Chapter 2

15 3 0
                                    

Unti-unting nagmulat ng mata si Lea at tinignan ang paligid. Namataan nito na wala ang mga lalaki sa kani-kanilang puwesto dahilan para kabahan ang dalaga.

"Luke? Nasan kayo?" Tawag ni Leah sa isipan. Kung ligtas ang mga ito ay siguradong maririnig siya. Ipinagkibit-balikat nito ang kaba na gumagapang sa isipan at pinaulit-ulit ang pagtawag kay Luke.

"Lea!"

Mabilis na lumingon si Lea. Nakangiting tumatakbo papalapit si Luke kay Lea at sumunod sa likod nito sina Jake at Hal. Basa ang suot na damit ng mga ito at halatang kakaligo lang.

"Sorry di na kita ginising para magsabi. Mukhang mahihimbing ang tulog niyo eh." Paliwanag ni Luke ng makalapit sa kanya.

Tumango si Lea saka pinagmasdan ang mga lalaki na lumagpas sa kanya. "Naligo kayo? Saan?"

"May nakitang lawa si Jake malapit dito kagabi." Sambit ni Luke.

Tinignan ni Lea si Jake na abala sa pag-aayos ng gamit nito sa backpack na dala. Bigla itong nag-angat ng ulo at nahuli siya nitong pinagmamasdan siya. Ngumisi ito sa kanya at kumindat. Tinaasan na lang siya ng kilay ni Lea at binalik ang pansin kay Luke. "Maligo na kayo, nauna na kami para di kayo nagmamadali. Kunin mo na lang kay Jake ang twalya niyo. Kami na maghahanda ng kakainin natin."

Iniwan ni Luke si Lea at naglakad sa gamit niya. Bumuntong-hininga si Lea at nagtungo kung saan si Jake.

"Nasayo daw ang towels namin?" Masungit na tanong ni Lea dito.

Natawa rito si Jake at napailing. "Unfair naman. Bakit ang sungit-sungit mo sakin ha?" Kinalkal nito ang isang bag at kumuha ng dalawang tuwalya mula rito.

"Unfair?" Nagtatakang tanong ni Lea.

Tumayo si Jake at humarap kay Lea. Lumapit ito ng sobrang bilis na hindi agad nagkaroon ng oras si Lea para umiwas. Sobrang lapit ng mukha ni Jake sa mukha nito dahilan para biglang mamula ang mga pisngi ni Lea.

"Well, ang sungit mo sakin habang sobrang sweet mo kay Luke. Crush mo no?" Pang-aasar ni Jake.

Namilog ang mga mata ni Lea at lalong namula ang mga pisngi nito. Itinulak nito palayo si Jake at hinawakan ang pisngi niya. "A-anong pinagsasasabi mo!"

Humalakhak si Jake at napailing sa mala-kamatis na itsura ni Lea. "Catch." Inihagis nito ang mga tuwalya sa kanya at kahit gulat ay nagawa itong saluhin ni Lea.

"Correction, di ko siya crush okay!"

"Guilty much? Sa lahat ng sinabi ko yan lang napansin mo ha." Sagot ni Jake at ngumisi. "Maligo ka na. Patulong kayo kay Hal kung saan. Magbibihis pa ako."

Kumunot ang noo ni Lea at inis na tinignan ito. Sasagot pa sana ito ng biglang naghubad ng pang-itaas si Jake at tinignan siya ng nakataas ang kilay. "Gusto mo manuod?"

Mabilis na tumalikod si Lea at pinuntahan si Hannah. Di na nito inalintana ang muling pamumula ng pisngi.

"Hannah. Gising na." Sabi ni Lea habang marahang inaalog si Hannah. Umungol si Hannah at dahan-dahang binuksan ang mga mata nito. Umupo ito at tinignan ang mga kasama.

"Aalis na tayo?" Tanong nito ng makitang nag-aayos ang mga lalaki ng kani-kanilang gamit.

Ngumiti si Lea at marahang hinawi ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mata ni Hannah. Inalalayan niya itong tumayo at inabot ang tuwalya nito sa kanya. "Maliligo tayo. Sila Luke na daw ang maghahanda ng kakainin kaya tara na."

Nagtungo ang dalawa kay Hal na ito namang walang imik na naglakad para gabayan sila. Mukhang pinutol ng mga lalaki nilang kasama ang ilang mga sanga para maging maluwag ang dadaanan. Nang makarating sa dulo ay hindi makapaniwala ang dalawang dalaga sa ganda ng lugar na iyon.

"Wow. Kung pwede lang na dito na tayo tumira." Nabighaning sambit ni Hannah.

Tumawa si Lea at inakbayan ang kaibigan. "Mauna ka na. Susunod ako."

Ngumiti si Hannah at mabilis na tumakbo papunta sa tubig. Naiwan sa mga pwestong kinatatayuan nila sina Hal at Lea. Pinagmasdan ng dalawa ang tuwang-tuwa na bata na ngayoý di na nag-abalang mag-alis ng damit at lumusong kaagad sa tubig.

"Ngayon ko lang ulit siya nakitang tumawa ng ganyan simula nung tumakas tayo." Saad ni Lea.

Tumango si Hal. Naalala nito ang sinapit nila bago tuluyang makalabas sa research facility na pinagmulan nila. Sobrang hirap ang dinanas ng mga ito para lang makamit ang kalayaan na hinihingi nila. Ilang kaibigan din ang nawala sa kanila at ngayon sila na lamang apat ang natira.

"Sige na tulungan mo na sina Luke. Tanda ko naman ang pabalik." Sabi ni Lea kay Hal.

Tumango muli si Hal at pinasadahan saglit ng tingin si Hannah saka tuluyang naglakad papasok ng kagubatan. Siniguro muna ni Lea na tuluyan ng nakalayo ang kaibigan bago hubarin ang mga suot nito. Naglakad ito papunta sa lake dala ang mga damit at dahan-dahang lumusong sa tubig.

"Hannah hubarin mo muna damit mo linisin natin." Wika ni Lea.

Tinulungan niya itong hubarin ang pang itaas nito at sumunod naman ang pang-ibaba. Naging abala ang dalawa sa paglilinis ng kani-kanilang katawan at mga damit.

Lumipas ang isang oras ay natapos din ang dalawa at mula sa kanilang dalang mga bag ay kumuha ng malinis na damit para magpalit. Ibinalot ng dalawa ang kanilang buhok ng tuwalya at bitbit ang mga basang damit ay muling naglakad papunta sa kanilang silungan.

Nadatnan ng dalawa ang isang maliit na clearing sa gitna ng mga punong kinalalagyan nila. Mukhang naglinis ang mga lalaki para mas maging maluwag ang kanilang ginagalawan. May mesa sa gitna at mga bato na magsisilbi nilang mga upuan. Abala sa pagluluto si Jake ng isang ibon--na di na sinubukang hulaan ni Lea kung ano yun--habang sina Hal at Luke naman ay inilalagay ang mga ginamit nila kagabi sa mga bag.

Lumapit sina Lea at Hannah kay Jake. Nawala ang pansin ni Jake sa iniluluto dahil sa pagdating ng dalawa kaya namaý humina ang apoy dito na kanyang kinokontrol.

"Anong kailangan sakin ng dalawang magagandang dilag sa harapan ko?" Pabirong saad ni Jake.

Napaismid si Lea habang tumawa naman si Hannah.

"Patuyo naman ng mga damit namin kuya. Please?" Saad ni Hannah at inilahad ang mga damit na dala nito.

Tumawa si Jake at marahang ginulo ang buhok ni Hannah. "Ofcourse para sa aming prinsesa."

Binitawan ni Jake ang nakalahad na palad sa niluluto at itinapat sa damit ni Hannah. Mula sa damit nito ay unti-unting nag evaporate ang tubig hanggang sa tuluyan na itong natuyo. Ginawa niya rin ito sa ilan pa nitong damit. Bumaling ito sa direksyon ni Lea at nagtaas ng kilay.

Nag-aalangang lumapit si Lea kay Jake at iniabot ang mga damit nito sa kanya. Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Jake at kinuha ang mga ito ng di inaalis ang tingin kay Lea.

"A-ano nanaman?" Nauutal na tanong ni Lea kay Jake dahil sa pagtitig nito.

Natawa si Jake sa pagkautal nito at umiling. Itinapat nito ang hintuturo sa direkyon ni Lea at nagulat ang dalaga nang maramdaman na umangat ang buhok nito at unti-unting nag evaporate ang tubig mula dito. Unti unti rin itong natuyo at marahang bumababa hanggang sa lumugay ito... sa bubong pagmumukha ni Lea.

Naramdaman ni Lea ang nagbabadyang bagyo at dahan-dahang inangat ang ulo para tignan ng masama si Jake.

"JAKE TRAUMEN!"

The Green HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon