Tahimik ang gabi, walang ingay na maririnig maliban sa iilang tunog mula sa mga insekto sa paligid. Hindi maitago ang kaba sa mukha ng magkakaibigan na ngayoy nakaupo sa lupa at nakasandal sa mga puno na kani-kanilang pinuwestuhan. Tinignan ni Luke isat-isa ang itsura ng mga kasama.
"Okay lang kayo? Kaya niyo pa ba?" Tanong nito.
Tumango sila at mulang nanahimik ang kapaligiran. Nakayuko ang ulo ng mga ito at di magawang tignan ang isat-isa.
"Tingin mo ba hinahanap pa rin nila tayo?" Basag ni Hannah sa katahimikan.
"Di ko masasabi. Pare-pareho nating di alam." Sagot ni Luke na kanilang tumatayong leader ng grupo. "Pero mas maganda wag muna tayo mag-isip na ligtas na tayo. Hindi pa tayo sigurado."
Napaluha si Hannah na ito namaý sinalo ni Lea para pakalmahin. Pagod na pagod ang itsura ng mga ito dahil ilang araw na silang walang tigil sa kakatakbo at kakatago sa mga taong humahabol sa kanila. Ilang araw na ring di nakaligo at halata na sa kanila ang kadungisan ngunit alintala ito sa magkakaibigan.
"Sigurado ba tayo sa sinabi ni Manang Weya? Paano kung wala palang safe haven para sa mga katulad natin?" Tanong ni Lea kay Luke habang yakap ang ngayoý tahimik na humikbing si Hannah.
Umiling si Luke at seryosong tinignan si Lea. "Magdasal na lang tayo na totoo. Dahil kung hindi"
Hindi na nito tinapos ang sasabihin dahil naintindihan ng grupo ang nais ipahiwatig nito. Hindi sila dapat mawalan ng pag-asa dahil iisa lang ang kalalagyan ng magkakaibigan pag agad silang sumuko—Death. Death by torture kung ibabalik sila sa impyernong pinanggalingan nila, o kamatayan mula sa dito sa kagubatang kasalukuyan nilang kinalalagyan.
"Jake." Tawag ni Lea sa kaibigan.
Ngumuso si Lea kay Jake patungo sa kabigan nilang si Hannah na ngayoy mahimbing ng natutulog. Tumango si Jake at iminuwestra ang dalawang palad patungo sa direksyon kung saan nakaupo sila Lea at Hannah. Pumikit ito at mula sa mga kamay niyay lumabas ang munting liwanag at lumakbay papunta sa dalawang dalaga. Huminto ito sa harap ni Lea hanggang sa unti-unti itong lumapad at pinalibutan ang dalawa. Nawala ang liwanag ngunit natira ang init na bumabalot kina Lea at Hannah. Ngumiti si Lea sa binata.
"Matulog ka na din. Maaga tayo bukas." Sambit ni Luke.
Tumango si Leah. Niyakap nito si Hannah at pumikit. Nagkatinginan sina Luke at Jake.
"Ako na muna ngayon ang magbabantay. Matulog ka na din." Sabi ni Jake sa isipan nito patungo kay Luke.
"Ako na lang. Hindi ako inaantok."
"Ilang gabi ka ng puyat sa pagbabantay samin Luke. Sa ating dalawa ikaw ang mas may kailangan kaya wag ka ng magsinunangling. Matulog ka na." Pilit ni Jake.
Bumuntong-hininga si Luke at tumango. Tumayo ito at tumalon patungo sa isang sanga ng punong sinasandalan nito. Tiningala ni Jake ang kaibigan at nakita itong sumandal sa puno ng nakatalikod sa kanya.
"Gisingin mo na lang ako pag inaantok ka na."
Hindi na kumibo si Jake at tinignan ang huli nilang kasama na abala sa pagsusulat sa maliit na notebook nito. Naka indian sit ito at gamit ang maliit na headlight ay taimtim na nagsusulat sa ilalim ng puno.
"Hal, matulog ka na." Sabi ni Jake.
Umangat ang ulo ni Hal at tumingin sa paligid. Ngayon lang nito napansin na sila na lang ang natitirang gising.
"Okay." Simpleng sagot nito at sinarado ang notebook saka ipinasok sa bag niya.
Ng mailigpit ang lahat ay iminuwestra nito ang hintuturo at itinuro sa isang dahon. Lumapit ang dahon sa kaniya. Tumigil ang dahon sa harap niya at ilang sandali lang ay mabilis na lumaki ng lumaki hanggang sa naging kasing laki ito ng isang tipikal na kumot. Tinakpan nito ang sarili ng malapad na dahon na iyon at ng maging komportable ay tumango kay Jake at tinakpan ang mata nito gamit ang braso niya.
Bilang nag-iisang gising sa buong grupo, tumayo si Jake at naisipang libutin muna ang paligid nila para masiguradong walang paparating mula sa mga humahabol sa kanila.
Madilim ang paligid at hindi masyadong maanigan ng liwanag mula sa buwan ang dinadaanan, dahil sa mga punong magkakadikit, ngunit hindi ito naging sagabal kay Jake. Natural na maliwanag ang paningin ng mga katulad nila sa dilim kaya malinaw nitong nakikita ang lahat ng nadadaanan.
Napahinto ito sa paglalakad ng may marinig na tunog na parang agos ng tubig. Nagmamadaling tinungo nito ang pinanggalingan ng tunog. Mabilis niyang hinawi ang bawat sangang nakaharang sa dinadaanan niya. Paghawi nito sa huling sanga ay sinalubong ito ng nakakabighaning tanawin sa harap niya.
Mula sa gitna ng ilog ay makikita ang buwan na parang bang nakalutang lamang sa tubig, at sa ilalim nito ay makikita ang reflection nito sa ilog. Sa bandang kaliwa naman ay isang maliit na talon at napagtanto nito na ito ang pinanggalingan ng tunog na narinig niya kanina. Nakapagitna ang lugar na iyon sa hile-hilerang puno ng kagubatan at tila ba walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa labas ng teritoryo nito.
"Wow". Di makapaniwalang sabi ni Jake.
Hinubad nito ang damit niya at saka ipinatong sa isang bato. Dahan dahan itong naglakad papunta sa ilog, di alintana ang lamig ng hangin. Huminto ito ng maramdaman na nito ang lamig ng tubig sa kanyang mga paa. Napangiti ito at tuluyan ng lumusong sa tubig.
BINABASA MO ANG
The Green House
FantasyWhen you've spent most of your life running, you just wished there is some place where it would finally accept you as you are. Luke and his group of friends with their unusual set of abilities are feared and scorned for being different. When opport...