siya. Kasi kaming tatlo, yayayain din namin sila Zico para hindi na kami mahirapan maghanap.” Sabi naman ni Cassy, niyaya niya kami sa practice room para isagawa ang plano nilang tatlo para mapapayag si Kael, at clueless ako kung ano yun.

“Hi guys!” Bati naman ni Zades sa kanila.

“Anong trip nyo bat kayo nandito?” Tanong naman ni Zico.

Napatingin ako kay Kael, na sumulyap din sa akin pero saglit lang at itinuon ang attention sa binabasa niya. Nagsuot pa siya ng earphones, aba deadma ako? Pagtapos ng nangyari sa event kagabi? Ang sweet mo pa, panagutan mo ako charot.

Kinindatan ako nila Cassy, at talagang gagawin nila ang balak nila.

“Zico ikaw kasi ang sadya ni Cosette.” Akmang tututol ako sa sinabi ni Naih, pero pinigilan ako ni Zades, tapos nakita kong umangat ang kilay ni Kael. Naririnig niya ba kami?

“Yayain ka daw makipag-date.” Dugtong naman ni Cassy, akmang sasagot si Zico pero nagulat kami ng may nalaglag na ballpen. Parang binato, si Kael pala ang nakalaglag, ang sama ng tingin nya kay Zico bago siya bumalik sa upuan niya para magbasa ulit.

“Joke lang yun Zico, may project kasi kami, and si Cosette nalang walang partner. Magkakaroon ng ramp and photoshoot yung mga clothing na ginawa namin and we need a partners para i-model ang ginawa naming damit for guy and girl.” Paliwanag naman ni Cassy.

“Sure pero diba-” Hindi pa tapos si Zico sa sasabihin niya ng sumabat si Zades.

“And take note medyo daring yung poses and clothes, may part na kailangan mo siya parang halikan sa leeg just to make the photos look more sexy, since it's her chosen theme.” Napatingin ako kay Kael after sabihin ni Zades yun, sobrang salubong na ang makakapal niyang kilay at mahigpit na ang pagkakahawak niya sa ballpen niya, masama na din ang tingin niya sa libro.

“Okay lang pero-” Hindi na naman nakatapos sa sasabihin niya si Zico ng tumayo si Kael, at tinanggal ang earphones niya.

“I'm willing to be your partner, Sette.” Nagulat ako sa sinabi niya pero paglingon ko kila Cas, Zades at Naih nag-thumbs up ang mga gaga. So eto pala plano nila.

“Pre kala ko may tugtog yung earphones mo.” Inosenteng tanong ni Darrel.

“Gago, siraulo kaba? Hawak ko phone ni Kael, pinapa-rank ko ML niya bulok niyan puro aral kasi.” Sabi naman ni Lander na hindi inalis ang tingin sa phone ni Kael.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon