Chapter 27

1.6K 64 72
                                    

“Are you really sure about this?”



I'm busy packing some clothes and arranging my luggage. Cassy, doing her everyday routine, para mangulit.

“May sarili 'kang company Cas, bakit dito ka palagi sakin nanggugulo?”

“Wala kasi akong jowa.” Naka-nguso nitong sabi. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pag-iimpake ng damit ko.

“Gaano katagal ka dun?”

“Two weeks?”

“Ang tagal nun!” Ngitian ko lang siya bilang tugon pero nagsimula siya tanggalin lahat ng damit ko sa luggage.

“Ano bang ginagawa mo? I have to do this!”

Binalik ko ulit sa ayos ang mga naimpake ko na, panggulo talaga 'tong babaeng 'to.

“Fine. Pero sana maging okay kana pagbalik mo.”

“Ayos na din 'to, para makapag-isip isip ako kung paano ko ulit siya aakitin.” Binato ako ni Cassy ng heels. Ang sakit nun ah.

“Seriously? Pinagtatabuyan kana nga nung tao eh!”

“Joke lang. Suko na ako.”

Hinatid na ako ni Cassy sa airport kasama si Kuya Chase.

“Hey, take care Cose.” Hinalikan ako ni Kuya sa forehead and hinug ko naman si Cassy. Parang tanga, saglit lang naman ako dun.

Pumasok na ako sa loob, hindi ako nagpaalam sa kung sino man sa mga friends ko bukod kay Cassy. Saglit lang naman ako sa states, may malaking offer lang sa akin na fashion ramp. Malaking opportunity din 'yun para maka-earn ng pera. Tsaka through this short vacation, makaka-iwas ako sa sakit na nangyari nitong mga nakaraan.

After ako ipagtabuyan ni Kael sa studio, hindi na ulit ako nagpakita sa kanya. Mukhang hindi na din naman siya magpapakita sa akin, may mga fans siya na inaalam talaga kung sino ang kahalikan nya nung gabing iyon. Pero nagulat ako, biglang nawala 'yung balita na 'yun na parang bula.

Even the articles were all deleted. Wala na akong mahanap. Days lang ang nakalipas pero parang walang nangyari na issue kay Kael. I was expecting na si Danna mismo mag re-reveal kung sino yung kahalikan ni Kael. But even her, walang statement sa mga questions sa kaniya. It was a relief for me.

Nakarating na ako sa states at nagpahinga muna sa hotel na tinutuluyan ko. I opened my facebook account para lang hindi masyado ma-bored.

A message pop up.

Nick Guzman: Where are you? Pumunta ako sa boutique, pero si Shane lang ang naga-assist.

Cosette Santos: States. May ramp ako tomorrow.

Nick Guzman: Why you didn't tell me? Edi sana nasamahan kita or nahatid sa airport.

Cosette Santos: No need. Thank you.

Nag-out na ako at piniling matulog nalang para maganda ang gising ko bukas.

I was preferring for the ramp, and ngayon ko lang nalaman na may mga invited palang celebrities na taga-philippines. They doesn't know me naman, so it's fine. It's my turn and nahagip ng mga mata ko si Kael. What the hell? Bakit andito siya?

I tried to focus on my ramp, kahit titig na titig siya sa akin. Muli 'kong nilibot ang tingin at napansin na wala siyang kasama, I thought Danna is with him.

Natapos ang ramp, and nag-congratulate sa amin ang mga tao. Medyo malapit na sa pwesto ko si Kael, nakikipag-usap siya sa ibang businessman pero nasa akin ang tingin niya. Agad akong umiwas, at kinausap ang isa sa mga kapwa models ko.

Trace to Remember (Fate Collides Series #1) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon