CHAPTER 2“Harper Gaile Velasquez?”
“PRESENT!” lahat sila napalingon sa akin na kakapasok lang sa classroom. Sakto naman narinig kong tinawag ng teacher na nasa harapan ang pangalan ko. Buti na lang talaga tinakasan ko na sina Ate kung hindi malalate ako lalo.
“You’re late, minus one direct to the grade.” Malamig na pagkakabigkas niya sabay baling ulit sa hawak niyang chart na kung saan nakalagay ang attendance naming.
Bagsak balikat naman ako dahil sa sinabi niya, kahit hinihingal ay sinikap kong ayusin ang sarili at hinarap siya, mag sasalita palang ako ng bigla ko marinig ang pangalan ko.
“psst Harper!” nilingon ko kung sino tumawag sa pangalan ko at inumuwestra niya ang kamay niya na lumapit na lang ako sa kaniya. Hindi ko pa sana siya susundin ng makita ko ang mga tingin ng mga kaklase ko na parang kinakabahan at nakakapanibagi dahil ang tahimik nila ngayon.
Mag rereklamo pa sana ako kaso sumunod na lang ako kay Pia na maupo na lang sa tabi niya. Tinignan ko yung orasan, may isang minuto pa ako bago mag alas syete! Ang duga naman!
“the next time I call your name and I didn’t hear any response, kahit late kayo I will mark that as absent. Understood?” malumanay pero malamig na pagkaka sabi niya. Sabay sabay naman kaming sumagot pero hindi ko alam ay natatakot ako.
“You will be my advisory class until the end of the school year, if lucky enough just till the end of this semester…” may sinabi pa siya pero hindi na namin narinig, she cleared her throat and continue what she was saying. “technically I will be your adviser, Icy Gonzaga is the name and I’ll be teaching Physics…”
Nagpatuloy lamang siya sa pag sasalita habang tinitignan ko siya ng mabuti, maganda siya at balingkinitan ang katawan, bagsak ang kaniyang buhok kahit naka tali ito at may salamin sa mata. Mapula ang labi tulad ng labi ni taylor swift, yung labi niya lang ang makulay sa kaniya, ang iba kasi ang lamig parang yung mata niya kung makatingin.
“Yes Miss Velasquez, you have something to say?” nagulat ako ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko. Mas lalo ako nakaramdam ng kaba ng titigan niya ako diretso sa mata, napaka lifeless. Mukhang hindi ako komportable sa isang to.
“N-none ma’am” hindi ko namalayan na nautal ako dahil sa kaba. Shems sino ba naman hindi?
Napalingon ako kay Pia na tinanong ako kung okay lang ba ako, tumango lang ako at humarap na sa babaeng napakalamig ng pakikitungo sa amin.
“that will be all today, tomorrow will start your regular class.” wala man lang goodbye ay lumabas na siya sa classroom.
Ilang sandali pa nung umalis siya tsaka ko narinig ang mga kasama ko na napabuntong hininga.
“grabe, ang ganda niya sana kaso ang terror.”
“sis feeling ko hindi ako makakatagal sa klase niya”
“okay na sana kaso kasing lamig niya yung yelo”
“sabihin mo pangalan palang malamig na…”
Kaniya kaniyang opinion ang maririnig mo mula sa kanila. Halatang pati sila ay takot sa presensya ng gurong iyon. Kahit naman ako, pero kahit wala na siya ay ang bigat pa din ng pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag parang ako kinakabahan na natatakot na ewan. Hindi ko alam sa sarili ko.
Dumaan pa ang ilang oras ay wala na akong gana making. Ewan, siguro dahil sumama ang pakiramdam ko. Namalayan ko na lang na lunch na ng tawagin ni Pia ang pangalan ko.
“Harper hindi ka ba kakain?”
“kakain malamang” natatawang sabi ko sa kaniya at lumabas na kami ng classroom at nag lakad papunta sa cafeteria.