Naiinis na ako sa mga tao ngayon! Nakailang bahay na ba akong nilapitan?
Isa? dalawa? Tatlo?
Aish! Mga ilang beses na ba!
" Alam niyo bang may sabi-sabing may bagong lipat daw sa baryo natin na nangangain ng freskang karne," ani ng isang ali.
Hmmm, masarap naman talaga ang freskang karne auh! Lalo na kapag bagong katay, anu bang problema nila doon? Napailing nalang ako sa narinig ko at umalis.
---
Nandito na ako ngayon sa bahay, tsk nagugutom ako.
Kaya...
naisipan ko din umalis ulit upang maghanap ng makakain, actually alas dyes na ng gabi. Ewan ko ba, ngayon pa ako ginutom hayy....
"Biktima... Biktima...biktima...magpakita ka! Upang ako'y makakain na," mahinang saad ko na parang puwet ko lang yung nakakarinig.
Tsk!
" Ayon!" sigaw ko nang makakita ako ng bibiktimahin ko.
Mukhang ok ka naman maliit at payat pero ok na, makakabusog na.
Agad kong kinain ang naging biktima ko kahit hindi luto ay masarap naman.
"Ang sarap mo...malinamnam, bukas ay lulutuin na kita," saad ko at saka umuwi.
Kinabukasan ay nagising ako sa isang malakas na ingay mula sa pintuan...
Sunod-sunod na pagkatok. Tsk
"Sino naman kaya ito" bulong ko sa sarili at agad na binuksan ang pinto.
Laking gulat ko at otomatikong nanlaki ang mga mata ko dahil tumambad sa harap ko ang isang pangkat ng mga tao o tamang sabihin nalang na nandito ang mamamayan nitong Baranggay na aking tinitirhan.
May mga dala silang palakol, pana, kutsilyo, itak, pala, dospordos na kahoy, kawayan malalaking bato, kaldero, kawali? Tangina?
"A-anu po ang maipaglilingkod ko?" Kinakabahang tanong ko at inihanda ang sarili ko dahil baka isang maling galaw ko lang ay ipopokpok nila ang dala nilang mga gamit sa akin...
"Ikaw ba?..." tanong ng matandang ermitanyo... pero biro lang lalaki lang siya na may mahabang balbas.
"A-ang al-lin p-po?" utal ring tanong ko.
"Ang kumain" tanong nito
" A-no pong i-ibig niyong sabihin?" naguguluhang saad ko.
"SUMAGOT KA!" sabay na saad ng mamamayang wirdo.
"O-oo p-po" kinakabahang sagot ko sa palagay ko'y nakaihi na ako sa aking pantalon.
" Ihanda ang mga sandata!" sigaw ng binata at pumwesto naman ang lahat.
Ako naman ay hindi alam ang gagawin...
Katapusan ko na ba?
" SUGOD!!!!" sigaw ng matandang lalaki at nagsipagtakbuhan papunta sa akin ang mga tao.
Kaya napaatras ako at napapikit pero...
Laking pagtataka ko ng walang maski isang bagay ang dumampi sa katawan ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.Nabunotan ako ng tinik sa dibdib at napasapo ng noo. Putakte!
" BWESIIIIIT KAYO! TINAKOT NIYO KO!!!!! DUMAYO LANG PALA KAYO PARA MAGLUTO DITO AT ISAHOG YANG CARROTS KO!!!!!" sigaw ko at hinabol sila ng chainsaw.
Ako ang kumuha ng carrots na yan kagabi tas sila lang makikinabang! HALF CARNIVAL AT VEGETARIAN PO AKO!
" Mukhang masarap din naman kayo kaya kayo nalang ang gagawin kong karne," saad ko at inisa-isang kinatay ang...
Dalang manok ng mga kabaranggay ko.
Haha.May pakinabangan din naman sila.
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES COMPILATION
LosoweStories that exist only in the authors imagination. This is just for fun.