Fierce Maiden 1

11 1 0
                                    

CHAPTER 1

“tandaan mo, hindi ka makakatakas sa kung ano man ang pasya ng tadhana sayo. Pero ikaw lang makakapag pabago ng landas na tatahakin mo.”

“GOOD MORNING!!!” napabalikwas ako mula sa pagkakatulog ng makarinig ng masigla na matinis na boses na pumasok sa kwarto ko, kasabay nun ang pag bukas ng mga bintana kaya sobrang liwanag ang bumungad sa mata ko. 

“Girl bangon na! malalate ka frist day pa naman ngayon ng klase, nagluto na din ako ng breakfast niyo!.” Sabi ng masiglang babae na nakatayo sa harapan ko. Ng maayos ko ng maimulat ang mata ko ay tumambad sa akin ang nakangiti na si Ate Maria. 

Tamad ko siyang tinitigan lang pero siya hindi nawawala ang ngiti sa mukha. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong hindi ako titigilan nito kung hindi ako babangon. Human alarm clock ko to si ate since elementary palang ako, per hanggang ngayon hindi pa din ako nasasanay sa matinis niyang boses na nagpapasimula ng araw ko. 

Nako kung hindi ko lang matagal na kakilala to si Ate Maria baka nasigawan ko na ito dahil ang sigla sigla, parang hindi nauubusan ng energy. 

“Good! Now go downstairs and eat. Niluto ko mga paborito niyong pagkain ng kuya mo kaya go go go na!” lumabas na siya ng kwarto ng tumayo na ako. Siniguro na niya kasing nakabangon na ako para susunod sa kaniya. 

Nag unat ako ng mga braso at likod kasi that’s a good way to start your day. Mag stretch ka para maalis yung katamaran sa katawan. 

“also don’t forget to fix your bed okay?” silip niyang muli sa pintuan para sabihan ako at umalis lang din bigla. Natawa na lang ako kasi parang bata kung umasta pero kung tutuusin mas matanda naman siya sa akin ng tatlong taon, yeah hindi nagkakalayo pero si kuya kasi ang matured na kung mag isip at kumilos. 

“VINCENT MI LOVES GOOD MORNING!!!” 

Natatawang napailing na lang ako ng marinig ko ang boses ni Ate Maria mula sa labas ng kwarto ko habang nag aayos ng hinigaan. 

“what the fu—”

“hep! Hep! Hep! Don’t say bad words! Ang aga aga mura ang ibubungad mo sa akin dapat pagmamahal Vincent baby HAHAHAHAHA”  

“whatever” 

Umalingawngaw ang boses ni ate dito sa second floor at mas lalong lumakas ng lumabas ako ng kwarto at nakasalubong silang dalawa sa labas ng pinto ko. Katapat lang ng kwarto ko ang kwarto ni kuya Vincent or Vince or Vin pag si ate Maria natawag. 

Naunang maglakad pababa sa amin si kuya dahil alam kong badtrip iyon dahil sinira ang tulog niya. Nagising ako kaninang madaling araw dahil sa sasakyan niya na pinarada niya sa labas. Hmm, san kaya galling to? Lagot ka kay ate maria susumbong kita kala mo ah bwahahaha. 

“alam mo napaka bugnutin ng kuya mo, kaya maagang tatanda yang hukluban na yan eh” natatawang biro ni ate ng sabay kami mag lakad pababa ng hagdan. 

“sus, hindi ka pa ba nasanay ate halos araw araw naman nag susungit yan, araw araw mo din naman kasi bubwesit eh” 

“ay wow problema ko ba yun? Edi gumising siya ng maaga para hindi  masira araw niya” 

Pareho na lang kami natawa ni ate. Pumasok kami sa kusina at nakita naming nag umpisa na kumain si kuya ng hindi man lang kami hinintay. 

“Kala mo kung sino badtrip kakainin din naman pala niluto ko…” bulong ni ate Maria sa tabi ko habang nag lalagay ng kape sa tasa ni kuya na nasa harapan niya. Katamtaman lang naman ang pagkakasabi niya at sakto lang para marinig ni kuya na kinahinto niya saglit pero pinagpa tuloy pa din ang pagkain. 

Fierce Maiden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon