Prologue

24 3 2
                                    

FIERCE MAIDEN

P R O L O G U E

Here I am again, seeing nothing but a pitch-black thing that surrounds me. And because of this thing I can’t move, Hindi dahil sa pinipigilan ako nito gumalaw dahil sa tuwing madilim ay wala talaga akong maaninag. 

Pinakiramdaman ko ang paligid hanggang sa makarinig ako ng mga nagsisigawan at nagtatakbuhan. Napabaling ako sa paligid dahil baka matamaan nila ako, wala pa man din ako makita. 

Liwanag na nakakasilaw ang bumungad sa aking harapan kaya ako napapikit at hinarang ang dalawang braso sa mukha para panangga sa liwanag. Unti unti nasanay ang mata ko hanggang liwanag na iyon at dahan dahan nag lakad papalapit dito.

Hindi ko alam kung ano man ang naghihintay sa akin sa kabilang dulo banda pero dahil sa liwanag lamang ako mas makakakita ng maayos kesa nandito ako sa dilim. 

Mas lumakas ang ingay ng mga taong nag sisigawan, hindi lamang iyon dahil nadagdagan ng putok ng baril at malakas na pagsabog. Sasabay na din sana ako sa pag takbo palayo sa lugar ngunit napahinto ako dahil sa nakasalubong kong lalake na tumagos lamang sa akin. 

Napahinto ako sa kinakatayuan at pinagmasdan ang magulong paligid. “Nasaan ako?” tanong ko sa sarili. 

Itinaas ko ang aking kamay at sinubukan hawakan ang nasa paligid ko at laking gulat ko ay lahat ng mahawakan ko ay tumatagos. Nakaramdam ako ng takot dahil sa naisip, “Patay na baa ko?” takot kong tanong sa sarili. 

Malakas na putok ng baril ang nag pabaling sa akin sa bandang likuran at kasabay nun ang pagkawala ng maraming tao na nag sisitakbuhan. 

Nakakatakot, yan ang una mong maiisip kapag nakita mo ang lugar na ito dahil kahit san ka tumingin ay nababahiran ng dugo. 

“mommy…” 

Lumitaw ang isang batang babae sa aking harapan ngunit nakatalikod ito sa akin, napalingon naman ako sa kaniyang tinititigan at halos mapasigaw ako dahil sa aking nakita ngunit napigilan ko naman agad dahil tinakpan ko ang aking bibig. 

Sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla tumulo ang mga luha ko at parang nakaramdam ako ng lungkot. Pinikit kong muli ang aking mata at nag babaka sakali na mawala iyon ngunit pag mulat ko ay nandun pa din ang isang babae na nakahiga sa sariling dugo ngunit wala itong mukha, blanko. 

Lalapitan ko na sana siya ng bigla akong hinarap ng batang nasa harap ko. Maputi ang kaniyang balat at halatang anak mayaman, meron siyang mahaba na kulo na buhok at mga pisngi na namumula dahil sa kaniyang pag iyak. 

Parang pamilyar ang batang to, nakita ko na ba siya? Kasi parang nakita ko na siya dati pero di ko lang maalala. 

Tinitigan niya ako diretso sa mata at nagulat ako dahil nakikita niya ako. “tulungan mo sila, hindi pa huli ang lahat.” 

“H-huh? Paano ko naman sila tutulungan?” nagtatakhang tanong ko sa kaniya. Tintitigan niya ako na tila sinusuri ang aking mukha. 

“Ikaw ang sagot sa lahat ng ito, ikaw ang senyales para makabangon silang ulit. Ikaw lamang ang hinihintay nila” mahinhin niyang sabi pero mababakas ang seryoso niyang pananalita kahit ang bata niya pa. 

Nakaramdam ako ng kilabot ng banggitin niya ang mga yun, napatingin ako sa buong paligid ay inisa isang tignan ang mga patay sa lugar na ito. Napalunok laway ako, so ako ang bubuhay sa kanila? Hala pano to! Magiging zombie sila? Shems hindi pwede, aalis na ako hanggat pwede pa…

“tandaan mo, hindi ka makakatakas sa kung ano man ang pasya ng tadhana sayo. Pero ikaw lang makakapag pabago ng landas na tatahakin mo.”

Fierce Maiden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon