Galing kami ng school ng mga kaibigan kong sina Jane at Venice.
Masaya kaming naglalakad sa kanto patungong mga bahay namin.
Mag-aalas 6 na ng gabi, actually kanina pa dapat kami ang kaso nga lang nag-aya si Jane na gumala sa park Kaya ayun, di namin namalayan na mag-gagabi na pala.
" Jane bukas doon tayo ulit ha, nag-enjoy talaga ako haha" tumatawang saad ni Venice habang naglalakad ng nakaharap samin.
Babaeng to pagnatisod tatawanan ko talaga to.
" Oy umaayos ka ngang maglakad jan, humarap ka sa daan " saway ko sa kanya, baka kasi pag may dumaan na sasakyan eh di niya makita tsk.
"Oo na po Alexandra tsk" saad niya at nagbow pa muna na parang prinsesa saka humarap sa daan, siniringan ko lang siya.
" Oyy tigil muna tayo, naiihi ako" reklamong saad ni Jane kaya tumigil naman kami.
"Saan ka naman iihi?...dito sa daan?" tanong ko.
Luminga-linga siya, kaya ganun din ang ginawa namin ni Venice at eksaktong may lumang mansion malapit sa kinatatayuan namin.
Hindi pa naman masyado lumulubog ang araw, maliwanag pa naman ng kaunti kaya makikita mo pa ang daan.
Nung makita namin iyon ay agad na kumaripas ng takbo si Jane papasok ng mansion'g iyon.
Siguro'y ihing- ihi na.
Nagkatinginan muna kami ni Venice at bumungisngis ng bahagya bago sumunod sa kanya.
Nang makalapit kaming dalawa ay tumigil ako.
" Ikaw nalang ang pumasok Vens, maghihintay nalang ako dito sa labas samahan mo doon si Jane" saad ko
" Ang sabihin mo takot ka lang, tsk halika na pasok na tayo, gusto kong makita ang kabuuan ng mansion'g to, mukha maganda yata sa loob" sabat naman ni Venice at hinila ako papasok kaya nagpahila nalang ako. Anu pa bang magagawa ko tch!
Itinulak namin ang pintong sobrang luma na kahit nakabukas ito ng bahagya dahil nga pumasok si Jane.
Ewan ko ba bakit dito pa naisipang umihi ng lukaret na iyon.
Mga lawa ng gagamba ang sumalubong agad sa amin.
Walang ilaw, kaya magkahawak ang isang kamay namin ni Venice habang ang isa namang kamay ay nangangapa.
Biglang lumiwanag ang bahay.
Kaya nabigla ako at bumilos ang tibok ng puso. Tangina!
" Hehe sorry Lex nakapa ko yung switch ng ilaw" saad ni Venice at nagpeace sign.
" Tsk" singhal ko sa kanya.
Nagbitaw kami ng kamay ni Venice at nilibot naman ng mga mata ko ang kabuuan ng mansion.
Malapad ito, maraming gamit, mukhang antique ngunit maalikabok na.
Inisa-isa kong tiningnan ang mga gamit na aking nakikita. Masyadong luma na amg mga ito.
'Ilang taon na kayang hindi tinitirhan to?' tanong ko sa aking isip.
Mga ilang minuto kong iginala ang aking sarili sa kabuuan ng mansion hanggang sa naramdaman kong ako nalang mag-isa dahil paglingon ko ay wala na ang presinsya ni Venice.
"Venice? Jane? Nasaan kayo" mahinang saad ko.
Pero ni isa ay walang sumagot.
Tinungo ko ang isang daan patungo sa...
Saan nga ba ito? Kusina? Sala?
Di ko Alam!
"Jane? Venice?" Saad ko
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES COMPILATION
CasualeStories that exist only in the authors imagination. This is just for fun.